PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Inililigtas ni Jehova ang mga Nasisiraan ng Loob
Nalulungkot tayong lahat paminsan-minsan. Pero hindi naman ibig sabihin nito na mahina tayo sa espirituwal. Kahit nga si Jehova, nalulungkot din kung minsan. (Gen 6:5, 6, tlb.) Pero paano kung madalas tayong nalulungkot o baka palagi pa nga?
Humingi ng tulong kay Jehova. Interesadong-interesado si Jehova sa nararamdaman natin. Alam niya ang naiisip natin at alam din niya kung masaya tayo o malungkot. Naiintindihan niya kung bakit ganiyan tayo. (Aw 7:9b) Higit sa lahat, nagmamalasakit si Jehova sa atin at matutulungan niya tayong makayanan ang kalungkutan o depression pa nga.—Aw 34:18.
Ingatan ang iyong mental na kalusugan. Kapag malungkot tayo, naaapektuhan din ang kaugnayan natin kay Jehova. Kaya dapat nating ingatan ang ating puso—ang ating buong pagkatao, pati na ang ating iniisip at nararamdaman.—Kaw 4:23.
PANOORIN ANG VIDEO NA KUNG PAANO NARARANASAN NG MGA KAPATID ANG KAPAYAPAAN KAHIT MAY DEPRESSION. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Anong mga praktikal na bagay ang ginawa ni Nikki para makayanan ang depression?
-
Bakit naisip ni Nikki na kailangan na niyang magpadoktor?—Mat 9:12
-
Ano ang ginawa ni Nikki na nagpapakitang umaasa siya kay Jehova?