Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagmamasid sa Daigdig

Pagmamasid sa Daigdig

Pagmamasid sa Daigdig

Posibleng Nakamamatay na Pagkakamali

● Maraming Europeong mga espesyalista at mga siyentipiko sa computer ang hayagang nagpapahayag ng takot sa “nuklear na pakikidigma na dahil sa pagkakamali.” Ang mga problema sa computer at mga palsong alarma ng air defense control sa America nitong nakalipas na mga taon, pati na ang “malaking pagbaba o nabawas na panahon na magagamit para sa maagang pagbababala sa Europa,” ay nagpangyari sa mga dalubhasa na tumutol. Sang-ayon sa magasing Computerwoche, isang grupo ng mga propesor na Aleman ang naghahanda upang gumawa ng isang konstitusyonal na demanda laban sa Gobyerno Pederal dahilan sa paggamit ng mga sistemang elektroniko na dinisenyo upang gumanti sa loob lamang ng mga ilang minuto sa isang nuklear na ganting-salakay. Sang-ayon sa mga propesor, ang “semi-automatic o automatic reaction systems na ito na pinaaandar ng mga computer na, dahilan sa teknikal na mga kamalian o kamalian ng tao ay totoong hindi mapagkakatiwalaan at samakatuwid ay maaaring umakay sa nuklear na pakikidigma sa pamamagitan ng pagkakamali.

Nangungunang Karamdaman sa Sekso

● “Ang chlamydia, isang hindi gaanong kilala, madalas ay maling naririkonosi at maling ginagamot na impeksiyon, ay nagiging sanhi ng isang pambansang epidemya ng mga sakit benereal,” ulat ng The New York Times. “Nahigitan na nito ngayon ang gonorrhea bilang ang nangungunang karamdaman sa Estados Unidos na seksuwal na naililipat.” Sinasabing nakakaapekto sa pagitan ng tatlo at sampung milyong mga tao sa isang taon, maaari itong maging sanhi ng pagkabaog sa mga lalaki at mga babae at conjunctivitis at pulmonya sa kasisilang na mga sanggol gayundin sa mga may sapat na gulang. Natuklasan ng mga mananaliksik na taga-Sweden na ang isahang atake ng chlamydia ay makatlong beses na malamang maging sanhi ng pagkabaog sa mga babae kaysa sa gonorrhea. Ang mga kabataang babae ay lalo nang mas madaling tablan ng pinsala sa pag-aanak mula sa impeksiyon. Sa kasamaang palad, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito (mula sa Griego na “magkubli”), tinatayang 60 hanggang 80 porsiyento ng mga babaing mayroon nito ay walang mga sintomas at maaaring hindi magpagamot hanggang sa maging grabe na. At kadalasan, inakalang ito’y gonorrhea, ang manggagamot ay magrireseta ng maling mga gamot​—sinasawata ang karamdaman subali’t hindi ito nililipol.

Unang Diksiyunaryong Sumeriano

● Ang unang diksiyunaryo sa wikang Sumeriano, sinalita mga 4,000 taon na, ay sinisimulang imprentahin. Ipinahayag kamakailan ng mga iskolar sa University of Pennsylvania ang pagkatapos ng unang tomo. Ang mahirap na gawain ay nagsimula noong 1976. Kapag natapos, ang diksiyunaryo ay inaasahang magkakaroon ng hindi kukulanging 22 mga tomo at maglalaman ng 16,000 mga lahok. “Malamang na patay na ako bago ito matapos,” sabi ni Propesor Ake Sjoberg, ang 59-anyos na editor ng diksiyunaryo. Sumusulat ng cuneiform sa mga tabletang luwad, ang sinaunang mga Sumeriano​—mga maninirahan sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Eufrates noong mga 2000 B.C.E.​—ay mapanlikhang mga manunulat. “Isinusulat nila ang lahat ng bagay,” sabi ni Erle Leichty, ang kasamang editor ng diksiyunaryo. “Marami kaming natuklasan sa mga Sumeriano kaysa anumang kultura sa kasaysayan bago ang pagkaimbento ng palimbagan.” Mga isang milyong tableta na ang nahukay, karamihan ay naghihintay na basahin.

Mga Biktimang Bata

● Ang mga bata “ang karaniwang siyang nagdurusa na higit, kapag nag-aaway o may problema ang mga magulang,” ulat ng pahayagang Aleman na Kölner Stadt-Anzeiger. Ipinakita ng malawakang pag-aaral na isinagawa sa estado ng North Rhine-Westphalia sa Alemanya na ang karahasan sa “normal” na mga pamilya ay nangyari nang higit kaysa karaniwang inaakala. Halos 30,000 kaso ng grabeng pag-abuso sa bata ang nakatala sa Federal Republic of Germany taun-taon, at ilang daang mga bata ang ginulpe hanggang mamatay. Gayunman, tinatayang kasindami ng 400,000 mga bata ang pisikal na sinasaktan taun-taon. Sa 80 porsiyento ng mga kasong inimbistigahan, ang isa na gumagawa ng pagmamalupit o pag-abuso ay alin sa nauugnay sa biktima o mula sa kakilala ng pamilya. Ang mga pinsala ay karaniwang sinasabi na “isang pagkahulog” o “maduguin.”

Ngayo’y sa 1,785 na mga Wika Na!

● Iyan ang bilang ng mga wika na ang Bibliya ay nailathala hanggang noong pagtatapos ng 1983, sang-ayon sa pahayag ng UBS (United Bible Societies). Ito’y 24 na higit na mga wika kaysa noong naunang taon. Ang bilang na 1,785 ay nababahagi sa ganitong bilang: Ang buong Bibliya​—283 wika; ang “Bagong Tipan”​—572 mga wika; iba’t ibang indibiduwal na aklat ng Bibliya​—930 mga wika.