Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Oktubre 7-13

AWIT 92-95

Oktubre 7-13

Awit Blg. 84 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Pinakamasayang Buhay ang Paglingkuran si Jehova!

(10 min.)

Karapat-dapat si Jehova sa pagsamba natin (Aw 92:​1, 4; w18.04 26 ¶5)

Tinutulungan niya tayong makagawa ng tamang mga desisyon na magpapasaya sa buhay natin (Aw 92:5; w18.11 20 ¶8)

Mahalaga kay Jehova kahit ang mga may-edad nang naglilingkod sa kaniya (Aw 92:​12-15; w20.01 19 ¶18)

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Ano kaya ang pumipigil sa akin na ialay ang sarili ko kay Jehova at magpabautismo?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 92:5—Bakit natin masasabing napakalalim ng karunungan ni Jehova? (cl 211 ¶18)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Humanap ng paraan para sabihin sa kausap mo ang ginagawa mo para turuan ang iba tungkol sa Bibliya. (lmd aralin 5: #3)

5. Pagdalaw-Muli

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa isang interesado na tumanggi noon. (lmd aralin 8: #4)

6. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) Pakikipag-usap sa Bible study na hindi sumusulong. (lmd aralin 12: #5)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 5

7. Kapag Sobrang Nag-aalala ang mga Kabataan

(15 min.) Pagtalakay.

Hindi ibig sabihin na lingkod tayo ni Jehova, hindi na tayo makakaranas ng sobrang pag-aalala. Halimbawa, maraming beses na nag-alala si David. (Aw 13:2; 139:23) Ganiyan din ang maraming kapatid natin ngayon, kahit ang mga kabataan. Dahil diyan, puwedeng maging mahirap sa kanila na gawin ang mga bagay na lagi na nilang ginagawa, gaya ng pagpasok sa school o pagdalo sa pulong. Baka mag-panic attack sila o maisip nilang magpakamatay.

Kung isa kang kabataan na sobrang nag-aalala, makipag-usap sa magulang mo o sa isang mature na adulto. Manalangin ka rin kay Jehova. (Fil 4:6) Tandaan na tutulungan ka niya. (Aw 94:​17-19; Isa 41:10) Tingnan ang halimbawa ni Steing.

I-play ang VIDEO na Nagmamalasakit sa Akin si Jehova. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

• Anong teksto ang nakatulong kay Steing, at bakit?

• Paano siya tinulungan ni Jehova?

Mga magulang, matutulungan ninyo ang mga anak ninyo na sobrang nag-aalala. Makinig nang mabuti sa kanila, lagi ninyong ipakita na mahal na mahal ninyo sila, at tulungan silang magtiwala sa pag-ibig ni Jehova. (Tit 2:4; San 1:19) Umasa na tutulungan kayo ni Jehova para maalalayan ninyo ang mga anak ninyo.

Hindi natin laging alam kung sobrang nag-aalala ang isang kapatid sa kongregasyon. At hindi rin natin laging alam kung ano talaga ang nararamdaman niya. Pero puwede nating ipakita na mahal natin at pinapahalagahan ang lahat sa kongregasyon.​—Kaw 12:25; Heb 10:24.

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 81 at Panalangin