Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nangangako ang Diyos ng Perpektong Mental na Kalusugan

Nangangako ang Diyos ng Perpektong Mental na Kalusugan

Sa tulong ng Bibliya, naglaan ang Diyos ng patnubay at pampatibay para makayanan ang problema sa mental na kalusugan.

Pero hindi lang iyan ang ginawa ng Diyos. Ipinangako niya na aalisin niya ang lahat ng dahilan ng problema sa mental na kalusugan.

Kapag tinupad na ng Diyos ang pangako niya, ang sobrang kalungkutan, pag-aalala, at masasakit na karanasan ay “hindi na maaalaala pa, at mawawala na ang mga ito sa puso.”​—Isaias 65:17.

Gusto ng mga Saksi ni Jehova na tulungan kang malaman kung kailan at kung paano tutuparin ng Diyos ang napakagandang pangakong iyan.