Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nagdurusa ang mga Tao Dahil sa Poot

Nagdurusa ang mga Tao Dahil sa Poot

Sa buong mundo, marami ang napopoot sa kapuwa nila.

Laman na ng balita at social media ang poot, at patindi ito nang patindi. Halimbawa, ipinapakita ng mga tao sa Internet, sulat, o sa pakikitungo nila na napopoot sila sa ilang grupo ng mga tao. Napakarami ring biktima ng diskriminasyon, panunuya, pang-iinsulto, pagbabanta, at bandalismo. Talagang kitang-kita ang poot kahit saan!

Mababasa sa magasing ito kung paano madadaig ang poot. Hindi ito imahinasyon lang. Totoo ito, at nangyayari na ito sa buong mundo.