Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Sinasagot ba ng Diyos ang lahat ng panalangin?
SASABIHIN MO BANG SINASAGOT NIYA ANG PANALANGIN NG . . .
Bawat isa
Iilan lang
Wala siyang sinasagot
ANG SABI NG BIBLIYA
“Si Jehova ay malapit sa lahat . . . ng tumatawag sa kaniya sa katapatan.”—Awit 145:18.
ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?
Hindi pinakikinggan ng Diyos ang panalangin ng mga taong nagrerebelde sa kaniya. (Isaias 1:15) Pero ‘maitutuwid nila ang mga bagay-bagay’ kung babaguhin nila ang kanilang paraan ng pamumuhay.—Isaias 1:18.
Para sagutin ng Diyos ang panalangin, dapat kaayon ito ng kaniyang kalooban na makikita sa Bibliya.—1 Juan 5:14.
Ano ang tamang posisyon kapag nananalangin?
NANINIWALA ANG ILAN na dapat ay nakaluhod tayo, nakayuko, o nakadaop-palad kapag nananalangin. Ano sa palagay mo?
ANG SABI NG BIBLIYA
Pinakikinggan ng Diyos ang mga panalangin ng mga taong ‘nakaupo,’ ‘nakatayo,’ ‘nakatirapa,’ o ‘nakaluhod.’ (1 Cronica 17:16; 2 Cronica 30:27; Ezra 10:1; Gawa 9:40) Hindi humihiling ang Diyos ng isang partikular na posisyon kapag nananalangin tayo.
ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?
Pinakikinggan ng Diyos ang panalangin ng mga mapagpakumbaba.—Awit 138:6.
Maaari kang manalangin nang tahimik o gamit ang anumang wika.—2 Cronica 6:32, 33; Nehemias 2:1-6.