Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tip sa Pag-aaral

Tip sa Pag-aaral

Mahilig ka bang magbasa ng kuwento ng buhay ng mga kapatid natin?

Tuwing umaga, nagbabasa ng kuwento ng buhay ng isang kapatid ang isang mag-asawa. Sinabi nila: “Talagang napapatibay at nag-e-enjoy kami sa mga kuwento nila! Ipinapaalala nila sa amin na puwede rin kaming manatiling tapat sa lahat ng panahon.” Ganiyan din ang isinulat ng isang sister: “Nakakapagpatibay, nakakapagpasigla, at nakaka-touch ang mga kuwentong ito. Talagang may layunin at makabuluhan ang buhay ng mga kapatid natin. Napapakilos ako nito na lalong maging masigasig sa ministeryo at tulungan ang mga anak ko na maglingkod nang buong panahon kay Jehova.”

Ang kuwento ng buhay ng mga kapatid ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng tunguhin sa buhay, mapaglabanan ang mga kahinaan, at maging masaya habang tinitiis ang mga pagsubok. Saan mo makikita ang mga kuwentong ito?

  • Tingnan sa jw.org o JW Library® ang mga serye ng artikulo na “Kuwento ng Buhay ng mga Saksi ni Jehova.”

  • Hanapin sa Watchtower ONLINE LIBRARY o Watchtower Library ang “Kuwento ng Buhay ng mga Saksi ni Jehova.”