STUDY PROJECT
Tinutupad ng mga Tapat ang mga Panata Nila
Basahin ang Hukom 11:30-40 para makita kung ano ang matututuhan natin kay Jepte at sa anak niyang babae tungkol sa pagtupad ng mga panata.
Pag-isipan ang konteksto. Ano ang tingin ng tapat na mga Israelita sa mga panata nila kay Jehova? (Bil. 30:2) Paano ipinakita ni Jepte at ng anak niyang babae na nagtitiwala sila kay Jehova?—Huk. 11:9-11, 19-24, 36.
Pag-aralan. Ano ang nasa isip ni Jepte noong manata siya kay Jehova? (w16.04 7 ¶12) Ano ang mga isinakripisyo ni Jepte at ng anak niyang babae para matupad ang panatang iyon? (w16.04 7-8 ¶14-16) Anong mga panata ang ginagawa ng mga Kristiyano sa ngayon?—w17.04 5-8 ¶10-19.
Hanapin ang mga aral. Tanungin ang sarili:
-
‘Ano ang tutulong sa akin na matupad ang panata ko ng pag-aalay kay Jehova?’ (w20.03 13 ¶20)
-
‘Ano ang mga puwede kong isakripisyo para mas mapaglingkuran ko si Jehova?’
-
‘Ano ang tutulong sa akin na matupad ang panata ko sa pag-aasawa?’ (Mat. 19:5, 6; Efe. 5:28-33)