Kapag Parang Hindi Mo Na Kaya
Halimbawa, si Sally, * na taga-United States, ay halos mawalan ng lahat ng ari-arian dahil sa bagyo. Sinabi niya: “Hindi ko alam kung makakaya ko pa. May mga araw na parang gusto ko nang sumuko.”
Paano kung namatayan ka ng mahal sa buhay? Sinabi ni Janice na taga-Australia: “Nang mamatay ang dalawa kong anak, hindi ko na alam kung paano mabubuo ulit ang buhay ko. Hiniling ko pa nga sa Diyos: ‘Hindi ko na po kaya! Hayaan n’yo na po akong matulog at huwag nang magising pa.’”
Si Daniel naman ay sobrang nasaktan nang magtaksil ang asawa niya. Sinabi niya: “Nang umamin ang misis ko na nangaliwa siya, parang sinaksak ang puso ko. Hindi mawala-wala ang sakit, na tumagal nang maraming buwan.”
Tatalakayin sa isyung ito ng Ang Bantayan kung bakit may saysay pa ang mabuhay kahit
Alamin muna natin kung paano makakayanan ang trahedya sa buhay.
^ Binago ang ilang pangalan sa seryeng ito ng mga artikulo.