Ang Olympics, Palakasan at Relihiyon—Mayroon Bang Salungatan?
Ang Olympics, Palakasan at Relihiyon—Mayroon Bang Salungatan?
“ANG kahuli-hulihang sinaunang Palarong Olympic ay ginanap noong A.D. 393. Nang sumunod na taon ipinagbawal ng batas ni emperador Theodosius ang pagdaraos ng Palaro.” (History of the Olympic Games, ni Xenophon L. Messinesi) Bakit ipinagbawal ng “Kristiyanong” emperador ang Palaro? Nais niyang linisin ang lahat ng mga gawaing pagano mula sa imperyo. Nguni’t bakit itinuturing na pagano ang Palarong Olympic?
Idinagdag pa ng manunulat na si Messinesi: “Kami’y sinabihan na, sa panahon ng paghahain sa [Griegong diyos] na si Zeus . . . isang saserdote ang nakatayo sa dulo ng istadyum na may hawak na sulo. Ang mga atleta o manlalaro na kabilang sa mga mananamba . . . ay nag-uunahan hanggang sa dulo ng istadyum patungo sa saserdote . . . [ang nanalo] ang may pribilehiyong magsindi ng apoy sa altar para sa mga hain. Ang ningas sa altar ay makasagisag na magliliyab sa buong panahon ng Palaro . . . Itong bahaging ito ng seremonya ang siyang binuhay-muli sa Palaro ngayon.”
Ang paganong pinagmulan ng Palaro ay pinapanatili hanggang sa araw na ito sa maraming paraan. Ang sulo ng Olympic ay sinisigan sa pamamagitan ng itinuong mga silahis ng araw sa isang seremonya sa Sacred Grove sa Olympia, Gresya. Isang punong saserdoteng lalaki at mga saserdoteng babae ang lumalahok sa gawain. Ang sagradong ningas ay saka dinadala mula sa Olympia tungo sa kasalukuyang lunsod
na Palarong Olympic. Sinusubaybayan ng angaw-angaw ang paglalakbay ng sulo sa pamamagitan ng TV at radyo. Ang pinakasukdulan ay sa pangwakas na yugto kapag ito ay dinadala sa Olympic istadyum upang sindihan ang ningas na magliliyab sa buong panahon ng Palaro.Ang historyador na si Messinesi ay nagpapaliwanag: “Sa lahat ng mga seremonya waring wala pang lumilikha nang gayong impresyon na gaya ng Ningas na nagmula sa Olympia . . . Iniuugnay nito ang Palaro na gaganapin sa relihiyosong kapahayagan na ginawang sagrado sa nakalipas na mga siglo.” (Amin ang italiko.) Ang opinyong ito ay pinatotohanan ng mga salita ng modernong pundador ng kilusang Olympic, si Baron Pierre de Coubertin, na noong taon bago siya mamatay ay nagsabi: “Ipinalalagay ko na tama ako sa pagsisikap ko mula sa pasimula ng pagpapanumbalik sa Olympic na pag-alabin ang relihiyosong kamalayan.”—Amin ang italiko.
Gaya ng napansin sa Palarong Olympic sa Los Angeles, may pagka-relihiyosong kapaligiran sa mga seremonya—ang pambansang awit ng punong-abalang bansa ay pinatugtog, ang bandera ng Olympic ay itinaas at ang himno ng Olympic ay inawit. Dahilan sa lahat na ito, papaano dapat malasin ng isang Kristiyano ang Palarong Olympic? Karagdagan pa, anong mga mithiin ang dapat na maging patnubay niya? Ang ‘pagwawagi ba ang siyang pinakamahalagang bagay’? O maaari kayang ang basta paglahok ay isa nang gantimpala?
Ang Palakasan sa Bibliya
Kikilalanin ng sinumang bumabasa sa mga sulat ng mga Kristiyanong apostol na sina Pedro at Pablo ang pagkahantad ng mga apostol na ito sa palakasan noong kanilang kaarawan. Halimbawa, pinayuhan ni Pablo ang mga taga-Corinto, na may kabatiran tungkol sa mga paligsahang atletiko na ginaganap sa Palarong Isthmian: “Hindi baga ninyo nalalaman na ang nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni’t iisa lamang ang tumatanggap ng gantimpala? Magsitakbo kayo ng gayon upang matamo ninyo. . . . Mangyari pa, ginagawa nga nila ito upang sila’y magtamo ng isang koronang nasisira [nalalantang korona ng mga dahon, Phillips], nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira [isang walang hanggang korona na hindi kailanman malalanta].”—1 Corinto 9:24, 25.
Sinasabi ba rito ni Pablo na ‘ang pagwawagi ang pinakamahalagang bagay’ sa palakasan? Hindi naman. Ipinakikita niya ang punto na sa sekular na takbuhan ay iisa lamang ang nagwawagi—nguni’t sa takbuhang Kristiyano ang lahat ay maaaring magwagi ng unang gantimpala. Kaya’t tumakbo na ang inyong isipan ay nakapako sa pagwawagi ng gantimpala!
Tinukoy rin ni Pedro ang korona ng nagwagi. Batid ng kapuwa mga apostol na ito na ang iba’t ibang palaro ay nagkakaloob ng mga korona—ng ligaw na mga dahong olibo sa Palarong Olympian, mga dahong laurel sa Palarong Pythian at isang koronang yari sa pino sa Palarong Isthmian. Ang lahat ng ito ay nalalanta at naglalaho sa paglipas ng panahon. Kaya iminungkahi ni Pedro “ang di-nasisirang korona ng kaluwalhatian” sa mga Kristiyanong matatanda o elder.—1 Pedro 5:4.
Samakatuwid ay maliwanag ang punto—ang kaluwalhatiang natamo sa palakasan ay panandalian, lumilipas. Iyan ang dahilan kung kaya masasabi ni Pablo: “Sapagka’t ang pagsasanay sa katawan ay 1 Timoteo 4:8) Malinaw na ipinakikita niya na ang ilang pisikal na pagsasanay at ehersisyo ay kapaki-pakinabang o may limitadong halaga. Subali’t hindi nito dapat na palitan o halinhan ang pag-aalay ng Kristiyano sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Ang Kaharian ng Diyos, hindi ang palakasan, ang dapat na nasa unang dako sa buhay ng bawa’t Kristiyano. (Mateo 6:33) Anong kabutihan nga mayroon ang isa na magkaroon ng isang atletikong katawan kung ang isipan naman ay maging masama? O ano naman kung siya ay maging isang apostata sa paglahok sa paganong relihiyosong mga palakasan? (2 Corinto 6:14-17) At nariyan ang panganib ngayon. Maraming bagay sa modernong pilosopya ng palakasan ang nagkokompromiso ng mga simulain at mga mithiing Kristiyano, gaya niyaong mga nagsasagawa ng gayong pilosopya. Papaano?
mapapakinabangan nang kaunti; nguni’t ang banal na debosyon ay mapapakinabangan sa lahat ng bagay, sapagka’t may pangako ng buhay ngayon at sa darating.” (Ang Pagwawagi ay Hindi Siyang Pinakamahalagang Bagay
Malalakas na mga panggigipit ang pinaiiral sa palakasan ngayon. Halimbawa, pagkalaki-laking halaga ng salapi ang hayagan o pailalim na ibinabayad sa lahat ng uri ng mga atleta o manlalaro. Kamakailan isang manlalaro ng putbol ng E.U. ang pumirma ng isang kontrata na gumagarantiya sa kaniya ng $40 milyon. Sa gayong uri ng salapi, at maging sa mas mababang halaga, ang atleta ay kailangang magdala ng—mga tagumpay. Kailangang maakit niya ang nagbabayad na publiko at ang mga adbertayser sa TV.
Ang mga sikat na manlalarong ito ang mga huwaran, ang mga modelo, ng milyun-milyong mga bata at mga kabataan. Ang kanilang agresibo, mapagkompetensiyang saloobin ay nakakarating hanggang sa mas mababang antas ng paglahok sa palakasan. Sa gayon ang kasabihang “Ang mababait ay natatapos na huli” ay nagpapabanaag ng negatibong saykolohikal na mga epekto sa maraming makabagong palakasan.
Ang pahiwatig ay na upang maging isang panalo karaniwan nang ikaw ay kailangang maging walang habag at marahas. Hindi kalabisang sabihin na ang mga saloobing ito ay palasak kahit na sa mga antas sa paaralan. Si John McMurtry, isang dating manlalaro ng putbol sa Canadian League, ay sumulat: “Patu-patuloy at walang pagbabago, habang sumusulong ako sa high school, kolehiyo at propesyonal na mga liga, ang aking katawan ay nagkalansag-lansag. Piraso por piraso. . . . Pinatutunayan lamang na ang pagsira sa katawan ang punto mismo ng putbol, gaya ng pagpatay at pagbalda ang mga punto sa digmaan. . . . Ang paligsahan at organisadong pananakit ay kailangan sa aming paraan ng buhay, at ang putbol ang isa sa pinakalitaw na halimbawa ng buong pamamaraan: isang wari’y makulay na laro ng moralidad o kabutihang-asal na nagpapakita sa amin kung gaano kapana-panabik at kapaki-pakinabang na Durugin ang Iyong Kapuwa.”
Ang huwaran para sa mga Kristiyano, si Jesu-Kristo, ay nagpayo sa kaniyang mga tagasunod: “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.” “Lahat ng bagay, kung gayon, na ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila.” (Mateo 19:19; 7:12) Ang nag-uudyok na puwersa na manalo-sa-anumang paraan na gumaganyak sa maraming palakasan ngayon ay maliwanag na hindi kasuwato ng mga aral ni Kristo. Ang timbang na tao ay hindi kailangang manalo sa lahat ng panahon upang masiyahan sa mahusay na paglahok sa isang palakasan. Maaaring mahirap iyan maunawaan ng iba, nguni’t tiyak na ito’y maliwanag. Ang palakasan ay nararapat na maging isang nagtataguyod-kalusugan at nakapagpaparelaks na libangan. Tiyak para sa isang karaniwang amatyur, ang paglahok ay dapat na magdulot sa kaniya ng kasiyahan. Kung hindi gayon, bakit makikibahagi ang libu-libo sa atletiks kung iilan lamang ang masisiyahang magwawagi? Batid ng karamihan na hindi sila maaaring manalo. Sa marami, ang kanilang kasiyahan ay sa paglahok at pagtapos sa takbuhin o paligsahan.
Ang espiritu ng pagpapaligsahan ay umaakay sa pagkakabaha-bahagi, pagmamataas at paghahambog. Sa gayon ang dangal ng talunan ay hindi iginagalang. Dahilan sa makasanlibutang espiritu na ito, hindi nanaisin ng mga Kristiyano na mapasangkot sa nagpapaligsahang mga liga, maging sa gitna nila mismo. Ni nanaisin man kaya nilang makipaglaro ang isang kongregasyong Kristiyano laban sa isa pa sa anumang palakasan. Tandaan, anuman ang kasalukuyang laganap na pilosopya, ang pagwawagi ay hindi siyang lahat ng bagay. Gaya ng isinulat ni James Michener: “Ang pagkatalo sa isang laro ay hindi katumbas ng kamatayan. Ang kabiguang maging numero uno ay hindi gumagawa sa akin na mas nakabababang tao.”
Higit na mas mahalaga kaysa anumang tagumpay sa larangan ng palakasan ay ang mga katangian na nalinang natin bilang mga tagatulad kay Kristo. Ang pagtalo sa iba sa isang palakasan ay hindi gumagawa sa atin na mas mabuting tao. Maaari pa nga tayong maging masama. Gaya ng payo ni apostol Pablo: “Huwag tayong maging labis na palaisip sa sarili, na nagpapaligsahan sa isa’t-isa, nagkakainggitan sa isa’t-isa.” “Nguni’t hayaang patunayan niya kung ano ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng dahilan upang magalak tungkol sa kaniyang sariling mag-isa, at hindi kahambing ng iba.”—Galacia 5:26; 6:4.
[Larawan sa pahina 11]
Ang paganong seremonya sa Olympia ay inulit sa makabagong panahon