Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo
NASA Bibliya ang pinakamagagandang payo dahil galing ito sa Diyos. Hindi ito aklat na pangkalusugan, pero makakatulong ito sa praktikal na paraan para maharap ang mahihirap na sitwasyon, magulong pag-iisip, negatibong emosyon, at nakaka-stress na mga problema sa pisikal at mental na kalusugan.
Higit sa lahat, tinitiyak sa atin ng Bibliya na wala nang mas nakakaintindi sa ating iniisip at nararamdaman kaysa sa ating Maylalang, ang Diyos na Jehova. a Gustong-gusto niya tayong tulungang makayanan ang mga problema natin. Tingnan natin ang dalawang nakakapagpatibay na teksto sa Bibliya:
“Si Jehova ay malapit sa mga may pusong nasasaktan; inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.”—AWIT 34:18.
“Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa kanang kamay mo, ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’”—ISAIAS 41:13.
Pero paano tayo tinutulungan ni Jehova na makayanan ang mga problema sa mental na kalusugan? Gaya ng makikita mo sa susunod na mga artikulo, talagang nagmamalasakit sa atin si Jehova sa maraming paraan.
a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.