ARALING ARTIKULO 21
Huwag Magpadaya sa “Karunungan ng Sanlibutang Ito”
“Ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa Diyos.”—1 COR. 3:19.
AWIT 98 Ang Kasulatan—Nagmula sa Diyos
NILALAMAN *
1. Ano ang itinuturo sa atin ng Salita ng Diyos?
KAYA nating harapin ang anumang problema—dahil si Jehova ang ating Dakilang Tagapagturo. (Isa. 30:20, 21) Itinuturo ng Salita niya ang lahat ng kailangan natin para maging “lubos na may kakayahan” at “handang-handa para sa bawat mabuting gawa.” (2 Tim. 3:17) Kapag namuhay tayo ayon sa mga turo ng Bibliya, mas magiging marunong tayo kaysa sa mga nagtataguyod ng “karunungan ng sanlibutang ito.”—1 Cor. 3:19; Awit 119:97-100.
2. Ano ang susuriin natin sa artikulong ito?
2 Madali tayong maakit sa karunungan ng sanlibutan, gaya ng tatalakayin sa artikulong ito. Kaya baka mahirapan tayong iwasan ang kaisipan at gawain ng mga tagasanlibutan. Sinasabi ng Bibliya: “Maging mapagbantay kayo para walang bumihag sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at mapanlinlang at walang-saysay na mga ideya na ayon sa mga tradisyon ng tao.” (Col. 2:8) Sa artikulong ito, susuriin natin kung paano naging popular ang dalawang mapanlinlang at walang-saysay na mga ideya, o kasinungalingan, ng sanlibutan. Makikita natin dito kung bakit kamangmangan ang karunungan ng sanlibutan at kung bakit nakahihigit ang karunungan ng Salita ng Diyos.
NAGBAGONG PANANAW SA MORALIDAD
3-4. Anong mga pagbabago sa pananaw sa moralidad ang nangyari sa United States sa pasimula ng ika-20 siglo?
3 Sa United States, sa pasimula ng ika-20 siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa pananaw ng tao sa moralidad. Noon,
naniniwala ang marami na para lang sa mag-asawa ang sex at hindi ito dapat pag-usapan sa publiko. Pero bumagsak ang mga pamantayang iyon at nagagawa na ng mga tao ang kahit anong gusto nila pagdating sa sex.4 Ang dekada ’20 ay tinawag na Roaring Twenties, at sa panahong ito, napakalaki ng ipinagbago ng pananaw ng tao sa moralidad. “Madalas itampok sa mga pelikula, stage play, kanta, nobela, at mga advertisement ang tungkol sa sex,” ang sabi ng isang mananaliksik. Noong dekadang iyon, naging mahalay ang istilo ng pagsasayaw at pananamit ng mga tao. Gaya ng inihula ng Bibliya tungkol sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging “maibigin sa kaluguran.”—2 Tim. 3:4.
5. Ano ang nangyari sa pananaw ng sanlibutan tungkol sa moralidad noong dekada ’60?
5 Noong dekada ’60, nauso na ang live-in, homoseksuwalidad, at diborsiyo. Naging mas mahalay ang pagtatampok ng sex sa mga entertainment. Ano ang resulta? Isang awtor ang nagsabi na dahil sa “pilipít na pamantayan sa sex na humuhubog ngayon sa mga tao,” maraming pamilya ang nawasak, nagkaroon ng mga nagsosolong magulang, may mga nasaktan, naging sugapa sa pornograpya, at iba pa. Ang pagkalat ng mga sakit na naililipat sa pagtatalik, gaya ng AIDS, ay isa lang sa mga indikasyong kamangmangan ang karunungan ng sanlibutan.—2 Ped. 2:19.
6. Dahil sa tingin ng sanlibutan sa sex, bakit masasabing natutupad ang gustong mangyari ni Satanas?
6 Dahil sa tingin ng sanlibutan sa sex, natutupad ang gustong mangyari ni Satanas. Tiyak na tuwang-tuwa siyang makitang nilalapastangan ng mga tao ang sex at ang pag-aasawa, na parehong regalo mula sa Diyos. (Efe. 2:2) Hindi lang dinurungisan ng seksuwal na imoralidad ang magandang regalo ng Diyos na pag-aanak. Puwede ring mawalan ng pag-asang mabuhay magpakailanman ang mga gumagawa nito.—1 Cor. 6:9, 10.
PANANAW NG BIBLIYA SA SEKSUWAL NA MORALIDAD
7-8. Anong marangal at tamang pananaw sa sex ang itinuturo ng Bibliya?
7 Pinagtatawanan ng mga taong nakikinig sa karunungan ng sanlibutan ang pamantayan ng Bibliya sa moralidad. Para sa kanila, imposible itong masunod. Baka itinatanong nila, ‘Bakit pa tayo nilalang ng Diyos na may pagnanasa kung uutusan din lang tayo na pigilin iyon?’ Akala kasi nila, kapag nakaramdam sila nito, Col. 3:5) Bukod diyan, nagbigay si Jehova ng kaloob na pag-aasawa, isang kaayusan para masapatan ang ating seksuwal na pagnanasa sa marangal na paraan. (1 Cor. 7:8, 9) Sa kaayusang iyan, puwedeng magtalik ang mag-asawa nang hindi nagsisisi at nag-aalala, na karaniwang resulta ng imoralidad.
hindi nila ito dapat kontrolin. Pero iba ang sinasabi ng Bibliya. Binibigyang-dangal tayo nito sa pagsasabing kung gugustuhin natin, puwede nating pigilin ang maling pagnanasa. (8 Di-gaya ng karunungan ng sanlibutan, ang Bibliya ay nagtuturo sa atin ng tamang pananaw sa sex. Sinasabi nito na ang sex ay nagbibigay ng kaligayahan. (Kaw. 5:18, 19) Pero sinasabi rin ng Bibliya: “Dapat na alam ng bawat isa sa inyo kung paano kontrolin ang kaniyang katawan para mapanatili itong banal at marangal, na hindi nagpapadala sa sakim at di-makontrol na seksuwal na pagnanasa, gaya ng ginagawa ng mga bansa na hindi nakakakilala sa Diyos.”—1 Tes. 4:4, 5.
9. (a) Paano napatibay ang bayan ni Jehova noong pasimula ng ika-20 siglo na sundin ang nakahihigit na karunungan ng Salita ng Diyos? (b) Anong matalinong payo ang mababasa sa 1 Juan 2:15, 16? (c) Ayon sa Roma 1:24-27, ano-anong imoral na gawain ang dapat nating iwasan?
9 Noong pasimula ng ika-20 siglo, ang bayan ng Diyos ay hindi nagpaimpluwensiya sa pananaw ng mga “hindi na . . . nakokonsensiya.” (Efe. 4:19) Sinisikap nilang sundin ang mga pamantayan ni Jehova. Sinasabi sa Mayo 15, 1926, Watch Tower na “ang isang lalaki o babae ay dapat na maging malinis at dalisay sa kanilang iniisip at ginagawa, lalo na pagdating sa mga di-kasekso.” Anuman ang ginagawa ng sanlibutang ito, ang bayan ni Jehova ay sumusunod pa rin sa nakahihigit na karunungan ng Salita ng Diyos. (Basahin ang 1 Juan 2:15, 16.) Laking pasasalamat natin sa Salita ng Diyos! Nagpapasalamat din tayo sa napapanahong espirituwal na pagkain mula kay Jehova. Tumutulong ito para hindi tayo madaya ng karunungan ng sanlibutan may kinalaman sa moralidad. *—Basahin ang Roma 1:24-27.
SOBRANG PAGPAPAHALAGA SA SARILI
10-11. Ano ang babala ng Bibliya na mangyayari sa mga huling araw?
10 Nagbabala ang Bibliya na sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging “maibigin sa sarili.” (2 Tim. 3:1, 2, tlb.) Kaya hindi na nakapagtatakang itinuturo ng sanlibutan ang pagiging makasarili. Isang reperensiya ang nagsabi na noong dekada ’70, “nagsulputan ang napakaraming aklat na nagpapayo kung paano magtatagumpay ang isang tao.” Sinasabi ng ilan sa mga aklat na ito na hindi dapat baguhin ng isang tao ang kaniyang sarili at isiping may mali sa kaniya. Halimbawa, tingnan ang sinabi sa isang aklat: “Mahalin mo ang pinakamaganda, pinaka-exciting, at pinakamagaling na tao sa mundo—ikaw iyon.” Sinasabi ng aklat na ito na gawin mo kung ano ang iniisip mong tama at kumbinyente sa iyo.
11 Narinig mo na ba ang kaisipang iyan? Ganiyan ang ipinagawa ni Satanas kay Eva noon. Sinabi niyang si Eva ay “magiging tulad . . . ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.” (Gen. 3:5) Sa ngayon, sobrang taas ang tingin ng marami sa kanilang sarili, kaya iniisip nilang walang sinuman ang puwedeng magsabi sa kanila ng tama at mali—kahit ang Diyos. Kitang-kita iyan sa pananaw ng mga tao sa pag-aasawa.
12. Ano ang pananaw ng sanlibutan sa pag-aasawa?
12 Iniuutos ng Bibliya sa mga mag-asawa na igalang nila ang isa’t isa at ang kanilang sinumpaang pangako. Pinapayuhan sila nito na manatiling magkasama. Sinasabi nito: “Iiwan ng Gen. 2:24) Iba naman ang pananaw ng mga naimpluwensiyahan ng sanlibutan. Sinasabi nilang dapat isipin ng isa ang sarili niyang kapakanan. “Sa ilang seremonya,” ang sabi ng isang aklat tungkol sa diborsiyo, “ang tradisyonal na sumpaan sa kasal na ‘habang tayo ay kapuwa nabubuhay’ ay pinalitan ng ‘habang tayo ay nagmamahalan.’” Dahil sa gayong mababaw na pananaw sa pag-aasawa, maraming pamilya ang nawasak at marami ang nasaktan. Isa ngang malaking kamangmangan ang pananaw ng sanlibutan sa pag-aasawa.
lalaki ang kaniyang ama at ina at mamumuhay kasama ng kaniyang asawang babae, at sila ay magiging isang laman.” (13. Bakit kinasusuklaman ni Jehova ang mga mapagmataas?
13 Sinasabi ng Bibliya: “Kasuklam-suklam kay Jehova ang sinumang mapagmataas ang puso.” (Kaw. 16:5) Bakit kinasusuklaman ni Jehova ang mga mapagmataas? Dahil ang mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili ay mga aroganteng gaya ni Satanas. Isipin na lang, pinayuyukod at pinasasamba ni Satanas sa kaniya si Jesus—ang ginamit ng Diyos sa paglalang sa lahat ng bagay! (Mat. 4:8, 9; Col. 1:15, 16) Ang mga taong iyon na sobrang nagpapahalaga sa sarili ay patunay na kamangmangan sa Diyos ang karunungan ng sanlibutan.
ANG PANANAW NG BIBLIYA SA PAGPAPAHALAGA SA SARILI
14. Paano tayo tinutulungan ng Roma 12:3 na magkaroon ng balanseng tingin sa sarili?
14 Tinutulungan tayo ng Bibliya na magkaroon ng balanseng tingin sa sarili. Ipinapakita nito na tama namang mahalin natin ang sarili natin. Sinabi ni Jesus: “Mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,” na nagpapahiwatig na dapat din nating isipin ang ating sarili. (Mat. 19:19) Pero hindi itinuturo sa atin ng Bibliya na iangat natin ang ating sarili sa iba. Sa halip, sinasabi nito: “Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil sa galit o pagmamataas. Sa halip, maging mapagpakumbaba at ituring ang iba na nakatataas sa inyo.”—Fil. 2:3; basahin ang Roma 12:3.
15. Bakit mo masasabing matalino ang payo ng Bibliya tungkol sa pagpapahalaga sa sarili?
15 Sa ngayon, ang payong iyan ng Bibliya ay pinagtatawanan ng maraming taong itinuturing na marunong. Sinasabi nilang kapag tiningnan daw natin ang iba bilang nakatataas sa atin, aapi-apihin nila tayo. Pero ano nga ba ang resulta ng pagiging makasarili na itinataguyod ng sanlibutan ni Satanas? Ano ang naoobserbahan mo? Masaya ba ang mga makasarili? Masaya ba ang pamilya nila? May tunay ba silang mga kaibigan? Malapít ba sila sa Diyos? Sa mga nakita mo, alin ang nagbibigay ng pinakamagandang resulta—pagsunod sa karunungan ng sanlibutang ito o sa karunungan ng Salita ng Diyos?
16-17. Ano ang ipinagpapasalamat natin, at bakit?
16 Ang mga taong nakikinig sa payo ng mga itinuturing ng sanlibutan na marunong ay gaya ng isang naliligaw na turistang nagtatanong ng direksiyon sa kapuwa niya turistang naliligaw rin. Ganito ang sinabi ni Jesus tungkol sa “marurunong” noong panahon niya: “Sila ay bulag na mga tagaakay. At kung isang taong bulag ang umaakay sa taong bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.” (Mat. 15:14) Oo, ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa Diyos.
17 Ang matalinong payo ng Bibliya ay palaging napapatunayang “kapaki-pakinabang sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid, at pagdidisiplina ayon sa katuwiran.” (2 Tim. 3:16) Mabuti na lang at iniingatan tayo ni Jehova mula sa karunungan ng sanlibutang ito sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon! (Efe. 4:14) Ang espirituwal na pagkaing inilalaan niya ang nagpapalakas sa atin para makapanindigan sa mga pamantayan ng kaniyang Salita. Iba talaga kapag ang maaasahang karunungan sa Bibliya ang sinusunod!
AWIT 54 “Ito ang Daan”
^ par. 5 Sa tulong ng artikulong ito, mas magiging kumbinsido tayong si Jehova lang ang Pinagmumulan ng maaasahang patnubay. Ipapakita rin nito na kapag karunungan ng sanlibutan ang sinunod natin, mapapahamak tayo, pero kapag karunungan ng Salita ng Diyos ang isinabuhay natin, makikinabang tayo.
^ par. 9 Halimbawa, tingnan ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1, kab. 24-26, at Tomo 2, kab. 4-5.
^ par. 50 LARAWAN: Ilang pagkakataon sa buhay ng isang mag-asawang Saksi. Ang mag-asawa habang nangangaral noong huling mga taon ng dekada ’60.
^ par. 52 LARAWAN: Ang asawang lalaki habang inaalagaan ang may-sakit niyang misis noong dekada ’80, at nakikita ito ng anak nila.
^ par. 54 LARAWAN: Sa ngayon, sinasariwa ng mag-asawa ang masasaya nilang alaala sa paglilingkod kay Jehova. Nakikisaya rin ang kanilang anak at ang pamilya nito.