KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ingatan ang Iyong Napakahalagang Mana
Itinaboy ni Caleb ang malalakas na kaaway para maingatan ang mana niya (Jos 15:14; it-1 964 ¶1)
May mga Israelitang hindi nakapag-ingat ng mana nila dahil naimpluwensiyahan sila ng mga hindi naglilingkod kay Jehova (Jos 16:10; it-2 997)
Tinulungan ni Jehova ang mga talagang gustong ingatan ang mana nila (Deu 20:1-4; Jos 17:17, 18; it-1 475 ¶2)
Gustong bigyan ni Jehova ang lahat ng Kristiyano ng isang napakahalagang mana—buhay na walang hanggan. Dahil gusto nating maingatan ang manang iyan, pinapatibay natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya, pagdalo sa mga pulong, pakikibahagi sa ministeryo, at pananalangin para malabanan natin ang tukso.
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Iniingatan ko ba ang mana ko?’