ARALING ARTIKULO 22
Pagbutihin ang Iyong Personal na Pag-aaral
‘Tiyakin ninyo ang mas mahahalagang bagay.’—FIL. 1:10, tlb.
AWIT 35 Unahin ang mga Bagay na Mas Mahalaga
NILALAMAN *
1. Ano ang posibleng dahilan kung bakit walang ganang mag-aral ang ilan?
NAPAKAHIRAP kumita ng pera sa ngayon. Maraming kapatid ang nagtatrabaho nang maraming oras para makapaglaan sa kanilang pamilya. Ang iba ay nagbibiyahe nang matagal papunta sa trabaho at pauwi. Marami ang nagtatrabaho nang mano-mano. Kaya pag-uwi ng masisipag na kapatid na ito, pagod na pagod na sila at wala nang ganang mag-aral.
2. Tuwing kailan ka nag-aaral?
2 Pero ang totoo, dapat tayong maglaan ng oras para mag-aral—mag-aral na mabuti—ng Salita ng Diyos at ng ating salig-Bibliyang mga publikasyon. Mahalaga ito para maging malapít tayo kay Jehova at mabuhay nang walang hanggan! (1 Tim. 4:15) Ang ilan ay gumigising nang maaga araw-araw at nag-aaral habang tahimik pa sa bahay at relaks pa ang kanilang isip. Ang iba naman ay naglalaan ng ilang minuto bago matulog para mag-aral at magbulay-bulay.
3-4. Anong mga pagbabago ang ginawa may kinalaman sa dami ng materyal na inilalaan sa atin, at bakit?
3 Siguradong sasang-ayon ka na mahalagang maglaan ng oras para mag-aral. Pero ano ang dapat nating pag-aralan? Baka sabihin mo, ‘Ang dami nating publikasyon. Hindi ko kayang basahin lahat iyon.’ May mga kapatid na walang napapalampas na espirituwal na paglalaan, pero marami ang nahihirapang gawin iyan. Alam iyan ng Lupong Tagapamahala. Kaya naman kamakailan, nagbigay sila ng tagubilin na bawasan ang dami ng inilalaang materyal, nakaimprenta man ito o digital.
Fil. 1:10) Talakayin natin kung paano ka makapagpapasiya kung ano ang dapat mong unahin at kung paano ka makikinabang nang husto sa iyong personal na pag-aaral.
4 Halimbawa, hindi na tayo naglalathala ng Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova dahil marami nang nakapagpapatibay na karanasan sa jw.org® at sa JW Broadcasting®. Ang pampublikong edisyon ng mga magasing Bantayan at Gumising! ay tatlong beses na lang sa isang taon inilalathala. Ginawa ang mga pagbabagong ito hindi para magkaroon tayo ng panahon sa ibang bagay, kundi para magkaroon tayo ng panahon sa “mas mahahalagang bagay.” (MAGPASIYA KUNG ANO ANG UUNAHIN MO
5-6. Ano-ano ang dapat nating pag-aralang mabuti?
5 Ano ang dapat nating unahin sa pag-aaral? Siyempre, dapat nating basahin ang Salita ng Diyos araw-araw. Binawasan na ang haba ng nakaiskedyul na lingguhang pagbabasa ng Bibliya sa kongregasyon para mas mabulay-bulay natin ito at makapag-research pa tayo. Gusto nating hindi lang basta pasadahan ang mga teksto sa Bibliya kundi patagusin ito sa ating puso para maging mas malapít tayo kay Jehova.—Awit 19:14.
6 Ano pa ang dapat nating pag-aralang mabuti? Gusto rin nating maghanda para sa Pag-aaral sa Bantayan at sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya, pati na sa ibang bahagi ng pulong sa gitnang sanlinggo. At dapat din nating basahin ang bawat isyu ng Bantayan at Gumising!
7. Dapat ba tayong malungkot kung hindi natin mabasa o mapanood ang lahat ng nasa website natin at nasa JW Broadcasting?
7 Baka sabihin mo, ‘Okey, pero paano naman y’ong lahat ng nasa website nating jw.org at y’ong nasa JW Broadcasting? Marami ’yon!’ Pag-isipan ang ilustrasyong ito: Sa isang buffet, maraming masasarap na pagkain. Pero hindi matitikman ng mga kostumer ang lahat ng iyon. Kaya pumipili lang sila ng ilan. Parang ganiyan din pagdating sa mga materyal na nasa website natin at broadcasting. Hindi mo man mabasa o mapanood ang lahat ng nandoon, huwag kang malungkot. Basahin o panoorin kung ano lang ang kaya mo. Ngayon, talakayin naman natin kung paano mag-aaral at kung paano ka makikinabang nang husto sa pag-aaral.
KAILANGAN ANG TIYAGA SA PAG-AARAL
8. Ano-ano ang puwede nating gawin kapag nag-aaral ng Bantayan, at bakit kapaki-pakinabang ito?
8 Kapag nag-aaral, kailangan mong magpokus sa binabasa mo para may matutuhan ka. Huwag mo lang basta pasadahan ang materyal at guhitan ang sagot. Halimbawa, kapag naghahanda para sa Pag-aaral sa Bantayan, basahin muna ang Nilalaman (o, preview) sa umpisa ng artikulo. Pagkatapos, basahin at pag-isipan ang pamagat ng artikulo, pati ang mga subtitulo at mga tanong sa repaso. Saka mo ngayon basahing mabuti ang artikulo. Bigyang-pansin ang unang mga pangungusap sa bawat parapo. Karaniwan nang dito mo makikita kung ano ang tatalakayin sa parapo. Habang binabasa mo ang mga parapo, pag-isipan ang koneksiyon ng mga ito sa subtitulo at sa pinakatema ng artikulo. Isulat ang mga salita at puntong hindi pamilyar sa iyo at gusto mo pang i-research.
9. (a) Bakit at paano natin dapat pag-isipang mabuti ang mga teksto kapag nag-aaral ng Bantayan? (b) Gaya ng sinasabi sa Josue 1:8, ano pa ang dapat nating gawin matapos basahin ang mga teksto?
9 Ang Pag-aaral sa Bantayan ay pag-aaral ng Bibliya. Kaya pag-isipang mabuti ang mga teksto, lalo na ang mga babasahin kapag tinatalakay na sa kongregasyon ang artikulo. Josue 1:8.
Tingnan ang partikular na mga salita o parirala sa teksto na sumusuporta sa puntong pinalilitaw sa parapo. Gayundin, bulay-bulayin ang mga tekstong binabasa mo, at pag-isipan kung paano mo maisasabuhay ang mga ito.—Basahin ang10. Ayon sa simulain ng Hebreo 5:14, bakit dapat isama ng mga magulang sa kanilang Pampamilyang Pagsamba ang pagtuturo sa kanilang mga anak na mag-aral at mag-research?
10 Siyempre, gusto ng mga magulang na mag-enjoy ang mga anak nila sa kanilang Pampamilyang Pagsamba linggo-linggo, kaya dapat na lagi silang may nakahanda para dito. Pero hindi naman ibig sabihin na linggo-linggo silang magpaplano ng espesyal na activity o project. Totoo, puwedeng manood ng broadcasting sa Pampamilyang Pagsamba o paminsan-minsan ay gumawa ng project, gaya ng paggawa ng modelo ng arka ni Noe. Pero mahalaga rin na maturuan ng mga magulang ang mga anak kung paano mag-aral. Halimbawa, kailangan nilang matuto kung paano maghahanda sa pulong o magre-research tungkol sa isang problemang nararanasan nila sa paaralan. (Basahin ang Hebreo 5:14.) Kung sanay silang mag-aral ng Bibliya sa bahay, mas makakapagpokus sila sa mga tinatalakay sa pulong, asamblea, at kombensiyon, na kung minsan ay walang video. Siyempre, depende sa edad at personalidad ng mga anak kung gaano kahabang oras ang gagamitin ng mga magulang sa pagtuturo.
11. Bakit mahalagang turuan ang mga Bible study natin kung paano mag-aaral na mabuti nang sila lang?
11 Kailangan ding matutong mag-aral ang mga Bible study natin. Sa umpisa, natutuwa tayo kapag nakapaghanda sila at may guhit ang kanilang sagot para sa Bible study o sa pulong. Pero kailangan din natin silang turuang mag-research at mag-aral na mabuti nang sila lang. Sa gayon, kapag nagkaproblema sila, sa halip na humingi agad ng tulong sa mga kapatid kung ano ang gagawin, alam nila kung paano magre-research sa ating mga publikasyon para makakuha ng praktikal na mga payo.
MAG-ARAL NA MAY TUNGUHIN
12. Ano-ano ang puwede nating gawing tunguhin sa pag-aaral?
12 Kung hindi ka palaaral, baka iniisip mong imposibleng mag-enjoy ka sa pag-aaral. Pero puwede mo itong ma-enjoy. Sa umpisa, iklian mo lang ang pag-aaral, tapos, unti-unti mo na itong habaan. Magkaroon ng tunguhin. Siyempre, unang-una na diyan ang maging mas
malapít kay Jehova. At puwede rin nating gawing tunguhin ang pagsagot sa tanong ng nakausap natin sa ministeryo o pagre-research tungkol sa isang problemang kinakaharap natin.13. (a) Ipaliwanag ang mga puwedeng gawin ng isang estudyante para maipagtanggol ang paniniwala niya. (b) Paano mo masusunod ang payo sa Colosas 4:6?
13 Estudyante ka ba? Baka lahat ng kaklase mo ay naniniwala sa ebolusyon. Gusto mong ipagtanggol ang itinuturo ng Bibliya, pero baka pakiramdam mo, hindi mo kaya. Gawin mo itong project! Puwedeng dalawa ang tunguhin mo: (1) patibayin ang pananampalataya mo na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay at (2) maging mas mahusay sa pagtatanggol ng katotohanan. (Roma 1:20; 1 Ped. 3:15) Isipin mo muna, ‘Ano ba ang sinasabi ng mga kaklase ko para ipagtanggol ang ebolusyon?’ Pagkatapos, pag-aralan mong mabuti ang mga publikasyon natin. Baka hindi pala kasinghirap ng iniisip mo ang ipagtanggol ang iyong paniniwala. Karamihan ay naniniwala sa ebolusyon dahil iyon ang pinaniniwalaan ng mga taong nirerespeto nila. Kung may makikita kang kahit isa o dalawang punto, masasagot mo ang tanong ng isang taong gusto talagang malaman ang totoo.—Basahin ang Colosas 4:6.
PALALIMIN ANG INTERES NA MATUTO
14-16. (a) Paano mo mas maiintindihan ang isang aklat sa Bibliya na hindi gaanong pamilyar sa iyo? (b) Ipaliwanag kung paano mo mas maiintindihan ang aklat ng Amos sa tulong ng mga tekstong binanggit. (Tingnan din ang kahong “ Buhayin ang mga Eksena sa Bibliya!”)
14 Ipagpalagay na sa susunod na pulong, pag-aaralan ang isinulat ng isa sa tinatawag na mga pangalawahing propeta, at baka hindi ka gaanong pamilyar sa kaniya. Baka kailangan mo munang palalimin ang interes mo sa isinulat ng propetang iyon. Paano?
15 Una, isipin ito: ‘Ano ba ang alam ko tungkol sa manunulat na iyon ng Bibliya? Sino siya, saan siya nakatira, ano ang trabaho niya?’ Baka makatulong ang background ng manunulat para mas maintindihan mo ang mga salita at ilustrasyong ginamit niya. Habang binabasa mo ang aklat na isinulat niya, magkakaideya ka sa personalidad niya batay sa ilang pananalitang ginamit niya.
16 Makakatulong din kung aalamin mo kung kailan niya isinulat ang kaniyang aklat. Makikita mo iyan sa “Talaan ng mga Aklat sa Bibliya” sa likod ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Puwede mo ring tingnan ang chart ng mga propeta at hari sa Apendise A6. Kung ang aklat na pinag-aaralan mo ay tungkol sa mga hula, magandang alamin mo ang sitwasyon noong panahong isulat ito. Anong masasamang ugali o gawain ng mga tao noon ang gustong ituwid ng Diyos sa pamamagitan ng propeta? Sino-sino ang kasabayan niya? Para malaman ang buong sitwasyon, baka kailangan mong tingnan ang iba pang aklat sa Bibliya. Halimbawa, para mas maintindihan kung ano ang kalagayan noong panahon ni propeta Amos, magandang tingnan ang ilang teksto sa aklat ng 2 Hari at 2 Cronica, na mga marginal reference ng Amos 1:1. Puwede mo ring pag-aralan ang isinulat ni Oseas, na malamang ay kasabayan ni Amos. Lahat ng ito ay makakatulong para malaman mo ang sitwasyon noong panahon niya.—2 Hari 14:25-28; 2 Cro. 26:1-15; Os. 1:1-11; Amos 1:1.
TINGNAN ANG MGA DETALYE
17-18. Gamit ang mga halimbawa sa mga parapo o ang naiisip mong halimbawa, ipakita kung paano nagiging mas nakaka-enjoy ang pag-aaral ng Bibliya kapag tinitingnan kahit ang maliliit na detalye.
17 Nakakatulong din ang pagiging mausisa kapag nagbabasa ng Bibliya. Ipagpalagay na kabanata 12 ng Zacarias, na humula tungkol sa kamatayan ng Mesiyas. (Zac. 12:10) Pagdating sa talata 12, nabasa mo na “ang pamilya ng sambahayan ni Natan” ay hahagulgol sa pagkamatay ng Mesiyas. Imbes na basta makontento na lang na nabasa mo ang detalyeng iyon, mag-isip: ‘Ano ang kaugnayan ng sambahayan ni Natan sa Mesiyas? May iba pa bang impormasyon tungkol dito?’ Mag-imbestiga! Kapag tiningnan mo ang unang marginal reference, 2 Samuel 5:13, 14, makikita mo na si Natan ay anak ni Haring David; at sa ikalawa, Lucas 3:23, 31, malalaman mong si Jesus ay inapo ni Natan kay Maria. (Tingnan ang “Joseph, son of Heli,” study note sa Lucas 3:23.) Napaisip ka! Alam mong inihula na si Jesus ay magmumula kay David. (Mat. 22:42) Pero mahigit 20 ang anak na lalaki ni David. Ano ang masasabi mo na espesipikong tinukoy ni Zacarias ang sambahayan ni Natan na magdadalamhati sa pagkamatay ni Jesus?
binabasa mo ang18 Heto pa ang isang halimbawa. Sa unang kabanata ng Lucas, mababasa natin na dinalaw si Maria ng anghel na si Gabriel at sinabi nito na magkakaroon siya ng anak: “Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman.” (Luc. 1:32, 33) Baka magpokus lang tayo sa sinabi ni Gabriel na si Jesus ay tatawaging “Anak ng Kataas-taasan.” Pero inihula rin ni Gabriel na si Jesus ay maghahari. Paano kaya nakaapekto kay Maria ang sinabing iyon ni Gabriel? Naisip kaya niya na si Jesus ang papalit kay Haring Herodes o sa isa sa mga tagapagmana nito bilang tagapamahala sa Israel? Kung ganoon nga, si Maria ang magiging inang reyna, at ang pamilya nila ay titira sa palasyo. Pero walang ulat sa Bibliya na may binanggit na ganito si Maria kay Gabriel; wala rin tayong mababasa na humingi si Maria ng espesyal na posisyon sa Kaharian, gaya ng ginawa ng dalawa sa mga alagad ni Jesus. (Mat. 20:20-23) Dahil sa detalyeng ito, lalo tayong nakumbinsi na totoong mapagpakumbaba si Maria!
19-20. Ayon sa Santiago 1:22-25 at 4:8, ano-ano ang tunguhin natin kapag nag-aaral?
19 Tandaan, ang pinakamahalagang tunguhin natin sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at ng ating mga publikasyon ay maging mas malapít kay Jehova. Gusto rin nating makita nang malinaw “kung anong uri [tayo] ng tao” at kung ano ang kailangan nating baguhin para mapasaya ang puso ng Diyos. (Basahin ang Santiago 1:22-25; 4:8.) Kaya bago mag-aral, hilingin muna ang espiritu ni Jehova. Hilingin natin sa kaniya na tulungan tayong makinabang nang husto sa pag-aaralan natin at na makita natin kung ano ang kailangan nating baguhin.
20 Lahat sana tayo ay maging gaya ng lingkod ng Diyos na inilarawan ng salmista: “Nalulugod siya sa kautusan ni Jehova, at ang kautusan Niya ay binabasa niya nang pabulong araw at gabi. . . . Ang lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.”—Awit 1:2, 3.
AWIT 88 Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan
^ par. 5 Maraming inilaan si Jehova na puwede nating panoorin, basahin, at pag-aralan. Tutulungan ka ng artikulong ito na makapagpasiya kung ano ang pag-aaralan mo, at may praktikal na mga mungkahi ito para makinabang kang mabuti sa iyong personal na pag-aaral.
^ par. 61 LARAWAN: Tinuturuan ng mga magulang ang mga anak nila na maghanda sa lingguhang Pag-aaral sa Bantayan.
^ par. 63 LARAWAN: Nagre-research ang brother tungkol sa manunulat ng Bibliya na si Amos. Ipinapakita ng larawan sa background ang nai-imagine niya habang nagbabasa ng Bibliya at nagbubulay-bulay.