STUDY PROJECT
Kung Paano Matitiis ang Di-patas na Pagtrato
Basahin ang Genesis 37:23-28; 39:17-23 para matuto sa karanasan ni Jose kung paano titiisin ang di-patas na pagtrato.
Pag-isipan ang konteksto. Bakit nakaranas ng di-patas na pagtrato si Jose? (Gen. 37:3-11; 39:1, 6-10) Gaano katagal kinailangang tiisin ni Jose ang di-patas na pagtrato sa kaniya? (Gen. 37:2; 41:46) Nang mga panahong iyon, ano ang ginawa at hindi ginawa ni Jehova para kay Jose?—Gen. 39:2, 21; w23.01 17 ¶13.
Pag-aralan. Kahit na hindi totoo ang mga bintang ng asawa ni Potipar, walang sinasabi ang Bibliya na ipinagtanggol ni Jose ang sarili niya. Paano makakatulong ang sumusunod na mga teksto para maintindihan natin kung bakit pinili ni Jose na manahimik na lang ng mga panahong iyon? (Kaw. 20:2; Gawa 21:37) At bakit hindi natin dapat asahan na iuulat ang lahat ng detalye tungkol dito? (Juan 21:25) Anong mga katangian ang posibleng nakatulong kay Jose na matiis ang di-patas na pagtrato?—Mik. 7:7; Luc. 14:11; Sant. 1:2, 3.
Hanapin ang mga aral. Tanungin ang sarili:
-
‘Anong di-patas na pagtrato ang aasahan ko bilang tagasunod ni Jesus?’ (Luc. 21:12, 16, 17; Heb. 10:33, 34)
-
‘Ano ang puwede kong gawin ngayon para maging handa sa mga di-patas na pagtrato na posible kong maranasan?’ (Awit 62:7, 8; 105:17-19; w19.07 2-7)