ARALING ARTIKULO 9
Mga Kabataang Brother—Paano Ninyo Makukuha ang Tiwala ng Iba?
“Mayroon kang grupo ng mga kabataan na gaya ng mga patak ng hamog.”—AWIT 110:3.
AWIT 39 Gumawa ng Mabuting Pangalan sa Diyos
NILALAMAN *
1. Ano ang masasabi natin sa mga kabataang brother?
MGA kabataang brother, marami kayong magagawa sa kongregasyon. Marami sa inyo ang masigla at malakas. (Kaw. 20:29) Napakalaking tulong ninyo sa kongregasyon. Baka gusto ng ilan sa inyo na maging ministeryal na lingkod. Pero baka iniisip ninyo na masyado pang bata ang tingin sa inyo ng iba o wala pang karanasan para pagkatiwalaan kayo ng mahalagang gawain sa kongregasyon. Kahit bata pa lang kayo, marami kayong magagawa ngayon para makuha ang tiwala at respeto ng mga kapatid sa kongregasyon.
2. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?
2 Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang buhay ni Haring David. Tatalakayin din natin ang ilang pangyayari sa buhay ng dalawang hari ng Juda na sina Asa at Jehosapat. Pag-aaralan natin ang naging problema ng tatlong lalaking ito, kung paano nila ito hinarap, at kung ano ang matututuhan ng mga kabataang brother sa halimbawa nila.
MATUTO KAY HARING DAVID
3. Paano makakatulong ang mga kabataan sa mga may-edad na sa kongregasyon?
3 Noong kabataan pa si David, natuto siya ng mga kasanayan na pinahalagahan ng iba. Masulong siya sa espirituwal, may kasanayan siya sa musika, at ginamit niya ito para tulungan si Saul, ang inatasan ng Diyos bilang hari. (1 Sam. 16:16, 23) Siguradong marami sa inyo ang may kakayahan na makakatulong sa kongregasyon. Halimbawa, baka may ilang may-edad sa kongregasyon ninyo na gustong magpatulong sa paggamit ng gadyet para sa pag-aaral at para sa pulong. At dahil mas may alam kayo sa teknolohiya, malaking tulong kung tuturuan ninyo sila.
4. Gaya ni David, anong mga katangian ang dapat ipakita ng mga kabataang brother? (Tingnan ang larawan sa pabalat.)
4 Pinatunayan ni David na responsable siya at maaasahan. Halimbawa, noong kabataan siya, nagsikap siya para alagaan ang mga tupa ng tatay niya. Ang totoo, mapanganib na gawain iyon. Pagkalipas ng ilang panahon, sinabi ni David kay Haring Saul: “Ang inyong lingkod ay naging isang pastol ng kawan ng kaniyang ama, at may dumating na leon, pati oso, at bawat isa ay tumangay ng tupa mula sa kawan. Hinabol ko po iyon at pinabagsak at iniligtas ko ang tupa mula sa bibig nito.” (1 Sam. 17:34, 35) Alam ni David na responsibilidad niyang alagaan ang mga tupa, kaya nakipaglaban siya para protektahan ang mga ito. Matutularan ng mga kabataang brother si David kung masikap nilang gagawin ang anumang atas na ibinigay sa kanila.
5. Ayon sa Awit 25:14, anong pinakamahalagang bagay ang puwedeng gawin ng isang kabataang brother?
5 Napakalapít ng kaugnayan ng kabataang si David kay Jehova. At mas mahalaga iyon kaysa sa lakas ng loob o kakayahan ni David na tumugtog ng instrumento. Para kay David, hindi lang Diyos si Jehova, kundi isa ring matalik na Kaibigan. (Basahin ang Awit 25:14.) Kaya mga kabataang brother, ang pinakamahalagang bagay na puwede ninyong gawin ay patibayin ang kaugnayan ninyo sa inyong Ama sa langit. Kung gagawin ninyo iyan, posibleng tumanggap kayo ng karagdagang pribilehiyo.
6. Ano ang tingin ng iba kay David?
6 Negatibo ang tingin ng iba kay David. Halimbawa, nang magprisinta si David na labanan si Goliat, pinigilan siya ni Haring Saul at sinabi: “Bata ka lang.” (1 Sam. 17:31-33) Bago pa nito, sinabi ng kuya ni David sa kaniya na iresponsable siya. (1 Sam. 17:26-30) Pero alam ni Jehova na hindi immature o iresponsable si David. Kilalang-kilala niya kasi ang kabataang ito. Dahil nagtiwala si David sa Kaibigan niyang si Jehova, napatumba niya si Goliat.—1 Sam. 17:45, 48-51.
7. Ano ang matututuhan mo sa naging karanasan ni David?
7 Ano ang matututuhan mo sa karanasan ni David? Kailangan nating maghintay. Baka 1 Sam. 16:7) Kaya patibayin ang kaugnayan mo sa Diyos. Nagawa iyan ni David nang pag-isipan niya ang mga nilalang ni Jehova. Pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang itinuturo nito tungkol sa kaniyang Maylalang. (Awit 8:3, 4; 139:14; Roma 1:20) Puwede ka ring humingi kay Jehova ng lakas. Halimbawa, pinagtatawanan ka ba ng mga kaklase mo dahil isa kang Saksi ni Jehova? Kung oo, manalangin kay Jehova para makayanan mo iyon. At sundin ang mga payo na nasa Salita niya at salig-Bibliyang mga publikasyon at video. Habang nakikita mo na tinutulungan ka ni Jehova sa mga problema mo, mas titibay ang pagtitiwala mo sa kaniya. At kapag nakikita naman ng iba na umaasa ka kay Jehova, mas pagtitiwalaan ka nila.
kailangan ng panahon para magbago ang tingin sa iyo ng mga kakilala mo at makita nilang nagma-mature ka na. Pero makakatiyak ka na hindi lang panlabas na hitsura mo ang nakikita ni Jehova. Alam niya kung sino ka talaga at kung ano ang kaya mong gawin. (8-9. Ano ang nakatulong kay David habang naghihintay siyang maghari, at ano ang matututuhan ng mga kabataang brother sa halimbawa niya?
8 Tingnan ang isa pang nangyari kay David. Pagkatapos maatasan bilang hari, kailangan niyang maghintay ng maraming taon bago siya aktuwal na mamahala bilang hari sa Juda. (1 Sam. 16:13; 2 Sam. 2:3, 4) Habang naghihintay siya, ano ang nakatulong sa kaniya? Imbes na wala siyang gawin dahil sa panghihina ng loob, nagpokus siya sa mga magagawa niya. Halimbawa, nang tumakas siya at tumira sa teritoryo ng mga Filisteo, ginamit niya ang panahon niya para labanan ang mga kaaway ng Israel. Dahil dito, naprotektahan niya ang mga hangganan ng teritoryo ng Juda.—1 Sam. 27:1-12.
9 Ano ang matututuhan ng mga kabataang brother kay David? Gamitin ang mga pagkakataong mayroon kayo para maglingkod sa mga kapatid. Tingnan ang halimbawa ng brother na si Ricardo. * Noong kabataan pa siya, gustong-gusto niyang maging regular pioneer. Pero sinabi ng mga elder na hindi pa siya handa. Imbes na sumamâ ang loob at sumuko, naging mas abala siya sa ministeryo. Sinabi niya: “Kapag naaalala ko iyon, naiisip ko na kailangan ko iyon para sumulong ako. Nagpokus ako sa pagdalaw-muli at naghahanda ako sa bawat RV ko. Nakapagpasimula na rin ako ng pag-aaral sa Bibliya. Habang mas nagpopokus ako sa pangangaral, mas lumalakas ang loob ko.” Regular pioneer na ngayon si Ricardo at isa nang ministeryal na lingkod.
10. Ano ang ginawa ni David bago siya gumawa ng isang mahalagang desisyon?
10 Tingnan ang isa pang pangyayari sa buhay ni David. Noong nagtatago siya at ang mga kasama niya mula kay Saul, iniwan nila ang mga pamilya nila para pumunta sa isang labanan. Habang nasa labanan, sinalakay ng mga kaaway ang bahay nila at binihag ang pamilya nila. Kung tutuosin, kayang gumawa ng magandang plano ni David para iligtas ang mga bihag kasi isa siyang makaranasang mandirigma. Pero humingi ng tulong si David kay Jehova. Sa tulong ng saserdoteng si Abiatar, nagtanong si David kay Jehova: “Hahabulin ko po ba ang grupong ito ng mga mandarambong?” Pumayag si Jehova na gawin niya ito, at tiniyak Niya na magtatagumpay si David. (1 Sam. 30:7-10) Ano ang matututuhan mo sa pangyayaring ito?
11. Ano ang dapat mong gawin bago ka gumawa ng mga desisyon?
Efe. 4:8) Makikinabang ka rin kung tutularan mo ang pananampalataya nila at makikinig ka sa mga payo nila sa iyo. Talakayin naman natin ngayon ang matututuhan natin kay Haring Asa.
11 Humingi ng payo sa iba bago ka gumawa ng mga desisyon. Magtanong sa mga magulang mo. Makakatulong din kung lalapit ka sa mga makaranasang elder. Pinagkatiwalaan sila ni Jehova, kaya makakapagtiwala ka rin sa kanila. Mga “regalo” sila ni Jehova sa kongregasyon. (MATUTO KAY HARING ASA
12. Ano ang mga katangian ni Haring Asa nang magsimula siyang maghari?
12 Noong kabataan pa si Haring Asa, mapagpakumbaba siya at malakas ang loob. Halimbawa, nang palitan niya ang tatay niyang si Abias sa paghahari, gumawa siya ng kampanya laban sa idolatriya. “Sinabi rin niya sa Juda na hanapin si Jehova na Diyos ng mga ninuno nila at sundin ang Kautusan at ang mga batas.” (2 Cro. 14:1-7) At nang lusubin ni Zera na Etiope ang Juda kasama ang 1,000,000 mandirigma, humingi ng tulong si Asa kay Jehova at sinabi: “O Jehova, matutulungan mo kahit sino, marami man sila o mahina. Diyos naming Jehova, tulungan mo kami, dahil umaasa kami sa iyo.” Kitang-kita sa mga salita ni Asa na umasa siya sa kakayahan ni Jehova na iligtas siya at ang mga sakop niya. Nagtiwala si Asa sa kaniyang Ama sa langit, at “tinalo ni Jehova ang mga Etiope.”—2 Cro. 14:8-12.
13. Sa paglipas ng panahon, ano ang nangyari kay Asa, at bakit?
13 Nakakatakot nga naman kung mapaharap ka sa 1,000,000 mandirigma, pero dahil umasa si Asa kay Jehova, nagtagumpay siya. Pero nang magkaroon ng maliit na problema si Asa, nakakalungkot, hindi siya lumapit kay Jehova. Nang pagbantaan siya ng hari ng Israel na si Baasa, humingi siya ng tulong sa hari ng Sirya. Dahil doon, napahamak siya! Ginamit ni Jehova si propeta Hanani para sabihin kay Asa: “Dahil umasa ka sa hari ng Sirya at hindi ka umasa sa Diyos mong si Jehova, nakatakas mula sa kamay mo ang hukbo ng hari ng Sirya.” At mula noon, lagi nang nakikipagdigma si Asa. (2 Cro. 16:7, 9; 1 Hari 15:32) Ano ang matututuhan natin dito?
14. Paano mo maipapakitang nagtitiwala ka kay Jehova, at ano ang magiging resulta nito ayon sa 1 Timoteo 4:12?
Kaw. 3:5, 6) Kung gagawin mo iyan, mapapasaya mo si Jehova at makukuha mo ang respeto ng mga kapatid sa kongregasyon.—Basahin ang 1 Timoteo 4:12.
14 Manatiling mapagpakumbaba at laging magtiwala kay Jehova. Nang mabautismuhan ka, ipinakita mo ang pananampalataya mo at pagtitiwala kay Jehova. At ipinagkatiwala sa iyo ni Jehova ang pribilehiyo na maging bahagi ng pamilya niya. Ang kailangan mong gawin ngayon ay laging magtiwala kay Jehova. Baka madaling gawin iyan kapag napaharap ka sa malalaking desisyon, pero paano naman sa iba pang bagay? Napakahalaga na magtiwala kay Jehova kapag gumagawa ng mga desisyon, kasama na dito ang pagpili ng libangan, trabaho, at tunguhin sa buhay! Huwag magtiwala sa mga bagay na alam mo. Humanap ng mga prinsipyo sa Bibliya na bagay sa kalagayan mo, at sundin iyon. (MATUTO KAY HARING JEHOSAPAT
15. Ayon sa 2 Cronica 18:1-3; 19:2, ano ang mga nagawang pagkakamali ni Haring Jehosapat?
15 Siyempre, walang perpekto sa atin. Kaya minsan, puwede kang makagawa ng pagkakamali. Pero hindi ito dapat makapigil sa iyo na gawin ang makakaya mo para paglingkuran si Jehova. Tingnan ang halimbawa ni Haring Jehosapat. Marami siyang magagandang katangian. Bilang kabataan, “pinaglingkuran niya ang Diyos ng kaniyang ama at sinunod niya ang Kaniyang utos.” Ipinadala rin niya ang matataas na opisyal sa mga lunsod ng Juda para turuan ang bayan tungkol kay Jehova. (2 Cro. 17:4, 7) Pero kahit may magaganda siyang ginawa, may mga pagkakataong nakagawa rin si Jehosapat ng maling desisyon. Sinaway pa nga siya ng isang inatasan ni Jehova dahil sa isang maling desisyon niya. (Basahin ang 2 Cronica 18:1-3; 19:2.) Ano ang matututuhan natin sa ulat na ito?
16. Ano ang matututuhan natin sa karanasan ni Rajeev?
16 Tanggapin at sundin ang payo. Gaya ng ibang kabataan, baka nahihirapan ka ring gawing priyoridad ang paglilingkod kay Jehova. Huwag kang panghinaan ng loob. Tingnan ang karanasan ng brother na si Rajeev. Sinabi niya ang pakiramdam niya noong kabataan pa siya: “Hindi ko alam 1 Timoteo 4:8.” Tinanggap ni Rajeev ang payong ito at pinag-isipan kung ano ang priyoridad niya sa buhay. Sinabi niya: “Nagpasiya akong unahin ang paglilingkod kay Jehova.” Ano ang resulta? “Ilang taon matapos akong payuhan,” ang sabi ni Rajeev, “naging ministeryal na lingkod ako.”
kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Gaya ng ibang kabataan, mas interesado ako sa sports at mas gusto kong magsaya kaysa pumunta sa mga pulong o magministeryo.” Ano ang nakatulong kay Rajeev? Pinayuhan siya ng isang nagmamalasakit na elder. Sinabi ni Rajeev: “Tinulungan niya akong maintindihan ang prinsipyo saPASAYAHIN ANG IYONG AMA SA LANGIT
17. Ano ang nadarama ng mga may-edad kapag nakikita nilang naglilingkod kay Jehova ang mga kabataang brother?
17 Pinapahalagahan ng mga may-edad ang mga kabataan na kasama nilang naglilingkod “nang balikatan” kay Jehova! (Zef. 3:9) Masaya sila kapag nakikita ka nilang masigasig at masiglang ginagawa ang iyong mga atas. Siguradong tuwang-tuwa sila sa iyo.—1 Juan 2:14.
18. Ayon sa Kawikaan 27:11, ano ang nadarama ni Jehova kapag naglilingkod sa kaniya ang mga kabataang brother?
18 Mga kabataang brother, lagi ninyong tandaan na mahal na mahal kayo ni Jehova at nagtitiwala siya sa inyo. Inihula niya na sa mga huling araw, magkakaroon ng hukbo ng mga kabataan na kusang-loob na ihahandog ang kanilang sarili. (Awit 110:1-3) Alam niyang mahal ninyo siya at gusto ninyo siyang paglingkuran sa abot ng inyong makakaya. Kaya matiyagang maghintay. At kapag nagkamali ka, tanggapin ang pagsasanay at disiplina na ibinigay sa iyo at ituring ito na galing kay Jehova. (Heb. 12:6) Masikap na gawin ang mga atas na ibinigay sa iyo. Higit sa lahat, pasayahin ang iyong Ama sa langit sa lahat ng ginagawa mo.—Basahin ang Kawikaan 27:11.
AWIT 135 “Magpakarunong Ka, Anak Ko”
^ par. 5 Habang sumusulong sa espirituwal ang mga kabataang brother, lalo silang nagsisikap na paglingkuran si Jehova. Para maging kuwalipikado bilang ministeryal na lingkod, kailangan nilang makuha at mapanatili ang respeto ng mga kapatid sa kongregasyon. Paano nila ito magagawa?
^ par. 9 Binago ang ilang pangalan.