Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TIP SA PAG-AARAL

Humanap ng Magandang Lugar Para Mag-aral

Humanap ng Magandang Lugar Para Mag-aral

Gusto mo bang makinabang nang husto sa pag-aaral? Subukan ang mga tip na ito para mas makapagpokus ka:

  • Pumili ng maayos na lugar. Kung posible, humanap ng lugar na malinis at may sapat na liwanag. Puwede kang pumuwesto sa harap ng desk o maghanap ng komportableng lugar sa labas.

  • Humanap ng pribadong lugar. Pinili ni Jesus na manalangin “habang madilim pa, . . . sa isang liblib na lugar.” (Mar. 1:35) Kung hindi iyan posible sa iyo, puwede mong sabihin sa pamilya mo o sa mga kasama mo sa bahay ang schedule mo para makapag-adjust sila.

  • Magpokus. Iwasan ang mga nakakagambala sa iyo. Kung gadget ang gamit mo sa pag-aaral, ilagay ito sa silent o airplane mode para hindi ka maistorbo. At kung may bigla kang maisip na kailangan mong gawin, isulat muna ito at gawin ito pagkatapos ng pag-aaral mo. Kung nawawala na ang pokus mo, huminto sandali para maglakad o mag-stretching.