Pinapakinggan Ba ng Diyos ang mga Panalangin Mo?
Kapag nananalangin ka, talaga kayang nakikinig ang Diyos sa iyo?
ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA?
Nakikinig ang Diyos. Tinitiyak ng Bibliya: “Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya, sa lahat ng tumatawag sa kaniya nang may katapatan. . . . Dinirinig niya ang paghingi nila ng tulong.”—Awit 145:18, 19.
Gusto ng Diyos na manalangin ka sa kaniya. Sinasabi ng Bibliya: “Ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat.”—Filipos 4:6.
Talagang nagmamalasakit sa iyo ang Diyos. Alam na alam ng Diyos ang mga problema at álalahanín natin, at gusto niya tayong tulungan. Sinasabi ng Bibliya: “[Ihagis] ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.”—1 Pedro 5:7.