Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gamitin sa Ministeryo ang Masayang Buhay Magpakailanman

Gamitin sa Ministeryo ang Masayang Buhay Magpakailanman

Gustong-gusto na nating gamitin ang bagong brosyur at aklat sa pagba-Bible study! Ipinapanalangin natin na pagpalain ni Jehova ang pagsisikap nating gumawa ng mas marami pang alagad. (Mat 28:18-20; 1Co 3:6-9) Paano natin gagamitin ang mga bagong tool?

Dahil ang Masayang Buhay Magpakailanman ay isang bagong paraan ng pagtuturo, sundin ang mga tagubiling ito sa paghahanda at pagdaraos ng Bible study. *

  • Basahin ang pag-aaralan, at talakayin ang mga tanong

  • Basahin ang tekstong may nakasulat na “basahin,” at tulungan ang Bible study kung paano ito isasabuhay

  • I-play at talakayin ang mga video gamit ang mga tanong na ibinigay

  • Sikaping tapusin ang bawat aralin sa tuwing magba-Bible study

Sa ministeryo, ialok muna ang brosyur para malaman kung interesado ang isang tao. (Tingnan ang kahong “ Kung Paano Iaalok sa Unang Pag-uusap ang Brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman.”) Kung natapos na ninyong pag-aralan ang brosyur at gusto pang magpatuloy ng Bible study, ialok ang aklat at magsimula sa aralin 04. Kung may ini-study ka sa aklat na Itinuturo o sa aklat na Manatili sa Pag-ibig, ilipat siya sa aklat na Masayang Buhay Magpakailanman at tingnan kung saan kayo dapat magsimula.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAG-ENJOY SA PAG-AARAL NG BIBLIYA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang matututuhan ng mga Bible study sa bagong aklat?

  • Bakit dapat mong ipapanood sa mga bagong Bible study ang video na ito?

  • Anong mga goal ang puwede mong imungkahi sa Bible study mo na puwede niyang subukang abutin?​—Tingnan ang chart na “ Pokus at mga Puwedeng Ipasubok sa Bawat Seksiyon

^ par. 4 PAALALA: Opsiyonal kung tatalakayin ninyo ang seksiyong “Tingnan Din,” pero maglaan ng panahon para basahin o panoorin ang bawat materyal na makikita doon kapag naghahanda ka. Sa paggawa nito, malalaman mo kung alin sa mga iyon ang magugustuhan at makakatulong sa Bible study mo. Sa electronic format, may makikita kang mga link ng video at kaugnay na artikulo.

 POKUS AT MGA PUWEDENG IPASUBOK SA BAWAT SEKSIYON

 

ARALIN

POKUS

IPASUBOK SA BIBLE STUDY

1

01-12

Kung paano makakatulong sa iyo ang Bibliya at kung paano mo makikilala ang Awtor nito

Himukin ang Bible study na basahin ang Bibliya, paghandaan ang pag-aaral, at dumalo sa mga pulong

2

13-33

Kung ano ang ginawa ng Diyos para sa atin at ang pagsambang tinatanggap niya

Pasiglahin ang Bible study na ibahagi sa iba ang katotohanan at maging mamamahayag

3

34-47

Kung ano ang inaasahan ng Diyos sa mga mananamba niya

Tulungan ang Bible study na ialay ang buhay niya kay Jehova at magpabautismo

4

48-60

Kung paano mananatili sa pag-ibig ng Diyos

Turuan ang Bible study na makilala ang tama at mali, at sumulong sa espirituwal