Tip sa Pag-aaral
Nagagamit mo bang mabuti ang paliwanag sa mga teksto sa Bibliya sa Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova?
Makakatulong ito para mas maintindihan natin ang Salita ng Diyos. Puwedeng makita dito kung kailan nangyari ang isang ulat sa Bibliya, kung bakit ito isinulat, kung para kanino, o kung ano ang ibig sabihin ng espesipikong mga salita sa teksto.
Sa lahat ng bersiyon ng Bibliya na available sa Watchtower ONLINE LIBRARY™ at JW Library®, puwede mong ma-access ang Tulong sa Pag-aaral sa study pane.
Kapag ginagamit ang mga reperensiya sa Tulong sa Pag-aaral, tingnan ang mga petsa. Nasa pinakaitaas ang pinakabagong mga artikulo. Sa bandang dulo, may mababasa ka ring mga lumang artikulo na baka dating unawa pa natin ang ipinapaliwanag.
Sa Watchtower ONLINE LIBRARY, maa-access mo na agad ang mga reperensiyang ito.
Sa JW Library, kailangan mong i-download o i-update ang Tulong sa Pag-aaral, na makikita sa pinakaitaas ng study pane ng bawat kabanata sa Bibliya.