Natatandaan Mo Ba?
Nabasa mo bang mabuti ang mga isyu ng Bantayan sa taóng ito? Tingnan kung masasagot mo ang mga sumusunod:
Paano pinapakitunguhan ni Jehova ang mga babae?
Patas makitungo si Jehova sa kanila. Pantay ang tingin niya sa mga lalaki at babae. Pinapakinggan din niya ang mga babae. Mahalaga sa kaniya ang nararamdaman nila, at nagmamalasakit siya sa kanila kapag may pinagdadaanan sila. Pinagkatiwalaan din niya sila na isagawa ang kalooban niya.—w24.01, p. 15-16.
Paano natin masusunod ang sinasabi sa Efeso 5:7 na “Huwag kayong makisali sa kanila”?
Sinabi ni apostol Pablo na hindi tayo dapat sumama sa mga taong hindi sumusunod sa mga pamantayan ni Jehova dahil puwede natin silang magaya. Puwede silang tumukoy sa mga nakakasama natin nang personal at sa mga nakaka-interact natin sa social media.—w24.03, p. 22-23.
Saan puwedeng manggaling ang mga kuwentong di-totoo?
Dapat tayong mag-ingat sa mga di-kumpirmadong kuwento na galing sa mga kapatid, sa mga email na galing sa mga taong hindi natin kilala, at sa mga apostatang nagkukunwaring interesado sa mensahe natin.—w24.04, p. 12.
Ano ang alam natin tungkol sa hatol ni Jehova kay Haring Solomon, pati na sa mga namatay sa Sodoma at Gomorra at noong panahon ng Baha?
Hindi natin sigurado kung talagang hinatulan na sila ni Jehova ng walang-hanggang pagkapuksa. Pero sigurado tayo na alam ni Jehova ang lahat ng bagay at na talagang maawain siya.—w24.05, p. 3-4.
Ano ang tinitiyak sa atin ng pagiging “Bato” ng Diyos? (Deut. 32:4)
Puwede natin siyang gawing kanlungan. Maaasahan din siya kasi lagi niyang tinutupad ang mga pangako niya. At matatag siya kasi hindi nagbabago ang layunin at mga katangian niya.—w24.06, p. 26-28.
Ano ang tutulong sa iyo na makapag-adjust sa bagong kongregasyon?
Umasa na tutulungan ka ni Jehova, gaya ng ginawa niya sa mga lingkod niya noon. Iwasang ikumpara ang dati mong kongregasyon sa bago mong kongregasyon. Sumama sa mga gawain ng kongregasyon mo ngayon, at makipagkaibigan sa mga kapatid.—w24.07, p. 26-28.
Ano ang matututuhan natin sa tatlong ilustrasyon sa Mateo kabanata 25?
Ipinapakita ng ilustrasyon tungkol sa mga tupa at mga kambing na mahalagang maging tapat. Idinidiin naman ng ilustrasyon tungkol sa matatalino at mga mangmang na dalaga na dapat tayong maging handa at alerto. At sa ilustrasyon tungkol sa mga talento, ipinapakita na mahalagang maging masipag tayo.—w24.09, p. 20-24.
Gaano kataas ang beranda sa templo ni Solomon?
Sinasabi sa ilang sinaunang manuskrito ng 2 Cronica 3:4 na ang taas ng beranda ay “120 siko,” o 53 metro. Pero sinasabi sa ibang mapagkakatiwalaang kopya na “20 siko” ang taas nito, o mga 9 na metro lang. Kung pagbabasehan ang lapad ng pader ng templo, mas makatotohanan ang taas na 20 siko.—w24.10, p. 31.
Ano ang ibig sabihin na ang isang ministeryal na lingkod ay dapat na “asawa ng isang babae”? (1 Tim. 3:12)
Dapat na isang babae lang ang asawa ng isang ministeryal na lingkod. Hindi rin siya dapat masangkot sa seksuwal na imoralidad. At hindi siya dapat magpakita ng romantikong interes sa ibang babae.—w24.11, p. 19.
Bakit natin masasabi na ang Juan 6:53 ay hindi para sa Hapunan ng Panginoon?
Sinasabi sa Juan 6:53 na kailangang kainin ang katawan ni Jesus at inumin ang dugo niya. Sinabi iyan ni Jesus noong 32 C.E. sa Galilea at kausap niya ang mga Judiong hindi pa nananampalataya sa kaniya. Lumipas pa ang mga isang taon bago pasimulan ang Hapunan ng Panginoon sa Jerusalem. Doon, kausap ni Jesus ang mga makakasama niyang mamahala sa langit.—w24.12, p. 10-11.