Ang “Bagong Moralidad”—Inaani ang Inihasik Nito?
Ang “Bagong Moralidad”—Inaani ang Inihasik Nito?
“HINALINHAN ng Diyos ang apoy at asupre ng AIDS,” sulat ng isang galit na mambabasa sa New York Post. Gayundin ang akala ng marami na ang epidemikong paglaganap ng AIDS, herpes at iba pang STD ay higit pa sa resulta lamang ng tinatawag na seksuwal na pagbabago. Napag-uunawa nila ito bilang isang parusa mula sa Diyos dahilan sa kahandalapakan.
Ang epidemya ng STD ay, sa totoo, Roma 5:12) Sa gayon nasusumpungan kahit na ng mga taong may takot sa Diyos at namumuhay nang matuwid ang kanilang sarili na mga biktima ng mapangwasak na karamdaman.
isang nakatatakot na multo. Hindi ipinahihiwatig ng Bibliya na ginagamit ngayon ng Diyos ang sakit bilang parusa sa lisyang pag-uugali. Ang sakit at karamdaman ay di-maiiwasang mga resulta ng minanang kasalanan na nararanasan ng lahat ng sangkatauhan. (Gayumpaman, kadalasang maaaring mapasulong ng isa ang kaniyang buhay—pati na ang kalusugan ng isa—sa panghahawakan sa maka-Diyos na mga pamantayan. Halimbawa, hinahatulan ng Bibliya ang pagpapakalabis sa mga inuming de alkohol. (1 Corinto 6:9, 10; 1 Timoteo 3:8) Ipinakikita ng Kawikaan 23:29-34 ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang katayuang ito ay mainam:
“Sino ang may kalungkutan? Sino ang may kabalisahan? Sino ang may pakikipagtalo? Sino ang may pag-aalala? Sino ang may sugat na walang kadahilanan? Sino ang may nanlalabong mata? Silang nagtatagal sa alak . . . Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at naglalabas ng kamandag na parang ulupong. Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakatwang mga bagay, at ang iyong puso ay magbabadya ng mga magdarayang bagay. At ikaw nga ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.”
Mga kapinsalaan, wasak na kalusugan, mga guniguni—ang lahat ay napakasamang mga epekto ng paglalasing. Gayunman, ang Diyos ay hindi masisisi sa mga karamdamang ito. Ang indibiduwal, sa pagwawalang-bahala niya sa mga pamantayan ng Diyos, ay nagdadala nito sa kaniyang sarili. Sinasabi ng Bibliya sa Galacia 6:7, 8: “Huwag kayong padaya: Ang Diyos ay hindi napabibiro. Sapagka’t anuman ang inihahasik ng tao, ito rin ang aanihin niya; sapagka’t ang naghahasik ukol sa laman ay aani ng kasiraan buhat sa kaniyang laman.”
Totoo rin ang simulaing ito kung tungkol sa moralidad sa sekso. Ang Bibliya ay nagbababala sa 1 Corinto 6:18: “Magsitakas kayo sa pakikiapid. . . . Ang gumawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.” Ang “pakikiapid” ay sumasaklaw ng maraming seksuwal na kasalanan, kalakip na ang pagtatalik nang hindi kasal at homoseksuwalidad. Pansinin na ito’y isang kasalanan laban sa kaniyang sariling katawan. “Ngayon ang katawan ay hindi sa pakikiapid,” sabi ni Pablo. (1 Corinto 6:13) Ang mga kapangyarihan ng tao na mag-anak ay idinisenyo para sa isang banal na layunin: upang punuin ang lupa ng matuwid na mga anak. (Genesis 1:28) Ang mga pagtatalik sa sekso ay magsisilbi ring isang pinagmumulan ng kasiyahan sa mga mag-asawa.—1 Corinto 7:3-5; Kawikaan 5:18-20.
Niwawalang-kabuluhan ng handalapak sa sekso ang pinagpalang kaayusang ito. Kaya ito’y nakásasamâ sa moral, pinarurumi ang isa sa paningin ng Diyos. Umaakay ito sa wakas sa kahatulan na nililiwanag sa 1 Corinto 6:9, 10: “Kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diyus-diyusan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga lalaking ukol sa di-natural na layunin, ni ang mga lalaking sumisiping ng paghiga sa kapuwa lalaki . . . ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.” Ang isa na ‘nagkakasala laban sa kaniyang katawan,’ sa gayon, ay maaari ring ‘umani ng kung ano ang kaniyang inihasik’ sa pisikal at emosyonal na diwa. Ang mga karamdaman na seksuwal na naililipat ay bahagi lamang ng sangkatutak na problema na maaaring makaharap ng handalapak: wasak o walang-kasiguruhang pag-aasawa, paulit-ulit na sama ng loob, takot sa pagbubuntis, kawalan ng tiwala sa iba. Ang mga homoseksuwal, man, ay ‘tumatanggap sa kanilang sarili ng lubos na kagantihan, na karapat-dapat sa kanilang kamalian,’ sabi ng Bibliya. (Roma 1:27) Ang kanilang pagkalaswa-laswang seksuwal na pagkilos—iyon man ay ginagawa sa maraming mga kabit o sa “isahan”—ay “laban sa kalikasan.” (Roma 1:26) Kung gayon, dapat ba nating ipagtaka ang napakaraming pisikal na problema sa kasama ng kanilang istilo ng buhay?
Walang Libreng Sakay
Ang STD samakatuwid ay nakagawa ng higit pa kaysa pisikal na kahirapan sa ilang tao. Nilambungan nito ang paraan ng pamumuhay na nangako ng kalayaan, nguni’t kung para sa marami ay walang idinulot kundi sama ng loob at pasakit. Ang paniwala na sa pamamagitan ng “pill” at penicillin ay matatamasa ng isa ang bawal na sekso nang walang mga konsekuwensiya ay napatunayang talagang hindi totoo. Mangyari pa, ang mga Kristiyano ay hindi nagagalak sa mga pagdurusa ng iba. Gayunman, inaasahan nila na yaong mga nasilo sa “mabilis na landas” ng kahandalapakan ay dibdibang pagwariin ang kanilang paraan ng pamumuhay at kung ano ang maaaring ibunga nito. Hindi pa huli—o napakahirap man—para sa mga gayon na gumawa ng kinakailangang mga pagbabago. Ang mga Kristiyano noong sinaunang panahon ay nagtagumpay sa pagtakas sa silo ng seksuwal na imoralidad. At sa modernong panahon natulungan ng mga Saksi ni Jehova ang libu-libo na gawin din ang gayon.—1 Corinto 6:9-11.
Gayunman, nakalulungkot sabihin na ang karamihan ay waring disididong magpatuloy sa kanilang sakim na landasin. Ang takot sa pagkakaroon ng STD ay hindi na siyang dahilan upang itaguyod ang kalinisan ni ang takot man sa mga bombang nuklear, sa kapayapaan. Puna ng isang estudyante sa kolehiyo: “Inaakala kong ang AIDS at herpes ay tiyak na nasa mga isipan ng mga tao. Nguni’t hindi ko inaakala na nasugpo na nito ang seksuwal na pagbabago sa gitna ng mga kaedad ko.”
Kaya kung ang AIDS, herpes o ang kanilang iba pang nakamamatay na mga kasama ay magpapatuloy sa kanilang epidemikong paglaganap o maglalaho sa limot ay wala sa paksa. Alinman dito ay nagawa na ang di-mababagong pinsala sa kumikinang na patsada ng “bagong moralidad.” Ibinilad ito bilang isang walang kuwenta, walang pakinabang at mapanganib na paraan ng pamumuhay. Sa gayo’y nasusumpungan ng mga tagapagtaguyod ng ‘malaya o libreng pag-ibig,’ sa kanilang pagkasiphayo, na ang bawal na “pag-ibig” ay hindi talagang “libre.”
Tunay, ang halaga ay pagkamahal-mahal.