Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tip sa Pag-aaral

Tip sa Pag-aaral

Gamitin ang Seksiyong “Ano’ng Bago?”

Makikita sa seksiyong “Ano’ng Bago?” sa JW Library® at jw.org ang latest na mga video at artikulo. Tutulong sa iyo ang seksiyong ito para maging updated.

JW Library

  • Nagkakaroon ng update ang mga serye ng artikulo kapag may bagong artikulo. Kaya kapag may lumitaw na isang serye ng artikulo sa seksiyong “Ano’ng Bago?” puwede mo nang ma-download ang pinakabagong bersiyon ng seryeng iyon. Mababasa mo ang bagong artikulo sa pinakaunahan ng listahan na nakaayos ayon sa petsa.

  • Baka hindi mo mabasa nang minsanan ang mahahabang publikasyon, gaya ng magasin. Para madali mo itong mabuksan sa susunod, ilagay ito sa Favorites hanggang sa matapos mo itong basahin.

JW.ORG

May ilang impormasyon, gaya ng mga balita at patalastas, na makikita lang sa jw.org website, at wala sa JW Library. Laging tingnan ang “Ano’ng Bago?” sa website para makita ang latest na mga artikulo.