Kung Bakit ‘Patuloy Tayong Namumunga ng Marami’
“Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami at pinatutunayan ninyong kayo ay aking mga alagad.”—JUAN 15:8.
1, 2. (a) Bago mamatay si Jesus, anong impormasyon ang ibinahagi niya sa mga alagad niya? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) (b) Bakit mahalagang tandaan kung bakit tayo nangangaral? (c) Ano ang tatalakayin natin?
NOONG gabi bago mamatay si Jesus, matagal niyang kinausap ang kaniyang mga apostol at tiniyak niyang mahal na mahal niya sila. Binanggit din niya ang ilustrasyon tungkol sa punong ubas, gaya ng tinalakay natin sa naunang artikulo. Gamit ang ilustrasyong iyon, pinasigla ni Jesus ang mga alagad niya na ‘patuloy na mamunga ng marami’—na magbata sa pangangaral ng mensahe ng Kaharian.—Juan 15:8.
2 Pero hindi lang sinabi ni Jesus sa mga alagad niya kung ano ang kailangan nilang gawin kundi kung bakit dapat nilang gawin iyon. Nagbigay siya ng mga dahilan kung bakit dapat silang mangaral. Bakit mahalagang isaalang-alang natin ang mga ito? Kapag natatandaan natin ang dahilan kung bakit patuloy tayong nangangaral, napasisigla tayo nitong magbata habang ‘nagpapatotoo sa lahat ng mga bansa.’ (Mat. 24:13, 14) Kaya talakayin natin ang apat na makakasulatang dahilan kung bakit tayo nangangaral. Aalamin din natin ang apat na regalo mula kay Jehova na tutulong sa ating magbunga nang may pagbabata.
NILULUWALHATI NATIN SI JEHOVA
3. (a) Ayon sa Juan 15:8, ano ang dahilan kung bakit tayo nangangaral? (b) Ano ang inilalarawan ng ubas sa ilustrasyon ni Jesus, at bakit angkop ang paglalarawang ito?
3 Ang pangunahing dahilan kung bakit tayo nangangaral ay para luwalhatiin si Jehova at pakabanalin ang pangalan niya. (Basahin ang Juan 15:1, 8.) Pansinin na itinulad ni Jesus ang kaniyang Ama, si Jehova, sa isang tagapagsaka, o hardinero, na nag-aalaga ng ubas. Itinulad ni Jesus ang sarili niya sa punong ubas, o tangkay, at ang mga tagasunod niya sa mga sanga. (Juan 15:5) Kaya ang ubas ay angkop na lumalarawan sa bunga ng Kaharian na iniluluwal ng mga tagasunod ni Kristo. Sinabi ni Jesus sa mga apostol niya: “Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami.” Ang punong ubas na nagluluwal ng mabubuting ubas ay nagpaparangal sa tagapagsaka, kaya napararangalan din natin o naluluwalhati si Jehova kapag ipinahahayag natin ang mensahe ng Kaharian sa abot ng ating makakaya.—Mat. 25:20-23.
4. (a) Paano natin napababanal ang pangalan ng Diyos? (b) Ano ang nadarama mo sa pribilehiyong pabanalin ang pangalan ng Diyos?
4 Paano napababanal ng ating pangangaral ang pangalan ng Diyos? Hindi na natin puwedeng mas pabanalin pa ang pangalan ng Diyos. Banal na ito, o sagrado, sa ganap na diwa. Pero pansinin ang sinabi ni propeta Isaias: “Si Jehova ng mga hukbo—siya ang Isa na dapat ninyong ituring na banal.” (Isa. 8:13) Ang isang paraan para mapabanal ang pangalan ng Diyos ay kung ituturing natin itong pinakadakila sa lahat ng pangalan at kung tutulungan natin ang iba na ituring din itong banal. (Mat. 6:9) Halimbawa, kapag inihahayag natin ang katotohanan tungkol sa magagandang katangian ni Jehova at sa kaniyang di-nagbabagong layunin para sa tao, ipinagtatanggol natin ang pangalan ng Diyos laban sa mga kasinungalingan at paninirang-puri ni Satanas. (Gen. 3:1-5) Napababanal din natin ang pangalan ng Diyos kapag sinisikap nating tulungan ang mga tao na makitang si Jehova ang karapat-dapat “tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan.” (Apoc. 4:11) Sinabi ni Rune, na 16 na taon nang payunir: “Nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong magpatotoo tungkol sa Maylalang ng uniberso. Kaya naman patuloy akong nangangaral.”
MAHAL NATIN SI JEHOVA AT ANG KANIYANG ANAK
5. (a) Ayon sa Juan 15:9, 10, ano ang dahilan kung bakit tayo nangangaral? (b) Paano idiniin ni Jesus ang pangangailangang magbata?
5 Basahin ang Juan 15:9, 10. Ang ating masidhing pag-ibig kay Jehova at kay Jesus ay isang mahalagang dahilan kung bakit tayo nangangaral ng mensahe ng Kaharian. (Mar. 12:30; Juan 14:15) Sinabi ni Jesus sa mga alagad niya na huwag lang basta mapasa kaniyang pag-ibig kundi ‘manatili sa kaniyang pag-ibig.’ Bakit? Dahil ang pagiging tunay na alagad ni Kristo ay nangangailangan ng pagbabata. Idiniin ni Jesus ang pangangailangang magbata nang gamitin niya nang paulit-ulit ang iba’t ibang anyo ng salitang “manatili” sa Juan 15:4-10.
6. Paano natin maipakikitang gusto nating manatili sa pag-ibig ni Kristo?
6 Paano natin maipakikitang gusto nating manatili sa pag-ibig ni Kristo at patuloy na makamit ang kaniyang pagsang-ayon? Kung susundin natin ang mga utos ni Jesus. Sinabi ni Jesus, ‘Maging masunurin kayo sa akin.’ Pero ang ipinagagawa lang sa atin ni Jesus ay kung ano ang ginawa niya, dahil sinabi pa niya: “Kung paanong tinupad ko ang mga utos ng Ama at nananatili sa kaniyang pag-ibig.” Nagpakita si Jesus ng halimbawa.—Juan 13:15.
7. Ano ang kaugnayan ng pagkamasunurin at pag-ibig?
7 Tungkol sa kaugnayan ng pagkamasunurin at pag-ibig, sinabi ni Jesus sa mga apostol niya: “Siya na nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad sa mga iyon, ang isang iyon ang Juan 14:21) Bukod diyan, kapag sinusunod natin ang utos ni Jesus na humayo at mangaral, ipinakikita rin natin na mahal natin ang Diyos dahil ang mga utos ni Jesus ay mula sa kaniyang Ama. (Mat. 17:5; Juan 8:28) Dahil sa ipinakikita nating pag-ibig, pinananatili tayo ni Jehova at ni Jesus sa kanilang pag-ibig.
siyang umiibig sa akin.” (BINIBIGYAN NATIN NG BABALA ANG MGA TAO
8, 9. (a) Ano ang isa pang dahilan kung bakit tayo nangangaral? (b) Bakit ang pananalita ni Jehova sa Ezekiel 3:18, 19 at 18:23 ay nagpapasigla sa atin na patuloy na mangaral?
8 May isa pang dahilan kung bakit patuloy tayong nangangaral. Nangangaral tayo para magbigay ng babala. Sa Bibliya, inilalarawan si Noe bilang “mangangaral.” (Basahin ang 2 Pedro 2:5.) Noong nangangaral siya bago ang Baha, nagbibigay rin siya ng babala tungkol sa nalalapit na pagkapuksa. Bakit natin nasabi iyan? Pansinin ang sinabi ni Jesus: “Sapagkat gaya nila noong mga araw na iyon bago ang baha, na kumakain at umiinom, ang mga lalaki ay nag-aasawa at ang mga babae ay ibinibigay sa pag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka; at hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat, magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao.” (Mat. 24:38, 39) Kahit hindi nakinig ang mga tao kay Noe, nagpatuloy pa rin siya sa pagbibigay ng babala.
9 Sa ngayon, ipinangangaral natin ang mensahe ng Kaharian para bigyan ng pagkakataon ang mga tao na matuto tungkol sa kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Gaya ni Jehova, gustong-gusto rin nating tumugon ang mga tao at ‘patuloy na mabuhay.’ (Ezek. 18:23) Kasabay ng pangangaral sa bahay-bahay at sa pampublikong lugar, nagbababala rin tayo sa maraming tao hangga’t maaari na darating ang Kaharian ng Diyos at wawakasan nito ang di-makadiyos na sanlibutang ito.—Ezek. 3:18, 19; Dan. 2:44; Apoc. 14:6, 7.
MAHAL NATIN ANG ATING KAPUWA
10. (a) Ayon sa Mateo 22:39, ano ang dahilan kung bakit tayo nangangaral? (b) Ilahad kung paano tinulungan nina Pablo at Silas ang isang tagapagbilanggo sa Filipos.
10 Mayroon pang isang mahalagang dahilan kung bakit patuloy tayong nangangaral. Nangangaral tayo dahil mahal natin ang ating kapuwa. (Mat. 22:39) Ang pag-ibig na iyan ang dahilan kung bakit tayo nagbabata sa pangangaral, na iniisip nating baka magbago ang mga tao kapag nagbago ang kalagayan nila. Pansinin ang naranasan ni apostol Pablo at ng kasama niyang si Silas. Nabilanggo sila dahil sa mga mananalansang sa lunsod ng Filipos. Pagkatapos, sa kalagitnaan ng gabi, biglang niyanig ng lindol ang bilangguan at nabuksan ang mga pinto nito. Natakot ang tagapagbilanggo na baka nakatakas ang mga bilanggo, kaya magpapakamatay na sana siya. Pero sumigaw si Pablo: “Huwag mong saktan ang iyong sarili!” Nagtanong ang nababahalang tagapagbilanggo: “Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?” Sinabi nila: “Maniwala ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka.”—Gawa 16:25-34.
11, 12. (a) Ano ang kaugnayan sa ating pangangaral ng ulat tungkol sa tagapagbilanggo? (b) Ano ang tinitiyak ng patuloy nating pangangaral?
11 Ano ang kaugnayan sa ating pangangaral ng ulat tungkol sa tagapagbilanggo? Isipin ito:
Nagbago lang ang tagapagbilanggo at humingi ng tulong matapos lumindol. Sa katulad na paraan, ang ilang indibiduwal sa ngayon na hindi tumugon sa mensahe ng Bibliya ay baka magbago at humingi ng tulong kapag biglang niyanig ng lindol, wika nga, ang kanilang buhay. Halimbawa, ang ilan sa ating teritoryo ay baka tulala dahil bigla silang nawalan ng trabaho. Ang iba ay baka nadedepres dahil nagkahiwalay silang mag-asawa. Ang iba naman ay tuliro dahil natuklasang mayroon silang malubhang sakit, o baka nanlulumo dahil sa pagkamatay ng mahal sa buhay. Kapag nangyari ang mga ito, posibleng magtanong ang ilan kung ano ang kahulugan ng buhay na minsan nilang binale-wala. Baka itanong pa nga nila, ‘Ano ang dapat kong gawin para maligtas?’ Kapag natagpuan natin sila, baka makinig na sila sa mensahe ng pag-asa.12 Kaya naman sa patuloy nating pangangaral, tinitiyak nating naroroon tayo para patibayin ang mga tao sa panahong handa na silang makinig. (Isa. 61:1) Sinabi ni Charlotte, na 38 taon na sa buong-panahong paglilingkod: “Hindi alam ng mga tao sa ngayon kung ano ang gagawin nila. Kailangan nilang marinig ang mabuting balita.” Sinabi naman ni Ejvor, na 34 na taon nang payunir: “Mas desperado ang mga tao sa ngayon. Gustong-gusto ko silang tulungan kaya ako nangangaral.” Ang pag-ibig sa kapuwa ay isa ngang napakagandang dahilan para patuloy tayong mangaral!
MGA REGALONG TUTULONG SA ATIN NA MAGBATA
13, 14. (a) Anong regalo ang binabanggit sa Juan 15:11? (b) Paano mapapasaatin ang kagalakan ni Jesus? (c) Paano nakaaapekto ang kagalakan sa ating ministeryo?
13 Noong gabi bago mamatay si Jesus, binanggit din niya sa kaniyang mga apostol ang ilang regalo na tutulong sa kanilang mamunga nang may pagbabata. Ano ang mga regalong ito, at paano tayo makikinabang dito?
14 Kagalakan. Pabigat ba ang pagsunod sa utos ni Jesus na mangaral? Hindi. Matapos banggitin ang ilustrasyon tungkol sa punong ubas, sinabi ni Jesus na makadarama ng kagalakan ang mga mángangarál ng Kaharian. (Basahin ang Juan 15:11.) Sa katunayan, tiniyak ni Jesus na mapapasaatin ang kagalakan niya. Paano? Gaya ng nabanggit na, itinulad ni Jesus ang sarili niya sa punong ubas at ang mga alagad naman sa mga sanga. Pinatitibay ng punong ubas ang mga sanga. Hangga’t nakakabit ang mga sanga sa punong ubas, makakakuha ito ng tubig at sustansiya mula rito. Sa katulad na paraan, hangga’t nananatili tayong kaisa ni Kristo sa pamamagitan ng maingat na pagsunod sa kaniyang mga yapak, madarama rin natin ang kagalakang nadama niya sa paggawa ng kalooban ng kaniyang Ama. (Juan 4:34; 17:13; 1 Ped. 2:21) Sinabi ni Hanne, na mahigit 40 taon nang payunir: “Ang kagalakang nadarama ko sa tuwing nakikibahagi ako sa ministeryo ang nagpapasigla sa aking magpatuloy sa paglilingkod kay Jehova.” Oo, nakatutulong ang masidhing kagalakan para patuloy tayong makapangaral kahit sa mga teritoryong walang gaanong tumutugon.—Mat. 5:10-12.
15. (a) Anong regalo ang binabanggit sa Juan 14:27? (b) Paano tayo tinutulungan ng kapayapaan para patuloy na mamunga?
15 Kapayapaan. (Basahin ang Juan 14:27.) Bago ang huling gabi ni Jesus, sinabi niya sa kaniyang mga apostol: “Ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan.” Paano tayo tinutulungan ng kapayapaan ni Jesus na mamunga? Kapag nagbabata tayo, nakadarama tayo ng namamalaging kapayapaan dahil alam nating sinasang-ayunan tayo ni Jehova at ni Jesus. (Awit 149:4; Roma 5:3, 4; Col. 3:15) Sinabi ni Ulf, na 45 taon na sa buong-panahong paglilingkod: “Nakakapagod ang pangangaral, pero nagdudulot ito ng tunay na kaligayahan at makabuluhang buhay.” Talagang nagpapasalamat tayo dahil pinagpala tayo ng namamalaging kapayapaan!
16. (a) Anong regalo ang binabanggit sa Juan 15:15? (b) Paano mananatiling kaibigan ni Jesus ang mga apostol?
Juan 15:11-13) Pagkatapos, sinabi niya: “Tinawag ko na kayong mga kaibigan.” Isa ngang napakahalagang regalo—ang maging kaibigan ni Jesus! Ano ang dapat gawin ng mga apostol para manatiling kaibigan niya? Dapat silang “humayo at patuloy na mamunga.” (Basahin ang Juan 15:14-16.) Mga dalawang taon patiuna, tinagubilinan ni Jesus ang mga apostol niya: “Samantalang humahayo kayo, mangaral, na sinasabi, ‘Ang kaharian ng langit ay malapit na.’” (Mat. 10:7) Kaya noong huling gabing iyon, pinasigla niya silang magbata sa gawain na kanilang sinimulan. (Mat. 24:13; Mar. 3:14) Ang pagsunod sa utos ni Jesus ay hindi madali, pero puwede silang magtagumpay—at manatiling kaibigan niya. Paano? Sa tulong ng isa pang regalo.
16 Pakikipagkaibigan. Matapos banggitin ni Jesus ang pagnanais niyang “malubos” ang kagalakang nadarama ng mga apostol, ipinaliwanag niya sa kanila ang kahalagahan ng pagpapakita ng mapagsakripisyong pag-ibig. (17, 18. (a) Anong regalo ang binabanggit sa Juan 15:16? (b) Paano nakatulong sa mga alagad ni Jesus ang regalong ito? (c) Anong mga regalo ang nagpapatibay sa atin sa ngayon?
17 Sinagot na mga panalangin. Sinabi ni Jesus: “Anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay [ibibigay] niya sa inyo.” (Juan 15:16) Tiyak na napatibay ng pangakong ito ang mga apostol! * Kahit hindi nila lubusang nauunawaan na malapit nang mamatay ang kanilang Lider dito sa lupa, hindi ibig sabihin nito na mapapabayaan na sila. Handang sagutin ni Jehova ang kanilang mga panalangin. Ibibigay niya ang anumang kailangan nila para magampanan ang utos na ipangaral ang mensahe ng Kaharian. Di-nagtagal, nakita nila na talagang sinagot ni Jehova ang paghingi nila ng tulong sa panalangin.—Gawa 4:29, 31.
18 Totoo rin iyan sa ngayon. Habang nagbubunga tayo nang may pagbabata, nasisiyahan tayong maging kaibigan ni Jesus. Makatitiyak din tayong handang sagutin ni Jehova ang ating mga panalangin para mapagtagumpayan ang mga hadlang na posibleng mapaharap sa atin habang nangangaral tayo ng mabuting balita ng Kaharian. (Fil. 4:13) Kay laking pasasalamat natin dahil sinasagot ang ating mga panalangin at dahil kaibigan tayo ni Jesus! Ang mga regalong ito ni Jehova ay nagpapatibay sa atin na patuloy na mamunga.—Sant. 1:17.
19. (a) Bakit patuloy tayong nangangaral? (b) Ano ang tutulong sa atin na matapos ang gawain ng Diyos?
19 Gaya ng tinalakay sa artikulong ito, patuloy tayong nangangaral para luwalhatiin si Jehova at pabanalin ang pangalan niya, para ipakitang mahal natin si Jehova at si Jesus, para magbigay ng babala, at para ipakitang mahal natin ang ating kapuwa. Bukod diyan, pinatitibay rin tayo ng mga regalong kagalakan, kapayapaan, pakikipagkaibigan, at sinagot na mga panalangin para matapos ang gawain ng Diyos. Tiyak na tuwang-tuwa si Jehova habang nakikita niyang ibinibigay natin ang ating buong makakaya para ‘patuloy na mamunga ng marami’!
^ par. 17 Habang kinakausap ni Jesus ang kaniyang mga apostol, paulit-ulit niyang tiniyak sa kanila na sasagutin ang kanilang mga panalangin.—Juan 14:13; 15:7, 16; 16:23.