Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PANANALITA SA BIBLIYA

May Pananampalataya Ka Ba?

May Pananampalataya Ka Ba?

Para mapasaya si Jehova, kailangan natin ng pananampalataya. Pero sinasabi ng Bibliya na “hindi lahat ng tao ay may pananampalataya.” (2 Tes. 3:2) Nang sabihin ito ni apostol Pablo, ang tinutukoy niya ay ang “napakasamang mga tao” na umuusig sa kaniya. Pero hindi lang ito sa kanila tumutukoy. May mga tao rin na ayaw maniwalang may Diyos na lumalang ng lahat ng bagay. (Roma 1:20) May ilan naman na nagsasabing may pananampalataya sila dahil naniniwala silang may isa na mas makapangyarihan. Pero hindi iyan ang tunay na pananampalataya.

Dapat tayong maging kumbinsido na talagang umiiral si Jehova at na siya ang “nagbibigay ng gantimpala” sa mga totoong nananampalataya sa kaniya. (Heb. 11:6) Para magkaroon tayo ng ganitong pananampalataya, kailangan natin ang banal na espiritu ng Diyos. At para magkaroon tayo ng banal na espiritu, dapat nating hingin iyon kay Jehova sa panalangin. (Luc. 11:​9, 10, 13) Makakatanggap din tayo ng banal na espiritu kung babasahin natin ang Salita ng Diyos, pag-iisipan ito, at isasabuhay ang mga natututuhan natin. Kapag ginawa natin ang mga ito, gagabayan tayo ng banal na espiritu ni Jehova. Ito ang tutulong sa atin na magkaroon ng tunay na pananampalatayang magpapasaya sa kaniya.