STUDY PROJECT
Nakakagawa ng Mahuhusay na Desisyon ang mga Espirituwal na Tao
Basahin ang Genesis 25:29-34 para malaman kung nakagawa ng mahuhusay na desisyon sina Esau at Jacob.
Pag-aralan ang konteksto. Ano ang nangyari bago nito? (Gen. 25:20-28) Ano ang nangyari pagkatapos?—Gen. 27:1-46.
Tingnan ang mga detalye. Noong mga panahong iyon, ano ang mga karapatan at pananagutan ng panganay na anak na lalaki?—Gen. 18:18, 19; w10 5/1 13.
-
Ang mga may karapatan sa pagkapanganay lang ba ang puwedeng maging ninuno ng Mesiyas? (w17.12 14-15)
Hanapin ang mga aral, at isabuhay ang mga iyon. Di-gaya ni Esau, bakit pinahalagahan ni Jacob ang karapatan bilang panganay? (Heb. 12:16, 17; w03 10/15 28-29) Ano ang naging tingin ni Jehova sa magkapatid, at bakit? (Mal. 1:2, 3) Ano sana ang ginawa ni Esau para tama ang naging mga desisyon niya?
-
Tanungin ang sarili, ‘Paano ko maipapakita sa rutin ko linggo-linggo na pinapahalagahan ko ang espirituwal na mga bagay, gaya ng pag-iiskedyul ng family worship?’