Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Laging Isaisip si Jehova

Laging Isaisip si Jehova

Kapag nahihirapan tayong maghanap ng trabaho, baka hindi na natin unahin sa buhay natin ang Kaharian at ang katuwiran ng Diyos. Baka matukso tayong tumanggap ng trabaho na makakahadlang sa paglilingkod natin kay Jehova o labag sa mga prinsipyo sa Bibliya. Pero siguradong ipapakita ni Jehova ang kaniyang lakas “alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.” (2Cr 16:9) Tutulungan tayo ng ating mapagmahal na Ama at ibibigay niya ang kailangan natin, at walang makakapigil sa kaniya. (Ro 8:32) Kaya kapag kailangan nating magdesisyon tungkol sa trabaho, dapat tayong umasa kay Jehova at unahin pa rin sa ating buhay ang paglilingkod sa kaniya.​—Aw 16:8.

PANOORIN ANG VIDEO NA GUMAWA NANG BUONG KALULUWA PARA KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit hindi tinanggap ni Jason ang suhol?

  • Paano natin masusunod ang Colosas 3:23?

  • Paano nakaapekto kay Thomas ang magandang halimbawa ni Jason?

  • Kapag nagdedesisyon ka o anuman ang ginagawa mo, laging isaisip si Jehova

    Paano natin masusunod ang Mateo 6:22?