Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Setyembre 16-22

AWIT 85-87

Setyembre 16-22

Awit Blg. 41 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Makakatulong ang Panalangin Para Makapagtiis

(10 min.)

Hilingin kay Jehova na bigyan ka ng kagalakan (Aw 86:4)

Hilingin kay Jehova na tulungan kang manatiling tapat (Aw 86:​11, 12; w12 5/15 25 ¶10)

Magtiwalang sasagutin ni Jehova ang mga panalangin mo (Aw 86:​6, 7; w23.05 13 ¶17-18)


TANUNGIN ANG SARILI, ‘Mas marami ba akong nasasabi sa panalangin at dumadalas ito kapag may problema ako?’—Aw 86:3.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 86:11—Ano ang ibig sabihin ni David nang banggitin niya ang puso sa panalangin niya? (it-2 993 ¶5)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 3: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa dati mo nang nakausap na nagsabing nag-aalala siya sa mga nangyayari ngayon. (lmd aralin 7: #4)

6. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) lff aralin 15: #5. Sabihin sa Bible study mo na wala ka sa susunod na linggo. Pag-usapan kung paano matutuloy ang pagba-Bible study niya. (lmd aralin 10: #4)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 83

7. Huwag Tumigil

(5 min.) Pagtalakay.

I-play ang VIDEO. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit naiisip nating huminto na sa pangangaral kung minsan?

  • Bakit hindi tayo dapat sumuko?

8. Patuloy na Mag-alok ng Bible Study!

(10 min.) Pagtalakay.

May nasimulan ka na bang Bible study ngayong espesyal na kampanya gamit ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman? Siguradong masayang-masaya ka! At siguradong masaya rin ang iba para sa iyo. Pero paano kung wala pa? Baka maisip mong sayang ang mga pagsisikap mo. Ano ang puwede mong gawin para hindi ka panghinaan ng loob?

I-play ang VIDEO na Inirerekomenda ang Sarili Bilang mga Lingkod ng Diyos Dahil sa Pagtitiis—Kapag Nangangaral. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano makakatulong ang 2 Corinto 6:​4, 6 kapag naiisip mong nasasayang ang mga ginagawa mo sa pangangaral?

  • Ano ang mga puwede mong gawin kung sa tingin mo, nasasayang ang mga pagsisikap mong makapagpasimula ng Bible study?

Hindi nakadepende ang kagalakan natin sa dami ng Bible study natin. Nagiging masaya tayo kapag alam nating masaya si Jehova sa mga pagsisikap natin. (Luc 10:​17-20) Kaya patuloy na suportahan ang espesyal na kampanya ngayon, dahil ‘alam nating hindi masasayang ang pagpapagal natin para sa Panginoon.’—1Co 15:58.

9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 39 at Panalangin