Tip sa Pagre-research
Activity Para sa mga Bata
Dapat turuan ng mga magulang ang mga anak nila tungkol kay Jehova. Mabigat na pananagutan iyon. (Efe. 6:4) Pero maraming inilaan ang organisasyon ni Jehova na makakatulong sa mga magulang. Paano mo magagamit ang mga ito sa pagtuturo sa mga anak mo?
Magpunta sa jw.org. Marami itong publikasyon, video, at activity na ginawa para sa mga kabataan. a Para makita ang mga ito, i-type ang “Mga Bata” o “Tin-edyer” sa search bar.
Pumili ng paksang babagay sa anak mo. Sa seksiyong “Mga Bata,” makakapili ka ng mga activity na makakatulong sa kaniya. Para makita ang ilan sa mga ito, i-search ang “Mga Activity Para sa Pampamilyang Pagsamba.”
Maglaan ng panahon sa anak mo. Huwag gawing pampalipas-oras lang niya ang mga video o activity natin. Pag-usapan ninyo ito para matulungan mo siyang maging kaibigan ni Jehova.
a Sa ngayon, nasa JW Library® na ang lahat ng video para sa mga kabataan, pero limitado pa lang ang mga activity dito.