Tinawag Siya ni Jehova na “Aking Kaibigan”
“Ikaw, O Israel, ay aking lingkod, ikaw, O Jacob, na aking pinili, ang binhi ni Abraham na aking kaibigan.”—ISA. 41:8.
1, 2. (a) Bakit natin masasabi na puwedeng maging kaibigan ng Diyos ang mga tao? (b) Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
MULA sa duyan hanggang sa libingan, pag-ibig ang ating pinakamalaking pangangailangan. Nangangailangan tayo at naghahangad ng pag-ibig—at hindi lang romantikong pag-ibig. Sabik tayong magkaroon ng mga kaibigan at ng kaugnayan sa iba. Pero may isang uri ng pag-ibig na kailangang-kailangan natin—ang pag-ibig ni Jehova. Para sa marami, imposibleng maging malapít na kaibigan ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, na isang di-nakikitang Espiritu sa langit. Ganiyan din ba ang iniisip natin? Siyempre hindi.
2 Ipinakikita ng Bibliya na may mga di-sakdal na taong naging kaibigan ng Diyos. Magandang bulay-bulayin ang kanilang halimbawa dahil ang pakikipagkaibigan sa Diyos ang pinakamakabuluhang tunguhin sa buhay. Si Abraham ang isang napakagandang halimbawa nito. (Basahin ang Santiago 2:23.) Paano naging malapít si Abraham kay Jehova? Pananampalataya ang pangunahing dahilan. Tinawag pa nga ng Bibliya si Abraham na “ama ng lahat niyaong may pananampalataya.” (Roma 4:11) Tingnan natin kung paano nakatulong ang pananampalataya ni Abraham para maging malapít na kaibigan siya ng Diyos. At makabubuting itanong natin, ‘Paano ko matutularan ang pananampalataya ni Abraham at mapatitibay ang pakikipagkaibigan ko kay Jehova?’
PAANO NAGING KAIBIGAN NI JEHOVA SI ABRAHAM?
3, 4. (a) Ilarawan ang malamang na naging pinakamatinding pagsubok sa pananampalataya ni Abraham. (b) Bakit handa si Abraham na ihandog si Isaac?
3 Gunigunihin ang isang matandang lalaking umaakyat sa bundok. Tiyak na ito na ang pinakamahirap na paglalakbay na ginawa niya, pero hindi dahil sa edad niya. Kahit mga 125 anyos na si Abraham noon, malakas pa rin siya. [1] Kasunod niya ang isang nakababatang lalaki na malamang ay 25 anyos. Iyon ang anak niyang si Isaac, at may pasan siyang panggatong. Si Abraham naman ay may dalang kutsilyo at pampaningas ng apoy. Hinilingan siya ni Jehova na ihandog ang kaniyang sariling anak!—Gen. 22:1-8.
4 Malamang na iyon ang pinakamatinding pagsubok sa pananampalataya ni Abraham. May mga nagsasabi na malupit ang Diyos dahil sa kahilingan niya kay Abraham at na sunod-sunuran lang daw si Abraham sa Diyos. Nasasabi nila iyon dahil wala silang pananampalataya at hindi nila nauunawaan kung ano ito. (1 Cor. 2:14-16) Hindi sunod-sunuran si Abraham. Sumunod siya udyok ng tunay na pananampalataya. Sa pamamagitan ng mata ng pananampalataya, nakita niya na hindi hihiling ang kaniyang makalangit na Ama, si Jehova, ng anumang bagay na ikasasamâ ng Kaniyang tapat na mga lingkod. Alam ni Abraham na kung susundin niya si Jehova, siya at ang kaniyang anak ay pagpapalain ng Diyos. Saan nakabatay ang pananampalatayang iyon? Sa kaalaman at karanasan.
5. Paano malamang na nalaman ni Abraham ang tungkol kay Jehova? Ano ang nadama niya dahil sa kaalamang iyon?
5 Kaalaman. Bagaman lumaki sa Ur, isang lunsod ng mga Caldeo na palasak sa idolatriya, nakilala ni Abraham si Jehova. Paano nangyari iyon gayong ang ama niyang si Tera ay mananamba sa idolo? (Jos. 24:2) Hindi binabanggit ng Bibliya, pero ipinakikita nito na si Abraham ang ikasiyam na henerasyon mula kay Sem, na isa sa mga anak ni Noe at may matibay na pananampalataya. Namatay si Sem nang si Abraham ay mga 150 anyos. Hindi natin tiyak kung kay Sem nalaman ni Abraham ang tungkol kay Jehova. Pero malamang na ikinuwento ni Sem sa kaniyang pamilya ang nalalaman niya tungkol kay Jehova. Kaya posibleng nakaabot ang kaalamang iyon kay Abraham at naantig ang kaniyang puso. Inibig niya ang Diyos na nakilala niya, at ang kaalamang iyon ang tumulong sa kaniya na magkaroon ng pananampalataya.
6, 7. Paano napatibay si Abraham ng mga karanasan niya?
6 Karanasan. Paano nagkaroon si Abraham ng karanasan na nagpatibay sa kaniyang pananampalataya kay Jehova? Sinasabi na ang ating iniisip ay lumilikha ng damdamin, at ang damdamin ay umaakay sa pagkilos. Dahil sa natutuhan ni Abraham tungkol sa Diyos, nagkaroon siya ng matinding pagkamangha at paggalang para kay “Jehova na Kataas-taasang Diyos, na Maygawa ng langit at lupa.” (Gen. 14:22) Tinatawag ng Bibliya ang damdaming iyon bilang “makadiyos na takot,” at mahalaga ito para maging kaibigan ng Diyos. (Heb. 5:7; Awit 25:14) Makadiyos na takot ang nagpakilos kay Abraham na sumunod.
7 Inutusan ng Diyos ang may-edad nang sina Abraham at Sara na lisanin ang Ur at pumunta sa banyagang lupain. Habambuhay Gen. 12:10-20; 20:2-7, 10-12, 17, 18) Pinatibay ng mga karanasang iyon ang pananampalataya ni Abraham.
na silang maninirahan sa mga tolda. Dahil sa pagsunod ni Abraham, binuksan niya ang daan para pagpalain siya at protektahan ni Jehova. Halimbawa, nangamba si Abraham na baka kunin sa kaniya ang magandang asawa niyang si Sara at patayin siya. May dahilan siyang matakot, pero hindi pinahintulutan ni Abraham na mailihis siya nito sa pagsunod sa Diyos. Hindi lang minsan kumilos si Jehova para protektahan sina Abraham at Sara sa makahimalang paraan. (8. Paano tayo magkakaroon ng kaalaman at karanasan na magpapatibay ng ating pakikipagkaibigan kay Jehova?
8 Puwede rin ba tayong maging malapít na kaibigan ni Jehova? Oo! Sagana tayong makakakuha ng kaalaman at karanasang kailangan natin. Mas marami tayong makukuhang kaalaman ngayon sa Bibliya kaysa sa taglay ni Abraham noon. (Dan. 12:4; Roma 11:33) Ang Salita ng Diyos ay punong-puno ng kaalaman tungkol sa “Maygawa ng langit at lupa.” Ang natututuhan natin mula rito ay mag-uudyok sa atin na igalang siya at mahalin. Habang sinusunod natin ang Diyos, nagkakaroon tayo ng karanasan dahil nakikita natin kung paano niya tayo pinagpapala at pinatitibay. Kapag lubusan tayong naglilingkod kay Jehova, nagkakaroon tayo ng kasiyahan, kapayapaan, at kagalakan. (Awit 34:8; Kaw. 10:22) Habang lumalago ang ating kaalaman at karanasan, tumitibay ang ating pananampalataya at pakikipagkaibigan kay Jehova.
ININGATAN NI ABRAHAM ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN SA DIYOS
9, 10. (a) Ano ang kailangan para tumibay ang pagkakaibigan? (b) Ano ang nagpapakitang pinahalagahan at pinatibay ni Abraham ang pakikipagkaibigan niya kay Jehova?
9 Ang pakikipagkaibigan ay isang kayamanan. (Basahin ang Kawikaan 17:17.) Pero hindi ito gaya ng isang gamit na puwede nating bilhin at itago. Ang pakikipagkaibigan ay gaya ng isang bagay na may buhay na kailangang ingatan at alagaan para lumago. Pinahalagahan at iningatan ni Abraham ang pakikipagkaibigan niya kay Jehova. Paano?
10 Hindi nadama ni Abraham na sapat na ang ipinakita niyang pagkatakot at pagsunod kay Jehova. Habang naglalakbay siya sa Canaan kasama ng kaniyang malaking sambahayan, patuloy siyang nagpagabay kay Jehova sa paggawa ng mga desisyon, maliit man o malaki. Isang taon bago isilang si Isaac, nang si Abraham ay 99 anyos, iniutos ni Jehova na tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan ni Abraham. Kinuwestiyon ba ni Abraham ang utos na iyon o naghanap siya ng paraan para makaiwas? Hindi. Nagtiwala siya sa Diyos at sumunod “nang mismong araw na iyon.”—Gen. 17:10-14, 23.
11. Bakit nabahala si Abraham tungkol sa Sodoma at Gomorra? Paano siya tinulungan ni Jehova?
11 Dahil laging sumusunod si Abraham kay Gen. 18:22-33.
Jehova kahit sa maliliit na bagay, naingatan niya at napalago ang kaniyang pakikipagkaibigan sa Diyos. Hindi siya nangiming magsabi kay Jehova ng kaniyang niloloob at humingi ng tulong sa mahihirap na tanong. Halimbawa, nang malaman niyang pupuksain ng Diyos ang mga lunsod ng Sodoma at Gomorra, nag-alala si Abraham na baka mapuksa ang mga matuwid kasama ng masasama. Marahil ay nababahala si Abraham sa kaniyang pamangkin na si Lot at sa pamilya nito na nakatira noon sa Sodoma. Nagtanong si Abraham nang may kapakumbabaan at tiwala sa Diyos, ang “Hukom ng buong lupa.” Matiyagang itinuro ni Jehova kay Abraham ang tungkol sa Kaniyang awa, na sinusuri Niya ang bawat puso at naghahanap siya ng mga matuwid na ililigtas sa panahon ng paghatol.—12, 13. (a) Paano nakatulong kay Abraham ang kaniyang kaalaman at karanasan? (b) Ano ang nagpapakita na may tiwala si Abraham kay Jehova?
12 Tiyak na nakatulong ang lahat ng kaalaman at karanasan ni Abraham para mapanatiling matibay ang kaniyang pakikipagkaibigan kay Jehova. Kaya naman nang mapaharap siya sa matinding pagsubok—nang hilingin ni Jehova na ihandog niya ang anak niyang si Isaac—napag-isip-isip niya ang mga katangian ng kaniyang Kaibigan sa langit. Balikan natin ang tapat na lalaking iyon habang paahon siya sa lupain ng Moria. Inisip kaya niya na biglang nagbago si Jehova at naging malupit at walang awa? Para kay Abraham, imposible iyan! Bakit?
13 Nang magpaalam siya sa kaniyang mga lingkod na kasama nila, sinabi ni Abraham: “Manatili kayo ritong kasama ng asno, ngunit nais ko at ng bata na pumunta roon at sumamba at bumalik sa inyo.” (Gen. 22:5) Ano ang ibig niyang sabihin? Nagsisinungaling ba siya sa kaniyang mga lingkod sa pagsasabing babalik sila ni Isaac gayong alam niya na ihahandog niya ito? Hindi. Ipinakikita ng Bibliya kung ano ang iniisip ni Abraham. (Basahin ang Hebreo 11:19.) “Inisip [ni Abraham] na magagawa ng Diyos na ibangon [si Isaac] kahit mula sa mga patay.” Oo, naniniwala si Abraham sa pagkabuhay-muli. Alam niyang pinanumbalik ni Jehova ang kakayahan nila ni Sara na magkaanak kahit may-edad na sila. (Heb. 11:11, 12, 18) Alam niyang walang imposible kay Jehova. Kaya tiwala siyang anuman ang mangyari sa araw na iyon, ibabalik ni Jehova sa kaniya ang kaniyang pinakamamahal na anak para matupad ang lahat ng pangako ni Jehova. Hindi kataka-takang tinawag si Abraham na “ama ng lahat niyaong may pananampalataya”!
14. Ano ang mga hamong napapaharap sa iyo sa paglilingkod kay Jehova, at paano ka matutulungan ng halimbawa ni Abraham?
14 Kumusta naman tayo? Totoo, hindi naman tayo hinihilingan ni Jehova na ihandog ang ating mga anak. Pero hinihilingan niya tayong sumunod sa kaniya kahit na parang Ex. 23:2; 1 Tes. 2:2) Pakiramdam mo ba’y para kang si Abraham na umaakyat sa bundok na iyon sa Moria at napapaharap sa isang matinding hamon? Kung oo, tularan ang pananampalataya at lakas ng loob ni Abraham! Kung bubulay-bulayin natin ang halimbawa ng tapat na mga lingkod ng Diyos, mapakikilos tayong tularan sila at maging malapít kay Jehova bilang ating Kaibigan.—Heb. 12:1, 2.
mahirap sundin ang kaniyang mga utos o hindi natin naiintindihan kung bakit niya iniutos ang mga iyon. May naiisip ka bang utos ng Diyos na para sa iyo ay mahirap sundin? Para sa ilan, ito ay ang pangangaral. Baka mahiyain sila at nahihirapang lumapit sa mga taong di-kilala para ibahagi ang mabuting balita. Ang iba naman ay nahihirapang mapaiba sa kanilang mga kaeskuwela o katrabaho. (ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN NA NAGDUDULOT NG MGA PAGPAPALA
15. Bakit tayo nakatitiyak na hindi pinagsisihan ni Abraham ang pagsunod niya kay Jehova?
15 Pinagsisihan kaya ni Abraham ang pagsunod niya kay Jehova? Pansinin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa wakas ng kaniyang buhay: “Pumanaw si Abraham at namatay sa lubos na katandaan, matanda na at nasisiyahan.” (Gen. 25:8) Nang 175 anyos na si Abraham, nanghina na siya, pero nasiyahan siya sa kaniyang naging buhay. Nakasentro kasi iyon sa pakikipagkaibigan niya sa Diyos na Jehova. Pero kapag nabasa nating si Abraham ay “matanda na at nasisiyahan,” huwag nating isipin na nagsawa na siya sa buhay, at ayaw nang mabuhay sa hinaharap.
16. Ano-anong bagay ang magpapasaya kay Abraham sa Paraiso?
16 Sinasabi ng Bibliya tungkol kay Abraham: “Hinihintay niya ang lunsod na may tunay na mga pundasyon, na ang tagapagtayo at maygawa ng lunsod na ito ay ang Diyos.” (Heb. 11:10) Naniniwala si Abraham na balang-araw, makikita niya ang lunsod na iyon, ang Kaharian ng Diyos, na namamahala sa lupa—at tiyak na makikita niya iyon! Naguguniguni mo ba kung gaano kasaya si Abraham na mabuhay sa Paraiso at mapatibay pa ang pakikipagkaibigan niya kay Jehova? Matutuwa siyang malaman na ang halimbawa niya ay nakatulong sa mga lingkod ni Jehova libo-libong taon pagkamatay niya! Sa Paraiso, malalaman din niya na ang paghahandog na ginawa niya sa Bundok Moria ay may inilarawang mas dakilang bagay. (Heb. 11:19) At malalaman niya na ang sakit na naramdaman niya habang naghahanda siyang ihandog si Isaac ay nakatulong sa milyon-milyong tapat na tao na maunawaan ang sakit na naramdaman ni Jehova nang ibigay niya ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, bilang pantubos. (Juan 3:16) Natulungan tayong lahat ng halimbawa ni Abraham na lalong pahalagahan ang pantubos, ang pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig!
17. Ano ang iyong determinasyon? Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
17 Maging determinado nawa ang bawat isa sa atin na tularan ang pananampalataya ni Abraham. Habang patuloy nating nakikilala si Jehova, nakagagawa tayo ng rekord ng katapatan sa harap niya at nagkakaroon ng higit na karanasan dahil sa tapat na paglilingkod sa kaniya. (Basahin ang Hebreo 6:10-12.) Maging Kaibigan nawa natin si Jehova magpakailanman! Sa susunod na artikulo, tatalakayin natin ang tatlo pang halimbawa ng mga tapat na naging malapít na kaibigan ng Diyos.
^ [1] (parapo 3) Ang lalaking ito at ang kaniyang asawa ay dating tinatawag na Abram at Sarai, pero sa artikulong ito, tatawagin natin sila sa pangalang ibinigay sa kanila ni Jehova nang maglaon—Abraham at Sara.