PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Patuloy na Sanayin ang Iyong Kakayahang Umunawa
Para manatiling malakas ang isang atleta, dapat na patuloy siyang mag-ehersisyo. Sa katulad na paraan, kailangan din ang pagsisikap para patuloy na sanayin ang ating kakayahang umunawa. (Heb 5:14) Kung minsan, baka may tendensiya tayong gayahin ang desisyon ng iba, pero dapat nating sanayin ang ating kakayahang mag-isip at gumawa ng sariling desisyon. Bakit? Kasi ang bawat isa sa atin ay mananagot sa sarili nating desisyon.—Ro 14:12.
Huwag nating isipin na makakagawa tayo ng matatalinong desisyon dahil lang sa matagal na tayong bautisado. Para makagawa ng tamang desisyon, kailangan nating lubusang umasa kay Jehova, sa kaniyang Salita, at sa organisasyon niya.—Jos 1:7, 8; Kaw 3:5, 6; Mat 24:45.
PANOORIN ANG VIDEO NA “MAGTAGLAY KAYO NG ISANG MABUTING BUDHI.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Sa anong desisyon napaharap si Emma?
-
Bakit dapat nating iwasang magbigay ng sariling opinyon sa mga desisyong sangkot ang budhi?
-
Ano ang magandang ipinayo ng mag-asawa kay Emma?
-
Saan nakahanap si Emma ng impormasyong makakatulong sa sitwasyon niya?