Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Nobela ng Romansa Hindi Nakasásamâ?

Tunay na isang kasiyahang mabasa ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Hindi ba Nakasásamâ ang Pagbabasa ng mga Nobela ng Romansa?” (Marso 8, 1984) Personal kong naranasan ang kirot na maaaring idulot ng gayong pagbabasa. Madalas akong mangarap tungkol sa mayaman, malakas, mga guwapong lalaki na inilalarawan ng mga ito. Kaya nakapag-asawa ako ng isang mapag-imbot, siniko, mapaghangad-sa-kalayawang lalaki, na nagbunga ng hindi mabuting pag-aasawa. Walang sinuman ang mangangarap na lamang sa buhay. Dalawang taon pagkamatay ng aking asawa ay muli akong nag-asawa, nguni’t sa ngayon ay pinili ko ang isang tahimik, masipag na lalaki, na lubhang kakaiba sa mga lalaking inilalarawan sa mga nobela ng romansa. Nalalaman ngayon ng aming munting pamilya kung ano ang kahulugan ng tunay na kaligayahan.

J. O., Pransiya

Gandhi

Bagaman nasisiyahan ako sa inyong artikulo tungkol kay Mahatma Gandhi (Oktubre 8, 1984), masasabi kong hindi ko naibigan ang pitak ninyo hinggil sa sistema ng caste. Yamang ang mga diyos na Hindu ay itim at puti, yaon ay, si Krishna ay itim at si Radha, ang kaniyang asawa, ay puti, hindi ko masasabi na ang Hinduismo ay nagsasagawa ng pagtatangi ng lahi na gaya ng mga Kristiyano sa Timog Aprika, ni ipinahihintulot man nito ang sistemang caste. Ang mga taong naniniwala sa sistemang caste ay nawawalan ng paggalang sa lipunan, at napakaraming mga doktor at mga propesyonal na tao mula sa mabababang uri sa India. Mayroon pa nga kaming punong-ministro na mula sa mababang-caste​—si Jagjivan Ram​—na isang Sudra. Ang pagtatangi ng tao ay labag sa batas sa India kung papaanong ang pagtatangi ng lahi ay labag sa batas sa Britaniya.

N. P., Inglatera

Gaya ng pagkakasabi ng peryodistang taga-India na siyang sumulat ng aming artikulong nabanggit, ang pagtatangi ng tao sa uri o ang tinatawag na untouchability ay ipinagbawal sa India sapol pa noong 1950. Gayunman ipinakikita ng isang surbey kamakailan hinggil sa isang libong mga nayon sa buong India na kung ikaw ay isang Untouchable, hindi ipagagamit sa iyo ng 61 porcientong ibang mga tao ang kanilang balon; 82 porciento ang hindi magpapahintulot sa iyo na pumasok sa templo; 56 porciento ang magkakait sa iyo ng tirahan; 52 porciento ng mga maglalabada ay pagkakaitan ka ng kanilang mga paglilingkod; at hindi ka aahitan ng 45 porciento ng mga barbero. At, iniulat ng “The Hindu” ng Mayo 4, 1982, na ang Mandal Commission ay nagbabala laban sa anumang pagpapalagay na ang sistemang caste ay palipas na. Gayunman, ang aming artikulo ay hindi nilayon bilang isang pagbatikos sa India o ng bagay na ang sistemang caste ay nananatili pa rin sa isipan ng marami bagama’t ito’y ipinagbawal na. Bagkus, nais naming ipakita ang mga suliranin na nakaharap ni Gandhi, at ng iba pa na gaya niya ngayon. Nais din naming ipakita na talagang hindi malulutas ng mga tao ang mga problemang ito kahit na gamitan pa ng pinakamagaling na mga batas. Tanging sa pamamagitan lamang ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus mawawala ang lahat ng pagtatangi ng tao, kaimbutan at karahasan. Nakaliligaya, ang panahon ay malapit na kapag aalisin ng Kahariang iyon mula sa lupa ang lahat ng kasamaan.​—ED.