Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Nabasa mo bang mabuti ang mga isyu ng Bantayan sa taóng ito? Tingnan kung masasagot mo ang mga sumusunod:

Paano natin dapat pakitunguhan ang mga pinahirang Kristiyano?

Pinapahalagahan natin ang pananampalataya nila; pero hindi natin sila binibigyan ng sobrang atensiyon. Iniiwasan nating ‘humanga sa mga personalidad.’ (Jud. 16, tlb.) Hindi natin sila tinatanong ng personal na mga bagay tungkol sa kanilang pag-asa.​—w20.01, p. 29.

Bakit dapat kang makumbinsi na napapansin ka ni Jehova?

Sinasabi sa Bibliya na nakita ka na ni Jehova bago ka pa ipanganak. At naririnig niya ang mga panalangin mo. Alam niya ang mga iniisip mo at kung ano ang nasa puso mo, at may epekto sa kaniya ang mga ginagawa mo. (1 Cro. 28:9; Kaw. 27:11) Inilapit ka niya sa kaniya.​—w20.02, p. 12.

Kailan dapat magsalita at kailan dapat tumahimik?

Masaya tayong nakikipag-usap tungkol kay Jehova. Nagsasalita tayo kapag nakikita nating nalilihis ng landas ang isang kapatid. Nagpapayo ang mga elder kapag kailangan. Hindi tayo nagtatanong (o nagsasabi) ng mga detalye ng gawain natin sa mga bansang may pagbabawal. Hindi tayo nagsasabi ng kompidensiyal na mga bagay.​—w20.03, p. 20-21.

Ano ang pagkakaiba ng mga balang sa Joel kabanata 2 at ng mga balang sa Apocalipsis kabanata 9?

Sinabi ng Joel 2:20-29 na itataboy ng Diyos ang mga balang at nangako siyang ibabalik niya ang mga nawala dahil sa pinsalang dulot ng mga ito. Pagkatapos, ibubuhos ng Diyos ang espiritu niya. Natupad ang mga ito noong sakupin ng Babilonya ang Israel at noong makalipas pa ang maraming taon. Ang mga balang naman sa Apocalipsis 9:1-11 ay tumutukoy sa mga pinahiran sa ngayon habang inihahayag nila ang paghatol ng Diyos sa masamang sistemang ito, na ikinagalit ng mga tagasuporta nito.​—w20.04, p. 3-6.

Sino ang hari ng hilaga ngayon?

Ang Russia at ang mga kaalyado nito. Malaki ang epekto nila sa bayan ng Diyos—ipinagbabawal nila ang pangangaral at kinapopootan ang mga Saksi. Patuloy na nakikipaglaban ang hari ng hilaga sa hari ng timog.​—w20.05, p. 13.

May iba pa bang “katangian na bunga ng espiritu” bukod sa siyam na binanggit sa Galacia 5:22, 23?

Mayroon. Tinutulungan tayo ng banal na espiritu na magkaroon ng iba pang magagandang katangian, gaya ng pagiging matuwid. (Efe. 5:8, 9)—w20.06, p. 17.

Ano ang puwedeng maging epekto kapag nag-post ka sa social media tungkol sa sarili mo?

Baka isipin ng iba na nagyayabang ka.​—w20.07, p. 6-7.

Ano ang matututuhan ng mga mángangarál na Kristiyano sa mahuhusay na mangingisda?

Nangingisda sila kung kailan at kung saan posibleng maraming isda. Sanáy silang gumamit ng tamang kagamitan. At malakas ang loob nila kahit masama ang panahon. Magagawa rin natin iyan sa ating ministeryo.​—w20.09, p. 5.

Paano natin mapapalalim ang pag-ibig ng mga Bible study kay Jehova?

Puwede natin silang himuking magbasa ng Bibliya araw-araw at magbulay-bulay dito. At puwede natin silang turuang manalangin.​—w20.11, p. 4.

Sino ang kasama sa pananalitang ‘kay Kristo, ang lahat ay bubuhayin’?​—1 Cor. 15:22.

Hindi sinasabi ni apostol Pablo na ang lahat ng tao ay bubuhayin. Ang tinutukoy niya ay ang mga pinahirang Kristiyano, na “pinabanal at kaisa ni Kristo Jesus.” (1 Cor. 1:2; 15:18)—w20.12, p. 5-6.

Ano ang gagawin ng mga pinahiran matapos silang ‘baguhin sa isang kisap-mata, sa pagtunog ng huling trumpeta’?​—1 Cor. 15:51-53.

Tutulungan nila si Kristo sa pagpapastol sa mga tao gamit ang isang panghampas na bakal. (Apoc. 2:26, 27)—w20.12, p. 12-13.