Kabutihan—Paano Mo Ito Maipapakita?
GUSTO nating lahat na makilala bilang mabuting tao. Pero mahirap maging mabuting tao sa ngayon. Marami ang “walang pag-ibig sa kabutihan.” (2 Tim. 3:3) Baka sinusunod nila ang sarili nilang pamantayan ng tama at mali, na “ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti.” (Isa. 5:20) Mahirap ding maging mabuting tao dahil sa ating mga naranasan at dahil hindi tayo sakdal. Kaya baka nadarama rin natin ang nadama ni Anne. * Kahit maraming taon na siyang naglilingkod kay Jehova, nasabi niya, “Sa tingin ko, hindi ko kayang maging mabuting tao.”
Pero ang totoo, kaya nating maging mabuti! Ang kabutihan ay nagmumula sa banal na espiritu ng Diyos, at ang espiritu niya ay mas makapangyarihan kaysa sa anumang bagay na makakahadlang sa atin para maging mabuti. Pag-aralan natin ang kabutihan, at tingnan natin kung paano natin higit na maipapakita ang katangiang ito.
ANO ANG KABUTIHAN?
Nauugnay sa kabutihan ang mataas na moralidad, at wala itong bahid ng kasamaan. Ang kabutihan ng isang tao ay may magandang epekto sa iba. Makikita sa gawa ang magandang katangiang ito.
May ilan na laging handang gumawa ng mabuti sa mga kapamilya at kaibigan, pero sapat na ba iyan para masabing mabuti sila? Totoo, hindi tayo laging nakapagpapakita ng kabutihan, dahil sinasabi ng Bibliya na “walang taong matuwid sa lupa na patuloy na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.” (Ecles. 7:20) Inamin ni apostol Pablo: “Alam ko na sa akin, sa akin ngang laman, ay walang anumang mabuti na tumatahan.” (Roma 7:18) Kaya kung gusto nating magkaroon ng katangiang ito, kailangan nating matuto kay Jehova, ang Bukal ng kabutihan.
“SI JEHOVA AY MABUTI”
Nagtakda ang Diyos na Jehova ng pamantayan ng mabuti. Mababasa natin tungkol sa kaniya: “Ikaw ay mabuti at gumagawa ng mabuti. Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.” (Awit 119:68) Suriin natin ang dalawang aspekto ng kabutihan ni Jehova sa tekstong ito.
Si Jehova ay mabuti. Laging makikita sa kaniya ang kabutihan. Pansinin ang nangyari nang sabihin ni Jehova kay Moises: “Pararaanin ko ang aking buong kabutihan sa harap ng iyong mukha.” Habang ipinapakita ni Jehova kay Moises ang kaluwalhatian niya, kasama na ang kabutihan, narinig ni Moises: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan, nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo, nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at kasalanan, ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan.” (Ex. 33:19; 34:6, 7) Maliwanag, makikita ang kabutihan sa buong personalidad ni Jehova. Kaya kahit na si Jesus ang naging pinakamabuting tao, sinabi niya: “Walang sinumang mabuti, maliban sa isa, ang Diyos.”—Luc. 18:19.
Ang mga gawa ni Jehova ay mabuti. Makikita ang kabutihan ng Diyos sa lahat ng ginagawa Awit 145:9) Mabuti si Jehova sa lahat ng tao. Binigyan niya ng buhay ang lahat, at inilalaan niya ang kailangan natin para patuloy na mabuhay. (Gawa 14:17) Makikita rin ang kabutihan niya sa pagpapatawad niya sa atin. Isinulat ng salmista: “Ikaw, O Jehova, ay mabuti at handang magpatawad.” (Awit 86:5) Makatitiyak tayo na “si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabuti sa mga lumalakad sa kawalang-pagkukulang.”—Awit 84:11.
niya. “Si Jehova ay mabuti sa lahat, at ang kaniyang kaawaan ay nasa lahat ng kaniyang mga gawa.” (“MATUTO KAYONG GUMAWA NG MABUTI”
Nilalang tayo ayon sa larawan ng Diyos, kaya puwede tayong maging mabuti at gumawa ng mabuti. (Gen. 1:27) Pinapayuhan ng Salita ng Diyos ang mga lingkod niya na ‘matutong gumawa ng mabuti.’ (Isa. 1:17) Paano? Tingnan ang tatlong paraan.
Una, hilingin sa panalangin ang banal na espiritu, na makakatulong sa mga Kristiyano na makapagpakita ng tunay na kabutihan. (Gal. 5:22) Matutulungan tayo ng espiritu ng Diyos na ibigin ang kabutihan at kapootan ang kasamaan. (Roma 12:9) Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay magpapatatag sa atin sa “bawat mabuting gawa at salita.”—2 Tes. 2:16, 17.
Ikalawa, basahin ang Salita ng Diyos. Kung gagawin natin iyan, maituturo sa atin ni Jehova ang “buong landasin ng kabutihan” at maihahanda niya tayo sa “bawat mabuting gawa.” (Kaw. 2:9; 2 Tim. 3:17) Kapag binabasa at binubulay-bulay natin ang Bibliya, pinupuno natin ang ating puso ng mabubuting bagay tungkol sa Diyos at sa kaniyang kalooban. Kaya para tayong naglalagay rito ng kayamanan na makakatulong sa atin kapag kailangan na natin ito.—Luc. 6:45; Efe. 5:9.
Ikatlo, tularan kung ano ang mabuti. (3 Juan 11) May mga halimbawa sa Bibliya na matutularan natin. Siyempre, ang pinakamahuhusay na halimbawa ay si Jehova at si Jesus. Pero may iba pang nakilala dahil sa kabutihan nila. Baka naiisip mo sina Tabita at Bernabe. (Gawa 9:36; 11:22-24) Puwede mong pag-aralan ang ulat tungkol sa kanila, at tingnan mo kung paano sila tumulong sa iba. Pag-isipan kung paano ka makakatulong sa iyong kapamilya o kakongregasyon. Tingnan din kung paano nakinabang sina Tabita at Bernabe sa pagkakaroon ng reputasyon bilang mabubuting tao. Kung tutularan mo sila, makikinabang ka rin.
Puwede rin nating isipin ang mga tao sa ngayon na gumagawa ng mabuti. Magandang halimbawa ang masisipag na elder na “maibigin sa kabutihan.” Alalahanin din ang tapat na mga sister na Tito 1:8; 2:3) Ikinuwento ng sister na si Roslyn: “Napakamatulungin ng kaibigan ko, at lagi niyang pinapatibay ang mga kapatid. Palaisip siya sa iba at madalas siyang magbigay ng simpleng mga regalo o ng praktikal na tulong. Para sa akin, isa siyang mabuting tao.”
“mga guro ng kabutihan” dahil sa kanilang pagsasalita at halimbawa. (Sinasabi ni Jehova sa kaniyang bayan na “hanapin . . . ang kabutihan.” (Amos 5:14) Kung gagawin natin iyan, hindi lang natin iibigin ang mga pamantayan niya, kundi mas magiging determinado tayong gumawa ng mabuti.
Nagsisikap tayong maging mabuti at gumawa ng mabuti
Huwag nating isipin na maipapakita lang natin ang kabutihan sa paggawa ng malalaking sakripisyo o sa pagbibigay ng mamahaling mga regalo. Para ilarawan: Kapag nagpipinta ba ang isang artist, isa o dalawang malalaking brushstroke lang ang ginagawa niya? Hindi ba maraming maliliit na brushstroke ang kailangan para makagawa siya ng isang painting? Gayundin, puwede nating ipakita ang kabutihan sa maraming maliliit na paraan.
Pinapayuhan tayo ng Bibliya na “maging handa” sa paggawa ng mabuti. (2 Tim. 2:21; Tito 3:1) Kapag palaisip tayo sa iba, makakahanap tayo ng mga paraan para makatulong sa ating kapuwa at gumawa ng ‘mabuti para sa ikatitibay nila.’ (Roma 15:2) Baka puwede tayong magbigay ng anumang mayroon tayo. (Kaw. 3:27) Puwede nating imbitahan ang iba para sa isang simpleng salusalo o nakapagpapatibay na pakikipagsamahan. Kapag may nabalitaan tayong may sakit, puwede natin siyang padalhan ng card, dalawin, o tawagan. Makakakita tayo ng maraming pagkakataon para sabihin ang “anumang pananalitang mabuti sa ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang maibahagi nito ang kaayaaya sa mga nakikinig.”—Efe. 4:29.
Gaya ni Jehova, gusto nating gumawa ng mabuti sa lahat ng tao. Kaya hindi tayo dapat magtangi. Ang isa sa pinakamagandang paraan para magawa iyan ay ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa lahat ng tao. Gaya ng iniutos ni Jesus, sinisikap nating gumawa ng mabuti kahit sa mga napopoot sa atin. (Luc. 6:27) Kahit kailan, hindi naging mali ang maging mabait at gumawa ng mabuti sa iba, dahil “sa gayong mga bagay ay walang kautusan.” (Gal. 5:22, 23) Kapag gumagawa pa rin tayo ng mabuti kahit pinag-uusig tayo o may problema, maaakay natin ang iba sa katotohanan at maluluwalhati natin ang Diyos.—1 Ped. 3:16, 17.
PAGPAPALA NG PAGIGING MABUTI
“Ang mabuting tao ay [masisiyahan] sa mga bunga ng kaniyang mga pakikitungo.” (Kaw. 14:14) Paano? Kapag mabuti tayo sa iba, malamang na maging ganoon din sila sa atin. (Kaw. 14:22) Baka mapalambot pa nga natin ang puso ng mga hindi mabait sa atin kapag patuloy tayong nagpapakita ng kabutihan.—Roma 12:20.
Marami ang nagsasabing pinagpala sila dahil sa paggawa ng mabuti at pag-iwas sa masama. Tingnan ang karanasan ni Nancy. “Lumaki akong pariwara, imoral, at walang galang,” ang sabi niya. “Pero nang matutuhan ko kung ano ang mabuti sa paningin ng Diyos at sundin ko ang pamantayan niya, naging mas masaya ako. Ngayon, may paggalang na ako sa sarili ko.”
Ang pinakamahalagang dahilan ng pagpapakita ng kabutihan ay para mapasaya si Jehova. Kahit hindi nakikita ng iba ang ginagawa natin, nakikita niya iyon. Alam niya ang mabubuti nating ginagawa at iniisip. (Efe. 6:7, 8) Ano ang resulta? “Ang isa na mabuti ay nagtatamo ng pagsang-ayon ni Jehova.” (Kaw. 12:2) Kaya patuloy tayong magsikap na ipakita ang kabutihan. Nangangako si Jehova ng “kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan para sa bawat isa na gumagawa ng mabuti.”—Roma 2:10.
^ par. 2 Binago ang ilang pangalan.