Mga Kabataan—Handa Na Ba Kayong Magpabautismo?
“Sino sa inyo na nais magtayo ng tore ang hindi muna uupo at tutuusin ang gastusin, upang makita kung mayroon siyang sapat upang matapos iyon?”—LUC. 14:28.
Ang dalawang magkasunod na artikulong ito ay para sa mga kabataang nagbabalak magpabautismo
1, 2. (a) Ano ang nakapagpapasaya sa bayan ng Diyos ngayon? (b) Paano matutulungan ng Kristiyanong mga magulang at mga elder ang mga kabataan na maunawaan ang kahulugan ng bautismo?
“BABY ka pa lang, kilala na kita,” ang sabi ng isang elder kay Christopher na 12 anyos noon. “Natutuwa ako na gusto mo nang magpabautismo. Matanong kita, ‘Bakit mo gustong magpabautismo?’” Makatuwiran naman ang tanong ng elder. Masaya tayo dahil libo-libong kabataan ang nababautismuhan taon-taon sa buong daigdig. (Ecles. 12:1) Pero gusto ring matiyak ng Kristiyanong mga magulang at mga elder na sarili itong desisyon ng mga kabataan at nauunawaan nila ang kahulugan ng pagpapabautismo.
2 Ipinakikita ng Salita ng Diyos na ang pag-aalay at bautismo Kaw. 10:22; 1 Ped. 5:8) Kaya naman dapat ipaunawa ng Kristiyanong mga magulang sa kanilang mga anak kung ano ang sangkot sa pagiging alagad ni Kristo. At kung hindi Kristiyano ang mga magulang ng isang kabataan, mga elder ang tutulong sa kaniya na ‘tuusin ang gastusin’ ng pagiging Kristiyano. (Basahin ang Lucas 14:27-30.) Kung paanong kailangan ng pagpaplano para matapos ang isang proyekto ng pagtatayo, dapat ding paghandaan ng kabataan ang pagpapabautismo para makapaglingkod siya nang tapat kay Jehova “hanggang sa wakas.” (Mat. 24:13) Pero paano magiging determinado ang mga kabataan na paglingkuran si Jehova magpakailanman? Tingnan natin.
ay simula ng buhay ng isang Kristiyano kung saan tatanggap siya ng pagpapala ni Jehova at pagsalansang ni Satanas. (3. (a) Ano ang ipinakikita ng mga sinabi ni Jesus at ni Pedro tungkol sa kahalagahan ng bautismo? (Mat. 28:19, 20; 1 Ped. 3:21) (b) Anong mga tanong ang tatalakayin natin, at bakit?
3 Ikaw ba’y isang kabataan na gustong magpabautismo? Kung oo, magandang tunguhin iyan! Napakalaking pribilehiyo na maging bautisadong Saksi ni Jehova. Karagdagan pa, kahilingan sa mga Kristiyano ang pagpapabautismo, at mahalagang hakbang ito para maligtas. (Mat. 28:19, 20; 1 Ped. 3:21) Dahil gusto mong tuparin ang ipapangako mo kay Jehova, makabubuting isaalang-alang ang tatlong tanong na ito para malaman kung handa ka nang magpabautismo: (1) May-gulang na ba ako para magdesisyon? (2) Talaga bang ako ang may kagustuhan nito? (3) Nauunawaan ko ba ang kahulugan ng pagiging nakaalay kay Jehova? Suriin natin ang mga tanong na iyan.
KAPAG MAY-GULANG KA NA
4, 5. (a) Bakit ang pagpapabautismo ay hindi lang para sa mga nakatatanda? (b) Ano ang kahulugan ng pagiging may-gulang ng isang Kristiyano?
4 Hindi sinasabi ng Bibliya na ang pagpapabautismo ay ginagawa lang ng mga nakatatanda o ng mga nakaabot sa isang Kawikaan 20:11: “Sa pamamagitan nga ng kaniyang mga gawa ay ipinakikilala ng isang bata kung ang kaniyang gawain ay dalisay at matuwid.” Kahit bata pa ang isa, kaya na niyang maunawaan ang kahulugan ng paggawa ng tama at ng pagiging nakaalay sa kaniyang Maylalang. Kaya ang pagpapabautismo ay mahalaga at angkop na hakbang para sa isang kabataang nakapagpakita na ng pagkamaygulang at nakapag-alay na kay Jehova.—Kaw. 20:7.
espesipikong edad. Mababasa natin sa5 Ano ba ang kahulugan ng pagiging may-gulang, o mature? Hindi lang ito tumutukoy sa edad o pisikal na paglaki. Sinasabi ng Bibliya na “nasanay [ng mga taong may-gulang] ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali.” (Heb. 5:14) Kaya alam ng mga may-gulang kung ano ang tama sa paningin ni Jehova at determinado silang manindigan dito. Bilang resulta, hindi sila madaling maimpluwensiyahan na gumawa ng mali; hindi rin sila kailangang laging sabihan na gawin ang tama. Kaya makatuwiran lang na asahang itataguyod ng kabataang nagpabautismo ang pamantayan ng Diyos kahit hindi siya nakikita ng kaniyang mga magulang o ng ibang tao.—Ihambing ang Filipos 2:12.
6, 7. (a) Ilarawan ang mga hamon na napaharap kay Daniel sa Babilonya. (b) Paano ipinakita ni Daniel na may-gulang siya?
6 Kaya na ba talaga ng mga kabataan na magpakita ng pagkamaygulang? Tingnan natin ang halimbawa ni Daniel sa Bibliya. Malamang na tin-edyer siya nang mawalay sa kaniyang mga magulang at dalhin sa Babilonya kung saan nakasama niya ang mga tao na ibang-iba ang pamantayan ng tama at mali. May isa pang hamon para kay Daniel: Tinrato siyang espesyal sa Babilonya. Sa katunayan, isa si Daniel sa mga kabataang pinili para tumayo sa harap ng hari! (Dan. 1:3-5, 13) Parang napakaganda nga ng mga oportunidad ni Daniel sa Babilonya, na wala sa Israel.
7 Paano ito hinarap ng kabataang si Daniel? Nasilaw ba siya sa kinang at ningning ng Babilonya? Hinayaan ba niyang baguhin siya ng kapaligiran niya o pahinain nito ang kaniyang pananampalataya? Hinding-hindi! Sinasabi ng Bibliya na habang nasa Babilonya, “ipinasiya ni Daniel sa kaniyang puso na hindi niya durumhan ang kaniyang sarili” ng anumang bagay na may kaugnayan sa huwad na pagsamba. (Dan. 1:8) Kahanga-hanga ang pagkamaygulang ni Daniel!
8. Ano ang matututuhan mo sa halimbawa ni Daniel?
8 Ano ang matututuhan mo sa halimbawa ni Daniel? Ang may-gulang na kabataan ay may paninindigan. Hindi siya gaya ng hunyango na pabago-bago ng kulay depende sa kapaligiran nito. Hindi siya gumagawi na parang kaibigan ng Diyos kapag nasa Kingdom Hall pero kaibigan ng sanlibutan kapag nasa paaralan. Sa halip na magpatangay, nananatili siyang matatag kahit sa mahihirap na pagsubok.—Basahin ang Efeso 4:14, 15.
9, 10. (a) Paano makatutulong sa isang kabataan na pag-isipan kung paano siya tumugon nang huling masubok ang pananampalataya niya? (b) Ano ang kahulugan ng bautismo?
9 Walang taong perpekto; lahat ay nagkakamali, kabataan man o adulto. (Ecles. 7:20) Pero kung nag-iisip ka nang magpabautismo, makabubuting suriin kung hanggang saan ang determinasyon mong sundin ang pamantayan ni Jehova. Paano? Tanungin ang sarili, ‘Ano na ang rekord ko ng pagsunod sa mga pamantayan ng Diyos?’ Isipin kung paano ka tumugon nang huling masubok ang pananampalataya mo. Naipakita mo bang alam mo ang tama at mali? Paano kung, gaya ni Daniel, tinatrato kang espesyal sa sanlibutan ni Satanas? Kaya mo bang “patuloy [na] unawain kung ano ang kalooban ni Jehova” kahit iba ito sa gusto mong gawin?—Efe. 5:17.
10 Mga kabataan, bakit namin kayo tinatanong nang prangkahan? Dahil makatutulong ito sa inyo na maunawaan kung gaano kaseryoso ang pagpapabautismo. Gaya ng nabanggit, ang bautismo ay sagisag ng inyong taimtim na pangako kay Jehova na mamahalin ninyo siya at buong-pusong paglilingkuran habambuhay. (Mar. 12:30) Lahat ng nagpapabautismo ay dapat na determinadong tumupad sa kaniyang pangako.—Basahin ang Eclesiastes 5:4, 5.
TALAGA BANG IKAW ANG MAY KAGUSTUHAN NITO?
11, 12. (a) Ano ang dapat tiyakin ng isa na nagbabalak magpabautismo? (b) Paano mo mapananatili ang tamang pananaw sa kaayusan ng bautismo?
11 Sinasabi ng Bibliya na ang bayan ni Jehova, kasama ang mga kabataan, ay “kusang-loob na maghahandog ng kanilang sarili” para paglingkuran siya. (Awit 110:3) Kaya dapat tiyakin ng isa na nagbabalak magpabautismo na talagang siya ang may kagustuhan nito. Baka kailangan mong suriing mabuti ang pagnanais mong magpabautismo, lalo na kung lumaki ka sa pamilyang Saksi.
12 Sa paglipas ng mga taon, baka marami ka nang nakitang nagpabautismo—kasama na ang iyong mga kaibigan o kapatid. Kung ganiyan ang sitwasyon mo, mag-ingat na huwag makiuso at ituring ang pagpapabautismo na isang bagay lang na kailangang pagdaanan ng lahat ng kabataan. Paano mo mapananatili ang tamang pananaw sa kaayusan ng bautismo? Laging pag-isipan ang mga dahilan kung bakit napakahalaga ng pagpapabautismo. Tatalakayin ang ilan sa mga iyan sa artikulong ito at sa susunod.
13. Paano mo malalaman kung talagang galing sa puso mo ang desisyong magpabautismo?
13 May mga paraan para malaman mo kung talagang galing sa puso mo ang desisyong magpabautismo. Halimbawa, makikita sa iyong pananalangin ang pagnanais mong maglingkod kay Jehova. Kung madalas at espesipiko kang nananalangin, ipinakikita nito kung gaano ka kalapít kay Jehova. (Awit 25:4) Ang isang mahalagang paraan ng pagsagot ni Jehova sa mga panalangin ay sa pamamagitan ng kaniyang Salita. Kaya ang pagsisikap nating pag-aralan ang Bibliya ay isa pang katibayan na talagang gusto nating mapalapít kay Jehova at paglingkuran siya mula sa ating puso. (Jos. 1:8) Kung gayon, tanungin ang sarili: ‘Gaano kaespesipiko ang mga panalangin ko? Gaano karegular ang personal na pag-aaral ko ng Bibliya?’ At kung mayroon kayong Pampamilyang Pagsamba, tanungin ang sarili: ‘Nakikibahagi ba ako sa kaayusang ito ng pamilya?’ Makikita sa iyong mga sagot kung talagang kagustuhan mo ang pagpapabautismo.
ANG KAHULUGAN NG PAG-AALAY
14. Ilarawan ang pagkakaiba ng pag-aalay at ng bautismo.
14 May mga nalilito sa pagkakaiba ng pag-aalay at ng bautismo. Halimbawa, may mga kabataan na nagsasabing nag-alay na sila kay Jehova pero hindi pa handang magpabautismo. Puwede ba iyon? Kapag iniaalay mo ang iyong sarili kay Jehova, sinasabi
mo na paglilingkuran mo siya magpakailanman. At kapag nagpabautismo ka, ipinakikita mo sa iba na nakapag-alay ka na. Kung gayon, ang bautismo ay pangmadlang pagpapahayag ng iyong pribadong pag-aalay kay Jehova na ginawa mo sa pamamagitan ng panalangin. Bago ka magpabautismo, tiyaking nauunawaan mo ang kahulugan ng pag-aalay.15. Ano ang kahulugan ng pag-aalay?
15 Ibig sabihin, kapag inialay mo ang iyong buhay kay Jehova, hindi mo na pag-aari ang iyong sarili. Nangangako ka kay Jehova na uunahin mo sa iyong buhay ang paggawa ng kalooban niya. (Basahin ang Mateo 16:24.) Lahat ng pangako ay dapat seryosohin, lalo na ang pangako sa Diyos na Jehova! (Mat. 5:33) Kaya paano mo maipakikita na talagang itinatwa mo na ang iyong sarili at pag-aari ka na ni Jehova?—Roma 14:8.
16, 17. (a) Ilarawan kung ano ang ibig sabihin ng itatwa ang sarili. (b) Sa diwa, ano ang sinasabi ng isa na nag-alay kay Jehova?
16 Ipagpalagay na isang kaibigan ang nagregalo sa iyo ng kotse. Ibinigay niya sa iyo ang papeles at sinabi: “Sa iyo na ang kotseng ito.” Pero sinabi rin niya: “Ako ang hahawak ng susi. At ako lang ang magmamaneho ng kotse, hindi ikaw.” Ano ang madarama mo sa “regalo” niya? Ano ang madarama mo sa kaniya?
17 Isipin naman kung ano ang inaasahan ni Jehova sa isa na nag-alay sa kaniya, na nagsabi: “Sa inyo na po ang buhay ko. Kayo na ang may-ari sa akin.” Paano kung ang taong ito ay susuway kay Jehova at palihim na makikipagligawan sa isang di-kapananampalataya? Paano kung tatanggap siya ng trabahong hahadlang sa kaniyang ministeryo at pagdalo sa mga pagpupulong? Hindi ba’t parang siya pa rin ang may hawak ng susi ng kotse? Kapag nag-alay na ang isa, sa diwa ay sinasabi niya kay Jehova: “Kayo na po ang may hawak ng buhay ko at hindi na ako. Kung magkaiba ang gusto ninyo at ang gusto ko, kayo po ang laging masusunod.” Ganiyan ang saloobin ni Jesus. Noong nasa lupa siya, sinabi niya: “Bumaba ako mula sa langit upang gawin, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.”—Juan 6:38.
18, 19. (a) Paano ipinakikita ng sinabi nina Rose at Christopher na ang pagpapabautismo ay nagdudulot ng mga pagpapala? (b) Ano ang nadarama mo sa pribilehiyo ng pagpapabautismo?
18 Maliwanag, seryosong hakbang ang pagpapabautismo. Pero napakalaking pribilehiyo rin ang mag-alay at magpabautismo. Ang mga kabataang umiibig kay Jehova at nakauunawa sa kahulugan ng pag-aalay ay hindi nag-aatubiling magpabautismo, at hindi rin nila ito pinagsisisihan. “Mahal ko si Jehova, at wala na akong ibang gustong gawin kundi ang maglingkod sa kaniya,” ang sabi ng bautisadong tin-edyer na si Rose. “Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, ang pagpapabautismo ang pinakasigurado.”
19 Kumusta naman si Christopher na binanggit sa simula ng artikulong ito? Tama ba ang desisyon niyang magpabautismo sa edad na 12? Masayang-masaya siya sa kaniyang desisyon. Nag-regular pioneer siya sa edad na 17 at nahirang na ministeryal na lingkod sa edad na 18. Ngayon, naglilingkod siya sa Bethel. Sinabi niya: “Tama ang desisyon kong magpabautismo. Ang buhay ko ay punong-puno ng kasiya-siyang gawain para kay Jehova at sa kaniyang organisasyon.” Kung nagbabalak kang magpabautismo, paano mo ito mapaghahandaan? Tatalakayin iyan sa susunod na artikulo.