Setyembre 2-8
AWIT 79-81
Awit Blg. 29 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Ipakita ang Pag-ibig Mo sa Maluwalhating Pangalan ni Jehova
(10 min.)
Talikuran ang mga gawaing lumalapastangan kay Jehova (Aw 79:9; w17.02 9 ¶5)
Tumawag sa pangalan ni Jehova (Aw 80:18; ijwbv 3 ¶4-5)
Saganang pinagpapala ni Jehova ang mga sumusunod sa kaniya dahil iniibig nila ang pangalan niya (Aw 81:13, 16)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 79:1–80:7 (th aralin 10)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(1 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 4: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 4: #3)
6. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 3: #3)
7. Pagdalaw-Muli
(5 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa isang interesado na tumanggi noon. (lmd aralin 8: #3)
Awit Blg. 10
8. “Pababanalin Nila ang Pangalan Ko”
(15 min.) Pagtalakay.
Sinimulang siraan ni Satanas ang pangalan ni Jehova sa hardin ng Eden. Mula noon, ang pagbabangong-puri sa pangalan ni Jehova ang naging pinakaimportanteng isyu na napapaharap sa lahat ng tao at anghel.
Pag-isipan ang ilang kasinungalingan ni Satanas tungkol kay Jehova. Malupit na tagapamahala raw ang Diyos. (Gen 3:1-6; Job 4:18, 19) Hindi raw talaga siya mahal ng mga mananamba niya. (Job 2:4, 5) Napaniwala pa nga ni Satanas ang milyon-milyon na hindi si Jehova ang Maylalang ng magandang uniberso.—Ro 1:20, 21.
Ano ang reaksiyon mo sa mga kasinungalingang iyan? Siguradong gusto mong ipagtanggol si Jehova! Alam niyang gustong pabanalin ng mga lingkod niya ang pangalan niya. (Ihambing ang Isaias 29:23.) Paano mo magagawa iyan?
-
Tulungan ang iba na kilalanin at mahalin si Jehova. (Ju 17:25, 26) Ipakita sa iba ang mga ebidensiya na talagang may Diyos at ituro sa kanila ang magagandang katangian niya.—Isa 63:7
-
Mahalin si Jehova nang buong puso. (Mat 22:37, 38) Sundin ang mga utos ni Jehova dahil gusto mo siyang mapasaya, at hindi lang dahil sa ikabubuti mo iyon.—Kaw 27:11
I-play ang VIDEO na Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo Kahit . . . May Masasamang Impluwensiya sa Paaralan. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Paano ipinagtanggol nina Ariel at Diego ang pangalan ni Jehova?
-
Bakit nila ginawa iyon?
-
Paano mo sila matutularan?
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 15 ¶1-7 at intro sa seksiyon 6