ANG BANTAYAN—EDISYON PARA SA PAG-AARAL Setyembre 2017
Ang mga araling artikulo sa isyung ito ay para sa Oktubre 23 hanggang Nobyembre 26, 2017.
Magkaroon ng Pagpipigil sa Sarili
Paano makatutulong sa atin ang mga halimbawa sa Bibliya para magkaroon tayo ng katangiang ito at maipakita ito? Bakit kailangan ito ng mga Kristiyano?
Tularan ang Pagkamahabagin ni Jehova
Minsan, isiniwalat ni Jehova ang kaniyang sarili kay Moises sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaniyang pangalan at mga katangian. Ang isa sa mga unang binanggit niya ay ang kagandahang-loob, o pagkamahabagin. Ano ang pagkamahabagin, at bakit dapat kang maging interesado dito?
TALAMBUHAY
Pinagpala na Maging Kamanggagawa ng mga Taong Espirituwal
Ikinuwento ni David Sinclair ang kaniyang kagalakan at pribilehiyo na maglingkod kasama ng tapat na mga brother at sister sa kaniyang 61 taon sa Bethel.
Ang Salita ng Ating Diyos ay Mananatili Magpakailanman
Sa kabila ng mga pagbabago sa wika at politika, at pagsalansang sa pagsasalin nito, ang Bibliya pa rin ang pinakamabiling aklat daan-daang taon mula nang makumpleto ito.
“Ang Salita ng Diyos ay . . . May Lakas”
Marami ang nakagawa ng malalaking pagbabago dahil sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Ano ang kailangan para makaimpluwensiya sa ating buhay ang Bibliya?
“Magpakalakas-loob Ka . . . at Kumilos”
Bakit kailangan natin ang lakas ng loob, at paano tayo magkakaroon nito?