Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sanhi ng Krimen

Sanhi ng Krimen

Sanhi ng Krimen

“Ang humihinang pagkabahala ng publiko sa Amerika tungkol sa ‘pagsasanay ng pagkatao o pag-uugali’ sa nakalipas na 60 mga taon ay malamang na gumanap ng mahalagang bahagi sa ating mabilis na pagdami ng krimen kamakailan,” sulat ng propesor sa political science na si Reo M. Christenson sa The Wall Street Journal.

Tinukoy doon ng propesor ang mga mungkahi na ibinigay ni James Q. Wilson ng Harvard University, na nagsasabing ang “lubhang mataas at patuloy na antas ng krimen” noong kalagitnaang ika-19 na siglo na mga lunsod sa E.U. ay nasawata ng maraming-sangang pagsisikap na itaguyod ang “pagpapaunlad ng pagkatao” (character development). Idiniin ng popular na literatura, mga paaralang bayan at mga simbahan ng panahong iyon ang kahalagahan ng pagpipigil sa asal at pagdidisiplina-sa-sarili, sabi niya.

Sa gayunding paraan, napansin ng iskolar na Ingles na si Christie Davies, sang-ayon sa propesor, na ang mabilis na pagdami ng krimen sa Britaniya noong kalagitnaang ika-19 na siglo ay umunti dahilan sa tinatawag noon na Victorian moral crusade na ngayo’y lubhang sinisiraan, na nagdiriin sa “katapatan, kasipagan, pagkukusa, kahusayan, pagiging nasa oras, kahinahunan at ang pagkadama ng pananagutan.”

Nguni’t “nitong mga nakaraang buwan,” sabi pa ni Christenson, “ang kultural na pagdiriin ay nakatuon sa pagpapahayag ng sarili, kusang pagkilos, pagpapabaya, indibiduwalismo at personal na kalayaan. . . . Kung tungkol sa mga paaralang bayan, labis nilang pinasamâ ang pagsasanay ng pagkatao.” Ang resulta? “Tumaas na lubha ang krimen noong 1960’s at nanatili sa nakababahalang antas mula noon,” hinuha niya.

Kawili-wili a ang Bibliya ay nagdiriin sa disiplina at pagpipigil: “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran; at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan ito.” (Kawikaan 22:6) Nguni’t may iba pang mga salik na nakatutulong sa pagdami ng krimen at delingkuwensiya sa mapanganib na mga panahong ito, gaya ng maliwanag na ipinakikita ng mga kasulatan na gaya niyaong sa 2 Timoteo 3:​1-5 at Apocalipsis 12:12.