Karanasan
Magpakita ng Malasakit sa Lahat
Isang araw, pinanood ng isang sister sa New Zealand ang isang video sa jw.org tungkol sa pagmamalasakit na ipinapakita ni Jehova. (Isa. 63:7-9) Gusto niyang sundin ang natutuhan niya at makatulong sa iba. Nang araw ding iyon, habang namimili siya, may nakita siyang isang babaeng pulubi at tinanong niya kung gusto nito ng makakain. Pumayag ang babae. Pagbalik ng sister para ibigay ang pagkain, nangaral siya sa babae at ipinakita ang tract na Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?
Biglang umiyak ang babae. Sinabi niya na pinalaki siyang Saksi pero matagal na niyang iniwan ang katotohanan. Pero nitong nakaraan, ipinapanalangin niya kay Jehova na tulungan siyang makapanumbalik sa Kaniya. Binigyan siya ng sister ng Bibliya at pumayag siyang magpa-Bible study. a
Matutularan natin si Jehova kung magpapakita tayo ng malasakit sa mga tao, kasama na ang mga kamag-anak natin at kapatid sa kongregasyon. Makakapagpakita rin tayo ng malasakit kung maghahanap tayo ng pagkakataon para makapangaral sa iba.
a Para malaman kung paano tutulungan ang mga di-aktibo, tingnan ang artikulong “Manumbalik Kayo sa Akin” sa Bantayan, isyu ng Hunyo 2020.