Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUNG PAANO DADAIGIN ANG POOT

1 | Huwag Magtangi

1 | Huwag Magtangi

Turo ng Bibliya:

“Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​GAWA 10:34, 35.

Ang Ibig Sabihin:

Hindi tayo hinahatulan ng Diyos na Jehova * dahil sa ating bansang pinagmulan, lahi, kulay ng balat, o kultura. Sa halip, tinitingnan niya kung ano talaga ang mas mahalaga—ang ating pagkatao. Sinasabi rin ng Bibliya na “ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”​—1 Samuel 16:7.

Ang Puwede Mong Gawin:

Hindi tayo nakakabasa ng puso, pero matutularan natin ang Diyos na hindi nagtatangi. Sikaping tingnan ang iba hindi bilang grupo kundi bilang indibidwal. Kung napapansin mong negatibo ang tingin mo sa iba—baka dahil sa kaniyang lahi o bansang pinagmulan—manalangin sa Diyos na tulungan kang mabago iyon. (Awit 139:23, 24) Kung mananalangin ka kay Jehova na malabanan mo ang pagtatangi sa puso mo, makakasiguro kang papakinggan at tutulungan ka niya.​—1 Pedro 3:12.

^ par. 6 Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.​—Awit 83:18.

“Hindi ko pa naranasang maupong katabi ng isang puti . . . Bahagi ako ngayon ng isang tunay na pambuong-daigdig na kapatiran.”​—TITUS