Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Punô ng pagdurusa ang mundo, pero ang Diyos ba ang may kagagawan nito?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ang Diyos ba ang dahilan ng mga pagdurusa?

Ano ang sagot mo?

  • Oo

  • Hindi

  • Siguro

Ang sabi ng Bibliya

“Malayong gumawi nang may kabalakyutan ang tunay na Diyos, at na gumawi nang di-makatarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat!” (Job 34:10) Hinding-hindi nagmula sa Diyos ang kasamaan at pagdurusa sa mundo.

Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?

  • Si Satanas na Diyablo, ang “tagapamahala ng sanlibutan,” ang pangunahing sanhi ng mga pagdurusa.—Juan 14:30.

  • Ang pagdurusa at kasamaan ay kadalasan na ring resulta ng maling desisyon ng mga tao.—Santiago 1:14, 15.

Matatapos pa ba ang pagdurusa?

Naniniwala ang ilan na kayang wakasan ng mga tao ang pagdurusa kung magtutulungan sila; ang iba naman ay hindi umaasa na bigla na lang bubuti ang kalagayan sa mundo. Ano sa palagay mo?

Ang sabi ng Bibliya

Wawakasan ng Diyos ang pagdurusa. “Hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:3, 4.

Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?

  • Gagamitin ng Diyos si Jesus para wakasan ang pagdurusang dulot ng Diyablo.—1 Juan 3:8.

  • Ang mabubuting tao ay mabubuhay nang mapayapa sa lupa magpakailanman.—Awit 37:9-11, 29.