Ginagabayan Tayo ni Jehova sa Daan ng Buhay
“Ito ang daan. Lakaran ninyo ito.”—ISA. 30:21.
1, 2. (a) Anong babala ang nakapagligtas ng maraming buhay? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) (b) Anong nakapagliligtas-buhay na patnubay ang taglay ng mga lingkod ng Diyos?
“STOP, LOOK, LISTEN” (Huminto, tumingin, makinig). Napakarami nang buhay ang nailigtas ng mga salitang iyan. Mahigit 100 taon na ang nakararaan, ang malalaking karatula na may ganitong mga salita ay inilagay sa may tawiran sa mga riles sa North America. Bakit? Para hindi basta-basta tumawid ang mga sasakyan at mahagip ng humahagibis na tren. Oo, ang pagsunod sa babalang iyan ay nakapagligtas ng maraming buhay.
2 Hindi lang tayo basta binibigyan ni Jehova ng mga karatula. Para siyang nakatayo sa unahan ng kaniyang mga lingkod na itinuturo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, palayo sa panganib. Higit pa rito, kumikilos siyang gaya ng isang maibiging pastol sa kaniyang kawan, na tumatawag sa kaniyang mga tupa para gabayan sila at babalaan nang makaiwas sila sa delikadong landas.—Basahin ang Isaias 30:20, 21.
PINAPATNUBAYAN NI JEHOVA ANG KANIYANG BAYAN NOON PA MAN
3. Paano nasadlak ang sangkatauhan sa landas ng kamatayan?
3 Sa buong kasaysayan ng tao, nagbibigay si Jehova ng espesipikong Gen. 2:15-17) Kung nakinig lang sina Adan at Eva sa tagubilin ni Jehova, naiwasan sana nila ang masasaklap na resulta—buhay na punong-puno ng kahirapan na hahantong sa kamatayan na wala nang pag-asang mabuhay-muli. Sa halip na sumunod, nakinig si Eva sa payo na waring nagmula sa isang hamak na hayop. Nakinig naman si Adan sa tinig ni Eva, isang taong mortal. Pareho nilang tinalikuran ang patnubay ng kanilang maibiging Ama. Ang resulta? Nasadlak ang sangkatauhan sa landas ng kamatayan.
mga tagubilin. Halimbawa, sa hardin ng Eden, nagbigay siya ng malilinaw na instruksiyon na gagabay sa pamilya ng tao tungo sa buhay na walang hanggan at kaligayahan. (4. (a) Bakit kinailangan ang karagdagang mga tagubilin pagkatapos ng Baha? (b) Paano isinisiwalat ng bagong mga kalagayan ang kaisipan ng Diyos?
4 Noong panahon ni Noe, nagbigay ang Diyos ng nagliligtas-buhay na tagubilin. Pagkatapos ng Baha, naglabas si Jehova ng espesipikong pagbabawal tungkol sa dugo. Bakit ito kinailangan? Nagbago ang mga kalagayan. Pahihintulutan na ni Jehova ang mga tao na kumain ng karne ng hayop. Kaya ganito ang bagong tagubilin niya: “Tanging ang laman na kasama ang kaluluwa [o buhay] nito—ang dugo nito—ang huwag ninyong kakainin.” (Gen. 9:1-4) Isinisiwalat ng nagbagong mga kalagayan kung ano ang kaisipan ng Diyos tungkol sa bagay na pag-aari niya, ang buhay. Bilang Maylalang at Tagapagbigay-Buhay, siya ang may karapatang gumawa ng mga batas tungkol sa buhay. Halimbawa, iniutos niya na hindi dapat kitlin ng tao ang buhay ng kaniyang kapuwa. Para sa Diyos, sagrado ang buhay at dugo, at mananagot sa kaniya ang lumalabag sa mga tagubilin niya hinggil dito.—Gen. 9:5, 6.
5. Ano ang susuriin natin ngayon, at bakit?
5 Suriin natin ang ilang halimbawa kung paano patuloy na nagbigay ang Diyos ng gabay sa sumunod na mga siglo. Ang repasong ito ay magpapasigla sa atin na sundin ang patnubay ni Jehova hanggang sa bagong sanlibutan.
BAGONG BANSA, BAGONG TAGUBILIN
6. Bakit kailangang sundin ng bayan ng Diyos ang mga utos na ibinigay kay Moises? Anong saloobin ang kailangang taglayin ng mga Israelita?
6 Noong panahon ni Moises, kinailangan ang malilinaw na tagubilin sa tamang paggawi at paraan ng pagsamba. Bakit? Muli, dahil sa pagbabago ng mga kalagayan. Mahigit 200 taóng namuhay ang mga inapo ni Jacob sa ilalim ng pamamahala ng mga Ehipsiyo sa lupaing palasak ang pagsamba sa mga patay, paggamit ng mga idolo, at iba pang paniniwala at kaugaliang lumalapastangan sa Diyos. Nang makalaya ang bayan ng Diyos sa kalupitan ng Ehipto, kinailangan nila ng bagong mga tagubilin. Mamumuhay na sila, hindi bilang mga bihag, kundi bilang pinalayang bansa na ang tanging sinusunod ay ang Kautusan ni Jehova. Sinasabi ng ilang reperensiya na ang salitang Hebreo para sa “kautusan” ay nauugnay sa isang salitang-ugat na may diwang “akayin, patnubayan, tagubilinan.” Ang Kautusang Mosaiko ay nagsilbing pananggalang na pader laban sa imoralidad at huwad na relihiyon ng ibang mga bansa. Kapag nakikinig ang mga Israelita sa Diyos, pinagpapala sila. Kapag binabale-wala nila siya, napapahamak sila.—Basahin ang Deuteronomio 28:1, 2, 15.
7. (a) Ipaliwanag kung bakit nagbigay si Jehova ng mga tagubilin sa kaniyang bayan. (b) Paano naging tagaakay ng Israel ang Kautusan?
7 May isa pang dahilan kung bakit kailangan ng mga Israelita ng mga tagubilin. Inaakay sila ng Kautusan sa isang mahalagang pangyayaring may kinalaman sa kalooban ni Jehova—ang pagdating ng Mesiyas na si Jesu-Kristo. Higit na nilinaw ng Kautusan na hindi sakdal ang mga Israelita. Ipinaunawa rin nito sa kanila na kailangan nila ng pantubos, isang sakdal na hain na lubusang tatakip sa kasalanan. (Gal. 3:19; Heb. 10:1-10) Karagdagan pa, tumulong ang Kautusan para maingatan ang angkan na pagmumulan ng Mesiyas at maipakilala ang Mesiyas kapag dumating na siya. Oo, ang Kautusan ay naging pansamantalang “tagapagturo,” o tagaakay, tungo kay Kristo.—Gal. 3:23, 24.
8. Bakit dapat tayong magpagabay sa mga simulain ng Kautusang Mosaiko?
8 Bilang mga Kristiyano, puwede rin tayong makinabang sa mga tagubilin ng Kautusan na ibinigay sa bansang Israel. Paano? Maaari tayong “huminto” at “tumingin” sa mga simulaing nasa likod ng Kautusan. Bagaman wala tayo sa ilalim ng gayong mga utos, ang mga ito ay mapananaligang giya sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at pagsamba sa ating banal na Diyos, si Jehova. Ipinaulat niya sa Bibliya ang mga utos na ito para matuto tayo, magabayan ng mga simulain, at mapahalagahan ang mas mataas na pamantayan para sa mga Kristiyano. Halimbawa, “makinig” sa sinabi ni Jesus: “Narinig ninyo na sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya ay nangalunya na sa kaniya sa kaniyang puso.” Kaya dapat nating iwasan hindi lang ang mismong pangangalunya kundi pati na rin ang imoral na mga kaisipan at pagnanasa.—Mat. 5:27, 28.
9. Anong bagong mga kalagayan ang dahilan kung kaya nagbigay ang Diyos ng bagong tagubilin?
9 Nang dumating si Jesus bilang Mesiyas, kinailangan ang bagong tagubilin mula kay Jehova at higit pang paglilinaw sa Kaniyang layunin dahil muli, nagbago ang mga kalagayan. Noong 33 C.E., ibinaling ni Jehova ang kaniyang pabor mula sa bansang Israel tungo sa kongregasyong Kristiyano.
GABAY PARA SA BAGONG ESPIRITUWAL NA BANSA
10. Bakit binigyan ng bagong mga utos ang kongregasyong Kristiyano? Paano naiiba ang mga ito sa mga utos na ibinigay sa mga Israelita?
10 Noong unang siglo, ang bayan ng Diyos ay pumasok sa kaayusang Kristiyano at tumanggap ng bago o karagdagang mga instruksiyon sa pagsamba at paggawi. Ang tapat na mga lingkod na ito ng Diyos ay nasa ilalim ng isang bagong tipan. Ang Kautusang Mosaiko ay ibinigay sa isang bansa—ang likas na Israel. Sa kabaligtaran, ang mga miyembro ng espirituwal na Israel ay magmumula sa maraming bansa. Kaya talagang “ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.” (Gawa 10:34, 35) Ang Kautusang Mosaiko na naging gabay ng likas na Israel sa Lupang Pangako ay may mga utos na nakaukit sa bato. Para sa espirituwal na Israel naman, ang “kautusan ng Kristo” ay pangunahing nakasalig sa mga simulaing nakaukit sa mga puso. Ang “kautusan ng Kristo” ay kapit sa mga Kristiyano at mapapakinabangan nila saan man sila nakatira.—Gal. 6:2.
11. Sa anong dalawang aspekto ng Kristiyanong pamumuhay kapit ang “kautusan ng Kristo”?
11 Malaking tulong sa espirituwal na Israel ang gabay ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Anak. Bago maitatag ang bagong tipan, nagbigay si Jesus ng dalawang mahalagang utos. Ang isa ay tungkol sa gawaing pangangaral. Ang isa naman ay tungkol sa paggawi ng mga tagasunod ni Jesus at kung paano sila dapat makitungo sa mga kapananampalataya. Ang mga tagubiling ito ay para sa lahat ng Kristiyano; kaya kapit ang mga ito sa lahat ng tunay na mananamba ngayon, ang pag-asa man nila ay sa langit o sa lupa.
12. Ano ang bago sa gawaing pangangaral?
12 Halimbawa, pag-isipan ang pangangaral ng mabuting balita na iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod. Iba na ang paraan at lawak ng gawaing pangangaral. Noon, ang mga tao ng mga bansa ay tinatanggap kapag pumunta sila sa Israel para maglingkod kay Jehova. (1 Hari 8:41-43) Ganiyan ang kalagayan bago ibigay ni Jesus ang utos sa Mateo 28:19, 20. (Basahin.) Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na “humayo” sa lahat ng tao. Noong araw ng Pentecostes 33 C.E., naging maliwanag na gusto ni Jehova na paabutin ang pangangaral sa buong globo. Sa tulong ng kaniyang banal na espiritu, mga 120 miyembro ng bagong kongregasyon ang makahimalang nakapagsalita ng iba’t ibang wika para makapangaral sa mga Judio at proselita. (Gawa 2:4-11) Sumunod, lumawak pa ang teritoryo dahil kasama na ngayon ang mga Samaritano. At noong taóng 36 C.E., lalo pa itong lumawak dahil mangangaral na rin sila sa mga di-tuling Gentil. Masasabing mula sa isang “sapa,” ang kanilang teritoryo ay lumawak hanggang sa maging “karagatan” ng sangkatauhan.
13, 14. (a) Ano ang saklaw ng “bagong utos” ni Jesus? (b) Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Jesus?
13 Talakayin naman natin kung paano tayo dapat makitungo sa ating mga kapananampalataya. Nagbigay si Jesus ng “isang bagong utos.” (Basahin ang Juan 13:34, 35.) Saklaw ng utos na iyan, hindi lang ang karaniwang pag-ibig na ipinakikita natin sa mga kapatid sa araw-araw, kundi ang pagiging handang ibigay ang ating buhay alang-alang sa kanila. Walang ganiyang kahilingan ang Kautusang Mosaiko.—Mat. 22:39; 1 Juan 3:16.
14 Si Jesus ang pangunahing halimbawa nito. Minahal niya ang kaniyang mga alagad at handa siyang magsakripisyo para sa kanila, kung kaya namatay siya para sa kanila. At inaasahan niya na ganoon din ang gagawin ng kaniyang mga alagad, kasama na tayo. Kaya naman handa tayong tiisin ang mahihirap na sitwasyon at mamatay pa nga para sa ating mga kapatid.—1 Tes. 2:8.
MGA TAGUBILIN NGAYON AT SA HINAHARAP
15, 16. Anong bagong mga kalagayan ang nararanasan natin ngayon, at paano tayo ginagabayan ng Diyos?
15 Inatasan ni Jesus “ang tapat at maingat na alipin” para paglaanan ang kaniyang mga tagasunod ng espirituwal na pagkain sa tamang panahon. (Mat. 24:45-47) Kasama sa pagkaing ito ang mahahalagang tagubilin dahil sa bagong mga kalagayan.
16 Nabubuhay tayo sa tinatawag ng Bibliya na “mga huling araw,” at napakalapit na ng isang kapighatian na hindi pa nangyayari kailanman. (2 Tim. 3:1; Mar. 13:19) Gayundin, si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay pinalayas mula sa langit at itinapon dito sa lupa, kaya napakatindi ng kahirapang nararanasan ng tao. (Apoc. 12:9, 12) Inatasan din tayong magsagawa ng isang kampanya ng pangangaral na sa ngayon ay nakaaabot na sa pinakamaraming tao at wika sa buong kasaysayan!
17, 18. Paano tayo dapat tumugon sa mga tagubiling natatanggap natin?
17 Kailangan nating gamitin ang mga kasangkapang inilaan ng organisasyon ng Diyos para sa pangangaral. Ginagamit mo ba ang mga ito? Ikinakapit mo ba agad ang mga tagubiling ibinibigay sa mga pulong hinggil sa epektibong paggamit sa mga kasangkapang ito? Itinuturing mo ba ang mga tagubiling ito bilang patnubay ng Diyos?
18 Para patuloy nating matanggap ang pagpapala ng Diyos, kailangan nating magbigay-pansin sa lahat ng tagubiling inilalaan sa pamamagitan ng kongregasyong Kristiyano. Kung ngayon pa lang ay masunurin na tayo, mas magiging madali sa atin na sumunod sa mga tagubilin sa panahon ng “malaking kapighatian,” kung kailan pupuksain ang buong masamang sistema ni Satanas. (Mat. 24:21) Pagkatapos, kakailanganin natin ng bagong mga tagubilin para sa pamumuhay sa bagong sanlibutang nakalaya na sa impluwensiya ni Satanas.
19, 20. Anong mga balumbon ang bubuksan, at ano ang magiging resulta nito?
19 Ang bansang Israel sa ilalim ng pangunguna ni Moises at ang kongregasyong Apocalipsis 20:12.) Malamang na nakatala sa mga balumbong ito ang mga kahilingan ni Jehova sa sangkatauhan sa panahong iyon. Sa pag-aaral sa mga ito, malalaman ng lahat, pati na ng mga bubuhaying muli, ang kalooban ng Diyos para sa kanila. Tutulong ang mga balumbong ito para lalo nating maunawaan ang kaisipan ni Jehova. Dahil ginagabayan sila ng mas malalim na pagkaunawa sa Bibliya at ng isisiwalat sa bagong mga balumbon, tiyak na iibigin, igagalang, at pahahalagahan ng mga titira sa makalupang Paraiso ang kanilang kapuwa. (Isa. 26:9) Isip-isipin ang programa ng edukasyon na isasaayos sa ilalim ng patnubay ng Hari, si Jesu-Kristo!
Kristiyano sa ilalim ng “kautusan ng Kristo” ay nangailangan ng bagong mga tagubilin. Kaya sinasabi sa atin ng Bibliya na sa bagong sanlibutan, may bubuksang mga balumbon na naglalaman ng mga tagubilin para sa pamumuhay roon. (Basahin ang20 Ang mga susunod sa “mga bagay na nakasulat sa mga balumbon” ay magkakamit ng buhay na walang hanggan. Permanente nang isusulat ni Jehova sa “balumbon ng buhay” ang mga pangalan ng nanatiling tapat sa Diyos hanggang sa huling pagsubok. Puwede tayong mapabilang sa mga iyon! Kaya kung tayo ay HIHINTO para pag-aralan ang Salita ng Diyos, TITINGIN para maintindihan ang kahulugan nito para sa atin, at MAKIKINIG sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin ng Diyos sa ngayon, makaaasa tayong maligtas sa malaking kapighatian at masiyahang matuto magpakailanman tungkol sa ating marunong at maibiging Diyos, si Jehova.—Ecles. 3:11; Roma 11:33.