PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Magulang—Tulungan ang mga Anak na Magkaroon ng Makadiyos na Karunungan
May magagawa ang mga magulang para magkaroon ang mga anak nila ng makadiyos na karunungan. Isa sa pinakamagandang paraan ay ang pagtulong sa kanila na makinabang sa mga pulong. Makakatulong sa mga bata ang mga nakikita nila, naririnig, at ikinokomento sa pulong para makilala nila si Jehova at maging mga kaibigan niya. (Deu 31:12, 13) Kung may anak ka, paano mo siya matutulungang makinabang sa pulong?
-
Sikaping dumalo sa Kingdom Hall.—Aw 22:22
-
Makipagkuwentuhan sa mga kapatid sa Kingdom Hall bago o pagkatapos ng pulong.—Heb 10:25
-
Siguraduhing may kani-kaniya kayong kopya ng mga publikasyong gagamitin sa pulong, digital man ito o hard copy
-
Tulungan ang anak mo na magkomento sa sarili niyang pananalita.—Mat 21:15, 16
-
Magsabi ng magagandang bagay tungkol sa pulong o sa mga tagubiling binabanggit doon
-
Pasiglahin ang mga anak mo na makipagkuwentuhan sa mga may-edad sa kongregasyon at makibahagi sa paglilinis ng Kingdom Hall
Kailangan ng pagsisikap para matulungan ang mga anak mo na mapalapít kay Jehova. Baka maramdaman mong hindi mo kaya kung minsan. Pero siguradong tutulungan ka ni Jehova.—Isa 40:29.
PANOORIN ANG VIDEO NA MGA MAGULANG, UMASA KAY JEHOVA AT SA KANIYANG LAKAS. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang epekto ng sobrang pagod kina Zack at Leah?
-
Bakit dapat umasa kay Jehova ang mga magulang?
-
Paano ipinakita nina Zack at Leah na umaasa sila kay Jehova?