Madadaig Natin ang Poot!
Nabiktima ka na ba dahil sa poot?
Kung hindi, malamang na may nakita ka nang isang uri nito. Madalas na nakakarinig tayo ng balita na may mga taong biktima ng poot dahil iba ang pinagmulan nilang bansa, lahi, o dahil homoseksuwal sila. Dahil dito, maraming gobyerno ang nagpapatupad ng batas para maparusahan ang mga gumagawa ng krimen dahil sa poot.
Ang mga biktima ng poot ay kadalasang poot din ang iginaganti sa iba. Dahil dito, hindi natatapos ang problema.
Baka naging biktima ka na ng diskriminasyon, nahusgahan, nilait, ininsulto, at pinagbantaan. Pero mas matindi pa diyan ang poot. Madalas na nauuwi ito sa karahasan, pambu-bully, bandalismo, pananakit, rape, pagpatay, o ubusan ng lahi pa nga.
Sasagutin sa magasing ito ang sumusunod na mga tanong at ipapakita kung paano natin madadaig ang poot:
Bakit marami ang napopoot sa kapuwa?
Paano matatapos ang poot?
Mawawala pa ba ang poot?