Dahil sa Isang Matamis na Ngiti!
DALAWANG kabataang babae ang magkasamang naglalakad sa isang commercial area sa Baguio City, sa Pilipinas. Napansin nila ang isang public witnessing cart, pero hindi nila ito nilapitan. Nginitian sila ni Helen, ang sister na nakatayo sa tabi ng cart. Tuloy lang sa paglalakad ang dalawang babae, pero hindi nila malimutan ang matamis na ngiti ni Helen.
Pagkaraan, habang pauwi sila sakay ng bus, may nakita silang isang malaking sign na jw.org sa isang Kingdom Hall. Naalala nila na iyon din ang sign na nakita nila sa witnessing cart noong nasa commercial area sila. Bumaba sila ng bus at tiningnan ang iskedyul ng mga pulong ng iba’t ibang kongregasyon na nakalagay sa gate ng Kingdom Hall.
Dumalo ang dalawang babae sa isa sa mga pulong na ito. At sino ang nakita nila pagpasok nila sa Kingdom Hall? Si Helen! Nakilala agad nila siya, ang babaeng may matamis na ngiti. “Nang lapitan nila ako,” ang sabi ni Helen, “medyo kinabahan ako. Inisip kong baka may nagawa akong kasalanan sa kanila.” Pero ipinaliwanag nila kay Helen ang istorya.
Nag-enjoy ang dalawang babae sa pulong at pakikipagsamahan; komportableng-komportable sila. Nang makita nilang may mga naglilinis ng Kingdom Hall pagkatapos ng pulong, nagtanong sila kung puwedeng tumulong. Nasa ibang bansa na ang isang babae, pero ang isa naman ay dumadalo na sa mga pulong at nagsimula nang mag-aral ng Bibliya—ang lahat ay dahil sa isang matamis na ngiti!