Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ANG BANTAYAN Blg. 1 2023 | Mental na Kalusugan​—⁠Tulong Mula sa Bibliya

Sa buong mundo, milyon-milyon ang nagkakaproblema sa mental na kalusugan nila. Bata man o matanda, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, pinag-aralan, lahi, at relihiyon ay puwedeng magkaroon ng nakakabahalang mga sintomas nito. Ano ba ang mga problema sa mental na kalusugan, at ano ang epekto nito sa mga tao? Sa magasing ito, tatalakayin kung bakit mahalaga ang tamang paggamot at kung paano makakapagbigay ng praktikal na tulong ang Bibliya sa mga mayroon nito.

 

Problema sa Mental na Kalusugan sa Buong Mundo

Ang problema sa mental na kalusugan ay puwedeng makaapekto sa isang tao anuman ang kaniyang edad o pinagmulan. Tingnan kung paano makakatulong ang mga payo ng Bibliya.

Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo

Bakit ka makakapagtiwala na wala nang mas nakakaintindi sa iniisip at nararamdaman mo kaysa sa Diyos na Jehova?

1 | Manalangin—‘Ihagis Ninyo sa Kaniya ang Lahat ng Inyong Álalahanín’

Puwede mo ba talagang ipanalangin sa Diyos ang anumang álalahanín mo? Paano makakatulong ang panalangin sa mga may anxiety?

2 | “Ang Kasulatan ay Nagbibigay sa Atin ng Lakas”

Binibigyan tayo ng Bibliya ng pag-asa na malapit nang mawala ang mga negatibong emosyon.

3 | Makakatulong ang mga Halimbawa sa Bibliya

Makakatulong sa atin ang mga karakter sa Bibliya na may damdaming tulad ng sa atin para hindi natin madamang nag-iisa tayo kapag sobra tayong nag-aalala.

4 | Nagbibigay ang Bibliya ng Praktikal na Payo

Tingnan kung paano makakatulong ang pagbubulay-bulay sa mga teksto sa Bibliya at pagtatakda ng makatuwirang mga tunguhin para makayanan ang problema sa mental na kalusugan.

Paano Matutulungan ang mga May Problema sa Mental na Kalusugan?

Malaki ang magagawa ng tulong mo sa isang kaibigan na may problema sa mental na kalusugan.