Kung Ano ang Magagawa ng Katotohanan Para sa Iyo
Gusto ng Diyos, na hindi nagsisinungaling, na bigyan ka ng “buhay na walang hanggan.”—Juan 3:16.
ANO ANG KAILANGAN MONG GAWIN?
Pag-aralan mo ang mga katotohanang nasa Salita ng Diyos.—Juan 17:3, 17.
Sundin mo ang Diyos.—Deuteronomio 30:19, 20.
Isabuhay mo ang mga payo ng Diyos.—Santiago 1:25.
Nakikinabang ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo dahil pinag-aaralan nila ang mga katotohanang nasa Bibliya. Gusto nilang ibahagi sa iyo ang mga natututuhan nila.
Para matuto pa tungkol sa Bibliya, tingnan ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available din sa www.pr418.com/tl.