Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Ang relihiyon ba ay gawa lang ng tao?
NANINIWALA ANG ILAN na ang relihiyon ay inimbento lang ng tao; iniisip naman ng iba na ginagamit ng Diyos ang relihiyon para tulungan ang mga tao na mapalapít sa kaniya. Ano sa palagay mo?
ANG SABI NG BIBLIYA
May isang “anyo ng pagsamba na malinis at walang dungis sa pangmalas ng ating Diyos at Ama.” (Santiago 1:27) Ang dalisay, o tunay, na relihiyon ay mula sa Diyos.
ANG MATUTUTUHAN PA NATIN SA BIBLIYA
Para maging kalugod-lugod sa Diyos, ang relihiyon ay dapat na nakabatay sa katotohanang nasa Bibliya.—Juan 4:23, 24.
Walang-saysay ang mga relihiyong nakabatay sa mga ideya ng tao.—Marcos 7:7, 8.
Kailangan pa bang maging miyembro ng isang relihiyon?
ANO ANG SAGOT MO?
Oo
Hindi
Depende
ANG SABI NG BIBLIYA
“Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon.” (Hebreo 10:24, 25) Gusto ng Diyos na magtipon ang kaniyang mga mananamba bilang isang organisadong grupo.
ANG MATUTUTUHAN PA NATIN SA BIBLIYA
Ang mga sumasamba sa Diyos nang sama-sama ay dapat na nagkakaisa sa paniniwala.—1 Corinto 1:10, 11.
Ang mga miyembro ng relihiyong sinasang-ayunan ng Diyos ay bumubuo ng isang pandaigdig na kapatiran.—1 Pedro 2:17.