Mula sa Aming mga Mambabasa
Mula sa Aming mga Mambabasa
Mga Nobela ng Romansa
Sa sandaling ito ay hindi ko na babasahin ang 90 mga nobela ng romansa, na napakalaking bagay para sa akin. Pagkatapos na mabasa ko ang inyong artikulong “Hindi ba Nakasásamâ ang Pagbabasa ng mga Nobela ng Romansa?” (Marso 8, 1984, sa Tagalog) saka nagpasiya ako na huwag nang basahin ang mga iyan.
E. R., Brazil
Ang mga Obispo at ang Bomba
Ang inyong artikulong “Ang mga Obispo at ang Bomba” (Agosto 22, 1984, sa Tagalog) ay kumukustiyon sa posisyon at tiempo ng mga pangungusap ng mga obispong Katoliko at iba pa. Ang relihiyon sa yugtong ito ng kasaysayan at ang ating pagsisikap sa sandaling paglagi natin dito sa lupa ay pinakamagaling na maididirekta sa pagkakaisa, hindi sa pagkakabaha-bahagi. Ang pakikitungo sa makasanlibutang mga bagay (halim. militarismo) sa paraan na sumusunod sa mga tagubilin ng Diyos ay isang OK na aktibidad at kailangan ngayon higit kaysa noong nakaraan kung isasaalang-alang ang malawak na larangan ng mga armas, mabuti. Subali’t laban dito ang anti-Katolikong pangangatuwiran at pamimintas sa Kristiyanismo ring ito at sa pagtatangkang paglingkuran ang Diyos ding iyan.
J. T., California
Hindi namin pinipintasan ang mga lider ng Katoliko at Protestante sa pagsasalita laban sa giyera. Ang hindi mabuti ay ang pagsuporta, sa nakalipas na panahon, ng klerong Katoliko at Protestante, sa mga digmaang ginamitan ng mga tabak, sibat, baril, bomba, at ng mga bombang nuclear nang unang gamitin ito, ng hindi ikinababahala ang dalamhati, pagdurusa at kamatayan na dulot nito sa angaw-angaw na mga tao, at ang pagkawasak ng kultura at sibilisasyon. Makatuwiran lamang itanong: “Ang kanila bang paninindigan sa atrasadong petsang ito ay dahilan sa pati sila’y maliwanag na mapaparamay sa kapuksaan sa isang digmaang nuclear? Makabubuting ulitin ang sinabi ng pisisistang si Harold M. Agnew: “Sa palagay ko’y mga hipokrata sila dahil sa waring sinasang-ayunan nila ang kombensiyonal na digmaan nguni’t hindi ang digmaang nuclear. Unang-una ngayon, dahilan sa mga armas nuclear, yaong mga gumagawa ng desisyon na sumangkot sa digmaan ay nasa kaparehong panganib ng mga kabataan na humahayo upang tuparin ang desisyon ng matatanda. Kaya’t ang mga simbahan at lahat ng mga iba pa, ang kayamanan at iba pang ari-arian ay hindi na makaliligtas pagka nagkaroon ng digmaang nuclear. Lahat tayo ay todas.”—ED.