ANG BANTAYAN—EDISYON PARA SA PAG-AARAL Hunyo 2020

Ang mga araling artikulo sa isyung ito ay para sa Agosto 3-30, 2020.

“Pakabanalin Nawa ang Pangalan Mo”

Araling artikulo 23: Agosto 3-9, 2020. Anong isyu ang napapaharap sa lahat ng tao at anghel? Bakit napakahalaga nito, at paano tayo nasasangkot dito? Ang sagot sa mga ito at sa iba pang kaugnay na tanong ay tutulong sa atin na mapatibay ang kaugnayan kay Jehova.

“Tulungan Mo Akong Matakot sa Pangalan Mo Nang Buong Puso”

Araling artikulo 24: Agosto 10-16, 2020. Tatalakayin sa artikulong ito ang panalangin ni Haring David na nasa Awit 86:11, 12. Ano ang ibig sabihin ng pagkatakot sa pangalan ni Jehova? Bakit dapat tayong magkaroon ng matinding paggalang sa napakahalagang pangalang iyan? At paano tayo mapoprotektahan ng pagkatakot sa Diyos kapag natutukso tayong gumawa ng mali?

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

May iba pa bang “mga katangian na bunga ng espiritu” bukod sa binabanggit sa Galacia 5:22, 23?

“Ako Mismo ang Maghahanap sa Aking mga Tupa”

Araling artikulo 25: Agosto 17-23, 2020. Bakit napapalayo sa kongregasyon ang ilang tapat na lingkod ni Jehova? Mahalaga pa rin ba sila sa Diyos? Sasagutin sa artikulong ito ang mga tanong na iyan. Tatalakayin din dito kung ano ang matututuhan natin sa paraan ng pagtulong ni Jehova sa mga napalayo sa kaniya noong panahon ng Bibliya.

“Manumbalik Kayo sa Akin”

Araling artikulo 26: Agosto 24-30, 2020. Gusto ni Jehova na manumbalik sa kaniya ang mga inactive. Marami tayong magagawa para tulungan silang tanggapin ang paanyaya ni Jehova: “Manumbalik kayo sa akin.” Tatalakayin sa artikulong ito kung paano natin sila matutulungan.